Dahan-dahan 'kong binabaybay ang gilid ng kalsada ninanamnam ang bawat sandali nang ano-ano'y bumagsak ang malakas na buhos ng ulan. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakapako ang paa ko kung saan ako nakatayo at tila ayaw nitong sumilong bagkus ay tumingala ako sa madilim at lumuluhang kalangitan.
Bakit nga kaya umiiyak ang langit?
Natawa ako sa isiping iyon. Alam kong dahil ito sa water cycle pero isinantabi ko ito at pilit hinahanapan ng kasagutan ang bagay na alam kong siyensiya lang ang makakapagpaliwanag.
Tuluyan na akong nahulog sa aking pag iisip ngunit agad akong nakarinig ng tinig na nakapagpabalik sa'kim sa reyalidad.
"Lea!" hiyaw ni rocky habang tumakbo papalapit sa akin. May dala siyang payong dahil nga umuulan.
Patakbo siyang lumapit sakin saka ako pinayungan."Hey rocky!, thank you" sagot ko habang sumusukob sa payong niya.
"Bat ka nagbabasa sa Ulan? may klase pa ah" pangaral niya sakin. Hindi ko ito pinansin at patuloy kong tinitigan ang bawat patak ng ulan.
"Ang ganda lang pagmasdan ng Ulan" Nag dadramang sabi ko saka ngumiti ng simple.
"Hay nako. Walang dramahan" natatawang wika niya habang hinihila ako papuntang waiting shed.
Patuloy pang lumakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis sa waiting shed. Sobrang magkalapit kaming dalawa, sya ang unang lalaking naging kaibigan ko. A casual close friend. Nakasanayan na namin ang mag-asaran dito, asaran doon, at kung ano pa man.
Naalala ko nung ikinuwento niya sa akin na gusto daw ako ng papa niya to the point na inuutusan siyang ligawan ako na siyang tinatawanan naming dalawa. Napasobra ako masyado sa pagbabalik tanaw na hindi ko naalalang nakauwi na pala ako sa sarili kong bahay.
"Lea! Kamusta? Di ka ba nilagnat kagabi? Eto gamot mo aga-aga pa namumutla kana!" Tatawa-tawang sabi niya. Magpapasalamat sana ako pero di pa man bumubuka ang bibig ko ay nakaalis na siya.
Napabuga nalang ako ng hangin at tiningnan ang papaalis na pigura niya."Uy ghorl tingin ko gusto ka nun." Saad ni Miya habang nakatingin sa dinaanan niya.
"We're just close." sagot ko saka ngumiti ng pilit.
"Wow. sabi mo e" sabi ni Miya na halata mo namang 'di naniniwala.
Another day came. Walang bago sa araw na 'yon bukod sa pagkawala ng lagnat ko. Normal na ulit akong nakikisalamuha sa mga kaklase ko.
May kanya-kanyang mundo ang mga tao dito sa clasroom dahil vacant pala ang subject na'to ngayon. Dahil lahat sila busy wala akong ibang magawa kundi ang dumukdok sa arm chair at intayin ang susunod pang klase.
Nararamdaman ko nang lumalalim ang tulog ko ng mapansin kong parang may nakatingin sa'kin. Mataman siyang nakatitig sakin.
Hindi ko alam kung bakit ganun siya makatitig na akala mo'y hinahalungkat ang buong pagkatao ko sa paraan ng pagtingin niya.
Nahulog nanaman ako sa malalim na pag iisip ngunit nakita ko siyang tumayo at maglakad papunta sa direksyon ko kaya hindi ko na magawang mag isip ng maayos.
Huminto siya sa harap ko. Halos ilang minuto kaming nakatitig sa mata ng isa't-isa bago siya nagsalita. "Lea."
Hindi ko ako sumagot o ni alisin manlang ang mga mata ko sakanya. " I think I like you not just a friend." That shock me.
Mabilis akong kumurap-kurap at inaalam kung totoo ba ang sinabi niya. "A--ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi niya inulit ang sinabi niya at sa halip ay bumalik siya sa pwesto niya kanina.
Yawa!
Sandaling katahimikan ang lumukob sa classroom hanggang sa bigla itong mapuno ng hiyawan.
Yawa talaga!
Mabilis akong tumakbo palabas nang room ng dahil sa matinding kaba at hiya.
----
Matapos ng confession niya ay lagi na kaming magkasama. Lagi kaminv tinutukso at lagi kaming isineset up ng mga kaklase at kaibigan namin. Tumagal kami ng ganun ng halos dalawang buwan pero walang label.
Ipinagsawalang bahala ko ito ngunit di ko akalaing mabilis na matatapos ang maliligayang sandali ng buhay ko. Nagtext siya sa'kin na magkita kami sa labas ng bahay.
"Lea, a--ano kasi-" wala siyang makapang salita habang kinakamot ang batok niya.
"Lea, alam mong gusto kita pero ang totoo-" humugot siya ng malalim na paghinga bago itinuloy ang sinasabi niya.
"Lea I'm sorry pero nung nagconfess ako 'di pa ako sure sa feelings ko." Humina ang boses niya sa mga huling salita and that hurts me.
"Hindi ko alam kung pa'no sasabihin pero gusto ko sana nang oras para siguraduhin ang feelings ko sayo." Nanatili lamang akong nakayuko. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga patak ng luha sa mata ko ngunit wala akong planong punasan iyon.
Nang maramdaman niyang wala akong planong sumagot ay dahan-dahan siyang humugot ng malalim na paghinga saka umalis, leaving me dumbfounded.
Simula no'n ay hindi na siya mulinv lumapit sakin at ganun din ako sakanya.
I guess its already game over.
Nandito nanaman ako sa gilid ng kalsada at wala sa sariling naglalakad. Maya-maya ay may namuong tubig sa gilid ng aking mga mata dahilan kung bakit ako natauhan at napadilat.
I found myself standing along the sidewalk while raining. Ninamnam ko ko nanaman ang bawat buhos ng ulan but something is different. May hinihintay ako na dumating pero wala, Wala na yung dating nagpapayong sakin tuwing umuulan. I'm alone and drench in this cruel rain but ain't that cold rain.
I can feel the sad ambiance brought by rain. Hindi naman nakakalungkot na umuulan, ang nakakalungkot ay ang reyalidad na wala na yung lagi kong kasama tuwing umuulan.
Time is surely brings back memories. Before, we are close as bestfriends but now we are close as strangers.
Collaboration with Leavel my bebe😊
BINABASA MO ANG
Random Thoughts: A compilation of Stories
RandomEach and everyone of us has a different stories that only our precious heart could tell.