"Hartley!"Mabilis akong pumunta sa pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin si Traila habang may hawak-hawak na dalawang paper bag.
"Ano iyan?" Nguso ko sa mga hawak niya. Ngumiti ito at ibinigay sa akin ang isa.
"Isuot mo iyan para sa sportsfest bukas!" Anang nito at pumunta na sa sala at binuksan ang TV.
Ganiyan talaga iyan, always feel at home ang peg.
Pumunta na ako sa kwarto ko at ini-lock iyon. Umupo na muna ako sa kama at inilabas ang mga damit mula sa paper bag.
May nakita akong blue satin crop top off shoulder na may print ng logo ng Louevelle University. Kinapa ko muli ang paper bag at may nakuha namang blue na skirt, ending inches above my knees.
Ba't parang nagmukha naman ako nitong tanga?
Since katatapos ko lang maglinis ng condo ko, napagpasyahan ko nang magshower dahil sobrang lagkit na ng pakiramdam ko.
Nang matapos na akong maligo ay isinuot ko na ang damit na ibinigay sa akin ni Traila at inayos ang buhok ko into a messy bun, nagtakas na rin ako ng kaunting buhok for style.
Lumabas ako mula sa kwarto at pumunta sa harapan ni Traila.
"How is it? Ayos ba?" I asked. She clasped her hands at tumayo to check on me.
"You look gorgeous!" Tili nito at niyakap ako. "This will really catch his attention!"
Kumunot naman ang noo ko. His attention? Sino?
"Ha?"
Natawa naman ito at inayos pa nang kaunti ang pagkakasuot ko sa skirt para mas maitaas pa ito.
"Hoy! Makikita na cyclings ko!" Panghihila ko pababa ng skirt ko. "Para saan ba 'to, ha?"
"We are going to cheer for the players!" Magiliw na anito. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "What? KJ ka na naman?"
"Magpaparehas ba tayo ng damit? Hindi ba parang mukha naman tayong tanga kapag gano'n?" Tiningnan ko ang kabuuan ko. "Tsaka, mukhang mas cheerleader pa ang peg ko kaysa sa cheerdance squad."
Natawa naman ito at kinurot ang braso ko.
"Hindi mo siguro nakita 'yong print sa likod, 'no?" Nakangising sambit nito. Kumunot naman ang noo ko at pumunta sa harap ng salamin. Tumalikod ako at tiningnan mula sa salamin ang nakatatak sa likod.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat
What the hell?!
"Gaga ka!" Sigaw ko at hinila ang buhok ni Traila. "Tanga ka?! Ba't ko naman susuotin 'to?! Kadiri!"
"Hoy, ako nagprint niyan mismo. Pinaghirapan ko iyan, may dugo at pawis, tapos sasayangin mo lang? Huwag gano'n, Hartley!" Nguso nito. Napasinghap naman ako at tiningnan muli ang tatak sa likod.
"Siraulo ka ba? Pagsusuotin mo ako ng may nakatatak na Constello sa likod? Tsaka ano 'tong number 3? Jersey number ba 'to ni Kian?" Iritang anang ko. Natawa naman ito at inakbayan ako.
"Alam na alam, ha," ngisi nito. I pushed her face away with my palm and went to my room to change clothes. "Isuot mo 'yan mag-isa mo!"
Nang matapos na akong makapagpalit ay biglaang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at nakatanggap ng mensahe mula kay Haru.
haruru: busy ka ba ngayon?
Nag-isip naman ako at tiningnan ang sticky notes na nakadikit sa pader. Wala namang akong requirements and walang practice sa banda. Tapos na rin ako mag-work out. Wala rin akong trabaho ngayon sa Akashi's. Free time na free time talaga ngayon! Mabuti na lang!
YOU ARE READING
Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)
Teen FictionHartley Roses, an accounting student, deals with the stubbornness of a guy he met at the bar. She was soaring high to reach her goals in life, not even thinking of entertaining guys for she believes that those are only barricades that could affect t...