Chapter Twenty Five(Last Chapter)

1K 36 2
                                    

Two years later

From: Jah

See you later ;)

Napangiti ako sa text ni Justin.

"Good morning! What can I get for you, Ma'am?" Tinago ko na ang phone ko and stated my order.


"One Iced coffee, please."

Napalingon ako sa kabilang counter.


"Felip?" Lumingon siya sa kin at gulat na nakita ako.




"Kamusta ka na?" I asked him first. Nasa-iisang upuan lang kami ni Felip. I invited him to my table para makipag-usap.


"It's been two years, right? Balita ko lumipat ka raw sa FEU?"


"Oo, eh. Lumipat ako nung 3rd year na. Kamusta ka na? Kayo pa rin ba ni Justin?" I smiled to him and nod.


"Ang saya mo siguro ngayon, 'no? Buti nalang gago ako kaya napunta ka sa tamang tao." Bigla ako nakaramdam ng kaunting kirot sa puso ko nung sinabi niya iyon dahil kita ko ang lungkot sa mga mata ni Felip.


"Ano ka ba, nakaraan na 'yon. Masaya at kontento naman na tayo, 'di ba?" I asked him pero hindi niya ako sinagot o tumango man lang.


"Alam mo, tama ka. Mabuti nalang at naging gago ka kaya nakilala ko si Justin. Si Justin na walang ibang ginawa kung hindi ang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal na hindi mo naiparamdam sa akin noon.

Kung hindi siguro tayo naghiwalay, baka nahirapan lang tayo sumaya. Kaya laking pasalamat ko nang makilala ko si Justin dahil alam kong hindi niya ako iiwan at mamahalin niya ako ng buong-buo." Masaya akong nasasabi ko sa kaniya ito na wala nang pait na nararamdaman.


"Mahal na mahal mo si Justin, 'no?"


"Oo naman. O siya sige, Felip. Aalis na ako." Tumayo ako and offered him my hand.


"It's nice seeing you again." Tinanggap naman niya iyon and I told him good bye.






"Sam, nandito na jowa mo!" I heard Kuya yelled.

"Stop saying 'jowa'! Balbal iyon!" I yelled back.


I wore my earings and I'm ready to go.


Pagkababa ko, naghihintay na sa akin si Justin.


"Ang porma-porma eh sa bahay lang naman nila Josh pupunta." Komento ni Kuya na nasa sala rin.



"Inggit ka lang." Asar ko naman sa kaniya.



"Hi." Justin held my hand at lumabas na kami.


We decided to celebrate our 2nd Anniversary sa bahay nila Josh. Doon kasi kami unang nagkita kaya we want this to be extra special.


"Naks, sino naghanda nito?" I asked him after I saw the garden area full of lights. May table for two sa gitna ng garden. Ang romantic lang tignan.


"Kyla and Drake." Inupo na ako ni Justin kaya siya naman ang umupo.



"They're on good terms?" I asked.


Months after kong sagutin si Justin, Kyla and Drake broke up. Hindi namin alam kung ano ang sanhi ng paghihiwalay nila. Pero sabi nga ni Justin, they're on good terms naman. At hindi naman nabuwag ang barkada.


"I saw Felip today." Biglang naglaho ang ngiti ni Justin.


Hindi naman big deal sa akin ito but I feel like I need to tell Justin.


"Nagkamustahan lang kami, ang tagal na rin kasi simula noong huli kaming nagkita." Hindi umimik si Justin. He just poured a wine to my wine glass.


"Hey.." I caught his hand. "Mabilis lang naman iyon. I actually brag about you. I also thanked him na iniwan niya ako noon kaya nasa tamang tao na ako ngayon." I tried to convince him na wala lang iyong pagkita namin ni Felip and I'm glad I convinced him.


"Let's just enjoy our night, okay?" Kumain na kami and we talked for an hour.


He suddenly stood up and offered his hand to me when we heard a slow music out of nowhere.


I gave him my hand and we followed the melody.

Nakahawak ako sa leeg ni Justin habang sa baywang ko naman siya nakahawak.


"I still can't believe na after 15 years, ikaw lang ang minahal, mahal, at mamahalin ko. Paulit-ulit kong ipapangko sa'yo na hinding-hindi kita sasaktan."


"Syempre takot ka kay Kuya, eh." Napatawa siya sa biro ko pero tumango naman siya.


"Kahit naman hindi ako takot sa Kuya mo, hindi naman talaga kita sasaktan. Mahal na mahal kita, eh." He pinched my nose kaya napahawak ako doon.


"Alam kong pango ako kaya huwag mo namang pisilin."

"Mahal na mahal din kita, Justin. Kahit palagi mong pinagseselosan ang mga pinsan ko, okay lang." Biro ko ulit sa kaniya kaya napakamot siya ng batok niya dahil sa hiya.


"Ang hilig mo kasing pagselosin ako, eh. Hindi mo agad sinasabing pinsan mo pala iyon." I laughed at his reaction. Iyong parang batang nagtatampo, ang cute lang!



"Ang saya mo kasing pagselosin. Ramdam na ramdam ko kung gaano mo ako kamahal." Wala ng halong biro iyon kaya napangiti siya sa akin and I also did the same.


"Kahit hindi mo naman ako pagselosin, ipaparamdam ko naman sa'yo na mahal kita eh." He held my chin and placed his lips to mine.


Napahiwalay lang kami ni Justin when we heard Kuya.



"Oy, tama na nga yang landian niyo. Iuuwi ko na si Sam. 10:15 na oh!" Pinakita niya sa amin ang relo niya.

Justin found it funny pero ako hindi! I am having a moment with my boyfriend tapos sisirain lang ni Kuya!


I kissed Justin in front of Kuya just to pissed him off. I stuck out my tongue to him and I said my goodbye to Justin.


"Kuya kahit kailan, panira ka!" Reklamo ko nang makarating na kami sa sasakyan.


"Hindi ako panira. Naninigurado lang akong makakauwi ka kaagad. Baka nakakalimutan mong magsisimula na ang review niyo ni Justin bukas?"


Oo nga pala, I almost forgot!


Pagkauwi namin ng bahay, I cleaned myself up and reminded Justin to wake up early dahil pupunta kami sa review center tomorrow.



We promised each other na sabay kaming magiging matagumpay. At bukas na magsisimula ang pagkamit ng aming pangarap.


As long as we have each other, nothing is impossible.


As long as I have Justin, lahat kakayanin ko.


Dahil siya ang dahilan kung bakit kontento ako sa kung anong mayroon ako.


Siya ang dahilan kung bakit nakabangon ako sa sakit ng nakaraan.

At siya rin ang dahilan kung bakit natutunan ko ang tunay na pagmamahal.






Fin.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now