"Kailan nga ulit ang Intramurals niyo?"
Tahimik akong nakikinig sa kanila habang nakaupo sa likod ni Rhianna. Patapos na kami sa paggawa ng mga props nila. Ibig sabihin malapit na rin matapos ang practice namin.
Pero pagkatapos nito junior high school naman ang tuturuan ko. Medyo madali lang 'yun dahil folk dance at interpretative dance lang ang ituturo ko.
Sa ngayon ay focus muna kami sa pagtapos ng mga props nila. Kami rin ang mag m-make up sa kanila kaya kahit papaano natuwa ako. Syempre, kapag maraming trabaho maraming pera.
Mag i-isang buwan na pala kaming nag p-practice ng cheerdance nila. May ibang nakakausap ko dahil makulit at may ibang walang interesado. Pero kahit papaano ay masaya ako. Iisipin ko nalang na kikita ako ng malaking pera pagkatapos nito.
"Pasulyap sulyap ka kunware. . . patingin tingin sa---" kanta ni Rhianna at makahulugang tumitig sa akin.
Hindi ko na inalam kung sino ang tinutukoy niya. Pagkatapos ng nangyari sa resort ay hindi na ulit kami nagkausap. Maliit lang naman na bagay 'yun. Pero kahit papaano, aaminin ko, tinuring ko siyang kaibigan.
Nandoon siya noong minsan na malungkot at kailangan ko ng makakapitan. Anong magagawa ko? Hindi na kami nagkausap ulit.
"Yung pom-poms Randy tapos na ba?" seryoso kong tanong sa kaniya. Ang paningin ko ay nanatili pa rin sa ginagawa.
"Ang bastos mo!" ngumisi ako.
Sa loob ng tatlong linggo ay sinikap kong ipakita na wala akong paki. Kahit araw-araw ko siyang nakikita ay umaakto akong parang walang nangyari. Umakto akong parang hindi kami nagkausap kahit isang beses. Umaakto akong wala siya sa paligid ko.
Yung utang ko sa kaniya ay nabayaran ko na. Pero si Rhianna ang inutusan ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang iwasan namin sa isat-isa. Ako ba 'yung nauna o siya?
Basta ang alam ko, tinitiyak kong hindi siya makalapit sa akin. Parang wala rin naman siyang pakialam. Lagi niyang kasama 'yung ka-fubu niya kapag nasa resort kami. Kahit papaano ay hindi ako natatakot na nasa iisang lugar kami dahil may pinagkakabalahan siya.
Pagkatapos ng isang oras na practice ay lumabas na kami ng court. Katulad ng lagi kong ginagawa ay naglakad na ako papuntang shop. Nakakapagod pero iniisip kong makakapagpahinga naman ako sa pamamagitan ng pag upo ko sa counter. Kaunting tiis lang, Darcy. Kaya pa 'yan.
"One frappe and fries." tumango ako at nag type sa monitor.
"Ninety one pesos, sir," sabi ko at tinanggap ang pera. "I received 100 pesos, here's your change."
Pilit akong ngumiti ng hindi pa siya umaalis. I-seserve ko naman ang inorder niya kaya hindi na dapat maghintay ang customer sa counter.
"Anything else, sir?" tanong ko ulit sa kanya.
"Darcy can we talk? Later. . . after your work?"
Napawi ang ngiti ko kay Lawrence. Noong hindi na kami naguusap ni Austin ay siya naman ang kumukulit sa akin. Hindi ko mapunto kung break na ba sila ng babaeng ipinalit niya sa akin kaya nagkakaganito siya o talagang hindi niya pinapatahimik ang buhay ko.
"Please?" bulong niya.
"I'll serve your order, sir. You can sit to any tables as you please."
Nakakatalino talaga kapag galit ka. Nagawa kong mag english sa harap niya. Pero kapag gusto kong mag english habang nag re-recite ang hirap.
Bigo siyang naupo sa dulo, ang paningin niya ay nanatili pa rin sa akin. Ngumisi ako para mapawi ang inis. Ano ba ang point kung mag-uusap kami? Gusto niyang makipagbalikan?
BINABASA MO ANG
The Sweet Escapade: Scandalous Series 2 [COMPLETED]
RomanceDarcy Imogen Elizalde UNEDITED