Ilang minuto bago ang insidente
Nahihilo pa rin si Angela habang bitbit ni Basty.
Ito ang unang pagkakataon, simula ng magkita sila muli, na maging ganito sila kalapit sa isa't isa.
Habang umiikot pa rin ang paligid sa bawa't pagmulat ni Angela, ang makita niya ang nagaalalang mukha ni Basty ay nadudulot sa kanya ng kapayapaan. Isang katahimikan na noon pa man ay isa sa mga bagay na naalala niya tungkol sa dating kasintahan.
Pagdaan nila sa waiting area ay nagkagulo ang mga tao ng makita siyang pangko ni Basty. Marami ang nagtatanong kung ano ang nangyari at kung may nangyayari ba sa loob ng resto. Hindi ito pinansin ng binata at deretso lamang siya. Pinakiusapan na niya ang driver ni Yssa na ilabas na ang kanyang sasakyan bago pa man sila pumunta sa garden. Kaya't paglabas nila ay nakaabang na ito sa kanila.
Agad na isinakay ni Basty si Angela sa passenger seat upang maalalayan pa niya ito at masubayayan ang kalagayan.
'Ano ang nangyari sayo Angela?,' tanong nito habang nagmamaneho papunta sa ospital.
Naririnig ito ni Angela ngunit hindi siya makasagot.
Mabilis ang ginawang pagmamaneho ni Basty dahil gusto niyang makarating agad sa ospital. Bagama't nag-aalala siya sa dating kasintahan, iniwan pa rin niyang mag-isa si Yssa. Ang kanyang tungkulin pa rin ay ang siguraduhing walang masamang mangyayari sa CEO ng Rodriguez group.
Alam din ito ni Angela.
Pagdating sa ospital ay dinala agad ni Basty ito sa Emergency room kung saan sinalubong sila ng mga nurse.
Pagkalipat kay Angela sa wheelchair ay biglang narinig ni Basty na tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ito. Si Yssa.
Ngunit matapos lamang ng ilang minuto ay hindi na tinig ni Yssa ang kanyang narinig.
Dalawang putok na ng baril.
___
Ang unang narinig ni Yssa ay ang walang humpay na tunog na paulit- ulit sa kanyang tenga.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nawalan ng malay. Basta ang unang pumasok sa isip niya ay kung ano ang kondisyon ng mga kasama niya sa sasakyan. Pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Umiikot pa ang kanyang paligid at masakit ang buo niyang katawan. Napansin niyang siya ay nakalapat sa upuan ng backseat. Wala sa tabi niya si Patty.
Pinilit niyang magsalita. Ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Iginala niya ang kanyang paningin at nakita nya na ang ang kanyang driver ay nakasubsob sa manibela. Gamit ang lakas sa kanyang braso ay pilit niyang inangat ang sarili upang makaupo. Doon niya naramdaan na masakit ang kanyang tagiliran at leeg. Marahil ay impact nng pagtama ng sasayan sa konkreto.
Pagkaupo ay humawak siya sa sandalan ng driver's seat upang pulsuhan ang leeg ng kanyang driver. May pulso pa. nunit napansin niyang may dugong nanggagaling sa ulo nito at dumadaloy sa manibela.
Sumandal siya saglit sa backseat. Kailangan niyang makita kung nasaan si Patty.
Dahan dahan siyang gumapang palabas ng sasakyan at doon ay lalong lumakas ang tunog sa kanyang tenga at ang kanyang pagkahilo ay lalong lumala. Ngayon ay sumasakit na ang kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang tagiliran.
'Patty...' at isang liwanag ang sumilaw sa kanya at napapikit siya at hinawakan ang kanyang ulo. Isang sasakyan ang dumating at mula rito ay lumabas si Basty. Pagkakakita nito sa kanya ay agad itong tumakbo upang alalayan siya. Ngunit bago pa man siya maabutan nito ay tuluyan ng nawalan ng malay yang dalaga.
Pagmulat muli ng kanyang mga mata ay nasa ospital na siya. Ramdam niyang masakit pa rin ang kanyang buong katawan. Pagtingin niya sa kanyang tagiliran ay nandoon natutulog si Patty. Lubos ang kanyang naging kasiyahan ng makita ito.
'Patty, ligtas ka...'
Nagising si Patty ng marinig ang boses ni Yssa. Napatayo ito.
'Ma'am, gising napo kayo!'
'Masaya ako at ligtas ka. Si Mang...'
'Minor concussion lang ma'am. ' agad na sinagot ni Patty. 'Tatawagin ko na po si Sir Julian. At agad na lumabas si Patty.
Mayamaya ay narinig niyang may pumasok.
Una niyang nakita ay si Celeste at kasunod nito ay si Julian.
Nilapitan agad siya nga mga ito. Hinawakan siya sa kamay ni Celeste.
'Kamusta na ang pakiramdam mo?'
'Medyo naihilo pa ng kaunti pero maliban doon ay maayos na'
'Masyado ng nagaging delikado para sa iyo ito, Yssa...,' si Julian.
Hinanap ni Yssa ang kamay ng pinsan at saka ito pinisil.
'Kailangan ko ng ipaalam kay Inno lahat ng nangyayari dito pati rin...'
'Wag, muna, Julian. Payag ako kay Ino. Pero wag muna kay Papa. Malapt na tayo sa katotohanan kaya ganito na ang nagiging kilos nila.'
Biglang may kumatok sa pinto ng silid. Si Patty ang lumapit.
'Ms. Yssa, ang mga pulis po ay nandito. Gusto po kayong makausap'
'Papasukin mo sila, Patty. Salamat'
At pinagbuksan muli ni Patty ang mga bagong bisita ni Yssa. Ang hindi nabanggit ni Patty ay kasama pala dito si Basty.
Hindi muna lumapit si Basty at nanatiling nakatayo sa kanyang paanan kasama ag dalawa pang pulis.
'Ms. Rordriguez, nais na naming imungkkahi sa inyo na ilagay na kayo sa protective custody para na rin sa inyong kaligtasan..'
'Naiintindihan ko inspector pero maari bang sa penthouse ko na lang ako manatili at doon na lamang ako bantayan?'
'Sasabihin ko sa aking hepe. Pero sa ngayon ay gusto naming malaman ang detalye ng mga nangyari kung papayag ka...' huminahon ang tinig ni Basty sa huling bahagi ng kanyang pangungusap.
Tinignang ni Yssa sa mata si Basty.
May ibang sinasabi ito sa kanya.
'Pumapayag ako'

BINABASA MO ANG
Heart of the Queen Book 1: Redemption (Title Illustration by Sarah Horne)
ActionUnang kwento ng Heart of the Queen Saga at an susunod na kwento sa Storm Princess. Pagkatapos ng isang taon ng pamamalagi sa Yongdon ay bumalik si Yssa, ang crowned Princess ng kaharian, upang ayusin ang kompanya ng mga Rodriguez. Sa kanyang pagbaba...