Chapter 69

8 0 0
                                    


Chapter 69

Lucas' POV

      "Sigurado ka bang ayos lang na sumama ka sa paghatid kay kapatid? Akala ko ba hindi ka na aaligid-aligid?" binato ko kay Jay ang hawak-hawak kong straw dahil sa sinabi niya. Aaligid-aligid? Ano ba 'ko, aso? Parang tubol talaga 'tong si tanda e.

"Tinanong mo 'yan kung kelan nandito na tayo sa harap ng bahay niya? Tss."

Hindi ko na siya pinakinggan pa at lumabas na. Nakapangingilabot sa balat makasama ang matandang hukluban na 'yon sa iisang kotse. Ang daming sinasabi.

"Hoy, for your information, kada 5 minutes e tinatanong kita n'yon, hindi mo lang ako sinasagot! Tch, attitude ka masyado, girl!" binato niya sakin yung binato ko sa kaniyang straw, para lang masabing nakaganti siya. Hindi na 'ko nagtataka kung bakit pati si Julia, hindi na siya natagalan, tsh.

"Bakit ba ako ang ginugulo mo? Ikaw kaya ang may malaking problema sa 'tin! Ikaw ang hindi pinapansin ni Julia!"

"Tss, ano naman?! As if kailangan ko ng pansin niya!"

"Ah, talaga? Pang-ilang SIM mo na 'yan?"

"A-Ano? Ha! Anong pinagsasa—"

"Bakit, bi-nlock ka na naman?"

Inambahan niya ako ng suntok pero agad niya ring binawi. Kahit naman kasi suntukin niya 'ko, alam naming dalawang totoo yung sinasabi ko. Tss, 'tong matandang hukluban na 'to...

"M-Marami kasing tumatawag sa 'kin na mga babae! H-Hindi raw nila kayang mabuhay nang wala ako! Kaya nag-iiba ako lagi ng SIM! O, hindi ka maka-relate kasi walang naghahabol sayo!"

Iniwanan ko na siya saka umakyat sa bahay ni Abby. Trenta na, in denial pa. Tsk.

"Hoy! Hindi nga sabi—omygod! Anong amoy 'yun?! Umutot ka ba?"

Nagtakip na agad siya ng ilong. Pero hindi na 'ko nagtaka dahil katabi na pala namin yung litter box ng mga pusa ni Abby. Nakwento niya saking may nag-regalo sa kaniya ng pusa tapos inaalagaan niya muna pansamantala yung pusa ng kapitabahay niya dahil hindi raw makauwi yung kapitbahay niya. She has a soft spot for cats so I can't really blame her. Cute din naman sila. Nabisita ko na rin kasi sila dati.

Tinuro ko sa sensitive sa baho kahit siya mismo, mabaho, na matanda yung litter box sa ibaba namin. "May mga pusa si Abby."

"Jusko, nag-me-menopause na ba si kapatid? Ganon daw yun diba? Yung mga tumandang dalaga? Sabi ko naman kasi sayo, samahan mo muna si Abby! Para kapag hindi gumising si espasol—"

Napahinto kami sa paglalakad nang biglang lumabas si Abby mula sa kusina. Nakabihis na siya at naka-backpack na rin. Kasunod niyang lumabas ang itim na pusang inaalagaan niya rin.

Naku, naloko na.

Agad na napahawak si Jay sa bibig niya, pero ano pang magagawa no'n? Nasabi na ng mabaho niyang bibig lahat!

"Paglabas natin dito, ako mismo ang magtatahi ng bibig mo." Pasimple kong bulong sa kaniya. Pinagdaop niya ang mga palad na tila nagdadasal na sa kaligtasan niya kasi dapat lang. Yung bibig niyang 'yan ang nagpapahamak sa 'min lagi e!

Magugustuhan mo rin ang

          

Tss.

"K-Kapatid, a-a-ano—"

"Tara na, Lucas. Ihatid mo na 'ko."

Naglakad siya palabas at hindi na pinansin si Jay. Sumunod naman sa kaniya yung pusa at inangilan pa si tanda.

"A-Ano? Lucas? Lucas lang kapatid?! Nandito yung gwapo mong kuy—"

Hahabol pa sana siya kaya pinigilan ko na siya. Minsan talaga, ang sarap magpatapon ng mga matanda sa Home for the Aged!

"Ako na ang maghahatid sa kaniya, tanda. Diyan ka na lang."

"P-Pero—"

"Kkkkkk!" Napahinto siya sa pagsunod sakin nang inangilan na naman siya ng pusang itim. How is a pussy afraid of cats? Tsh.

"H-H-Hoy, bespren! Magkakampi tayo, diba? Huwag mo 'kong iwan dito! Lucas! Team mate! Timeyt! Bespren!! B-Boss!!"

Hindi na siya nakagalaw pa dahil sa pusa, kaya pagkalabas ko ng pinto, inangilan ko rin siya bago tuluyang sumunod kay Abby.

In his fight against Julia, I think I'm siding with her now. At gets ko na rin kung bakit napakayaman niya, pero kahit yung poorest of the poor hindi siya pinapatulan. Tch...

Nang makapasok na 'ko sa kotse ni tanda, nakita ko nang nando'n na si Abby, naka-earphones at nakatanaw sa labas.

"Ready ka na?" tanong ko sa kaniya.

Pero inabot ng tatlong segundo at hindi pa rin niya ako sinasagot. I took it as a hint.

Pinaandar ko na lang yung kotse ni tanda dahil hindi naman niya inaalis yung susi sa susihan. Ganon siya ka-tanga.

Pero nang imamaneobra ko na yung kotse, bigla siyang nagsalita.

"Magigising siya, hindi ba?" mahina ang boses niyang tinanong iyon, ngunit dinig na dinig ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko. Isang segundong huminga para kumalma, saka nagsalita.

"O-Oo naman. Makaka-recover pa 'yun. Malayo naman sa bituka yung sugat niya!" I tried to lighten the mood with a laugh, but then I saw a tear fell down on her cheeks.

Napapikit na lang ako, na tila ba mabubura niyon ang nakita ko. Pero sa buong linggong nakalipas, ganon naman na ang ginagawa ko: magpikit-mata sa lahat ng sakit na nararamdaman niya, at gawin ang lahat para tumigil na siyang umiyak. Pero ngayon, pakiramdam ko, dapat wala na 'kong gawin. Hahayaan ko na lang siya munang umiyak ngayon, at lulubus-lubusin ko na't pati tainga ko, ititiklop ko na para bang hindi ko naririnig ang mga hagulgol niya. I think she needs ignorance from the pain the most right now.

I didn't let go of her just for her to be lost. You better wake up and find her soon, or else, I might not want to just look at her wander from the distance, Tristan.

Huminga ako nang malalim saka minaneobra nang tuluyan ang sasakyan.

"Oh-kay! Tara na! May ipapasa ka pang BAR exam!"

Nang tumingin siya sakin nang puno ng luha ang mga mata, ngumiti ako nang malawak para mapapikit ang mga singkit kong mata, at hindi ko na muna siya makita.

The Fall CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon