Chapter 23
Lara's POV
Pag kadating namin sa bahay nila Lucas ay parang mas lalong naging nakakatakot doon dahil mas lalo yatang dumami ang men in black nila.
"Bakit dumami yata ang mga nag babantay?" tanong ko kay Kendra pag kapasok namin sa loob. "Kasi we are so important kaya we need extra tauhan and not to say pa na uuwi na si dad." Sagot nya. Oo nga pala sabi ni Lucas uuwi na ang tatay nila, ang tatay ko kaya? Kamusta na kaya okay lang kaya sya?
Pag katapos namin mag dinner mag kasama ay nag hiwalay na kami since sabi nya kailangan daw nya mag pahinga ng maaga, marami pa raw syang gagawing pag hahanda bukas para sa party na gaganapin sa makalawa.
Dumiretso ako sa kwarto ni Lucas dahil doon naman ako natutulog nung naandito ako, nasan kaya ang lalaki nayon, gabi na pero wala pa sya. Hindi ko rin alam kung bakit parang kinakabahan ako pag naiisip ko sya.
Inalis ko sa isipan ang mga naiisip ko at inilibot nalang sa kwarto nya ang paningin ko. Wala paring nag bago sa kwarto nya simula nung last time na naandito ako. Nakasalansan parin ng maayos ang mga damit kong naiwan at ang mga gamit ko ay maayos paring nakalagay sa table nya.
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. "Bakit ba ako nandito? Bakit ba ako sumama sa kapatid ni Lucas na baliw din. Pero in fairness hindi ko inexpect na mabait sya." Pag kausap ko sa sarili ko.
Siguro ay mga madaling araw na nung nagising ako dahil sa sigaw na narinig ko mula sa baba kaya mabilis akong napatayo at bumama sa may sala nila.
Lucas,
Ewan ko kung bakit pero sya agad ang pumasok sa isip ko nung marinig ko ang sigaw at hindi nga ako nag kamali.
"Lucas, anong nangyari sayo?" nakahiga sya sa sofa habang hawak sya ni Kendra na syang sumigaw at humihingi nang tulong.
Dugo, may dugo sa katawan nya.
"W-why are you here love?" nakatingin sya sakin habang halatang nahihirapan sa natamo nyang sugat.
Nanatili akong nakatayo hindi kalayuan sa kanya, nanunubig na ang mga mata ko dahil sa nakikita kong itsura nya. Dugo, ang daming dugo sa katawan nya.
"Hello Doctor Galvez?... I need you here in Laffiel mansion ASAP," mukhang may sinabi ang kausap nya kaya sinuri suri nya si Lucas bago kinausap muli ang doctor sa kabilang linya. "Multiple gun shot and I think he also got stab... Okay, you need to be here as fast as you can, I think my brother is dying."
Dahil sa sinabi nya ay doon lang ako natauhan at mabilis na lumapit sa kanila. Dying? Mamamatay sya?
"Anong nangyari sayo?" tanong ko ulit, nag sidatingan na rin ang mga tauhan nila at nakapalibot samin.
Nagawa pa nyang umupo at hinila ako patabi sa kanya, ano bang meron sa kanya at ganito sya?
"S-shhh don't cry love, hindi pa a-ako mamatay, mag p-papakasal pa tayo." Pinunasan nya ang luha ko at bumaling sa mga tauhan nya. Gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi nyang mag papakasal kami, pero hindi ko magawa, nakatuon lang ang pansin ko sa kanya at sa mga sugat nya.
"Listen reapers d-double the protection here in the mansion, I want you all to guard your spot properly, they will attack again. Stay alert everyone, kapag may nakapasok na kalaban dito sa lugar na ito sisiguraduhin kong kayo muna ang papatayin ko bago sila. Naiintindihan nyo ba?"
"Yes boss!"
Hindi ko alam kung paano nya pa nagagawa ang mag bigay takot sa iba kahit ganito na ang sitwasyon nya, hinawakan ko ang tagiliran nya na may tama ng bala para mapigilan ang lalong pag agos ng dugo mula roon.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...