Chapter Nineteen

3.5K 70 15
                                    

 
"Where are we going, daddy Yosef?" Tanong ni Baby boy, nasa loob kami ng kotse ni Yosef, sabi niya kasi may pupuntahan kami. Well, hindi ko naman kasi siya pinapansin. Galit parin ako kunwari sakanya. Sumama lang ako kasi sabi ni baby boy at saka baka agawin na sa akin ng tuluyan ng Yosef na 'to si baby boy.

"We're going to the beach today, lil' boy." Sagot naman ni Yosef habang nakafocus parin ang tingin sa daan. Sa back seat ako nakaupo, samantalang si baby boy naman ay sa passenger seat. Hinding hindi ako tatabi sa lalaking 'yon, baka mapanis lang ang mga laway namin.

Pero alam niyo, twelve days ding hindi nagparamdam at nagpakita sa amin 'tong si Yosef. Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro busy sa trabaho?

Pumalakpak naman si Babyboy, "Yehey!"

Kaya pala pinagdala kami ng mga extra clothes, pupunta pala kaming beach.

***

"We're here!" Deklara ni Yosef. Napatingin ako sa bintana. Napanganga nalang ako. Hindi ko alam kung saan kami dinala ni Yosef, pero dalawa o tatlong oras ata kaming nasa byahe. Ang sakit na ng pwet ko kakaupo. Pero labas palang ng resort sobrang ganda na! What more kung sa loob? Na-e-excite tuloy akong makita.

'Nang bumaba na sila, bumaba na rin ako. Kala ko nga pagbubuksan ako ni Yosef ng pintuan. Akala ko gentleman na siya dahil nag-sorry na siya at hinalikan niya pa ko sa noo. Pero sa totoo lang, paano ko nga ba nasabi na hinalikan niya nga ako sa noo? Baka mamaha, daliri niya lang pala 'yon at sobra ako mag-assume. Napabuntong hininga ako at napa-iling saka naghandang bumaba ng kotse.

"Bababa lang, napaka bagal pa." Narinig kong bulong ni Yosef. O sabihin na nating parinig sa akin ni Yosef. Inirapan ko lang siya, ano pa bang bago sa kasungitan nito?

***

"Good Afternoon sir, How may I help you?" Bati agad ng receptionist sa amin. Sobra kung makangiti! Parang mapipingas na ang mga labi.

"Yes, I already reserved two rooms to stay in for three days abd two nights through a phone call." seryosong sagot naman ni Yosef.

"WHAT?!"

"May I know your name, sir?" Habang nagta-type si ate. Pero syempre hindi parin naaalis ang tingin kay Yosef.

Sabay naming tanong kay Yosef. Seryoso ba siya?! May trabaho kaya ako! Ano 'to? Bigla bigla niya kaming susunduin sa apartment tapos isasama dito tapos magde-demand siya ng tatlong araw at dalawang gabi na mag-stay kami dito?! Aba!

Lumingon siya saglit sa akin at inismaran ako.

"Hindi mo ba alam na may trabaho pa ko kinabuksan?!" Reklamo ko.

"Ede h'wag kang pumasok." cool na cool na sagot niya habang hindi nakatingin sa akin. Kinausap niya rin si ate.

Napanganga ako.

"Nahihibang kana ba ha?!"

" Shut up, Anry. " Tumingin naman siya sa paligid kaya ako napagaya na rin. Nakita kong ang dami na palang taong nakatingin sa amin. Kaya napayuko nalang ako. Nakakainis talaga si Yosef! Humanda talaga siya sa akin mamaya!

***

Matapos kausapin ang receptionist, pumunta na muna kami sa mga kwarto namin para makapagpalit. Kasama ko si Babyboy, mag-isa naman si Yosef sa kabilang kwarto.

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon