1.

12 1 0
                                    



Disclaimer: Everything stated here is either author's imagination or used in a fictational manner. Any resemblance to places, person, events, etc. are purely coincidential.


Thankyou!



Note: First time writing seriously xd a bumpy and lousy journey ahead. Hope you understand. Correct me when needed ^^


---------


Saktong 3:45 p.m nag ring ang bell, pinapahiwatig na tapos na ang klase. Dinismiss na kami ng guro namin at ako'y nag ayos na sa aking mga libro at ipinasok sa aking back pack.




"Zy!"




Lumapit sa akin si Maree, a close friend of mine since Grade 7 and now we're in Grade 10.




"Susunduin ka ba ngayon ni Kuya Jose?" Tanong niya kaagad sa akin. Nakatatandang kapatid ko si Kuya Jose na ngayo'y nagtuturo sa De La Salle College.





Sinuot ko ang aking backpack sa likod at tumingin sakanya, "Oo, Mars. Mang hihitch ka?" Biro ko naman. Mayaman si Mars, may susundo na sa kanya na driver nila. Di pa kasi siya 18 kaya wala pa siyang lisensya para makapag drive.




"I would love to, Zy. Pero nakakahiya naman sa kuya mo 'noh. Sayang sa gas, plus may susundo naman sa akin kaya huwag na." Ngumiti ito at nagpasyahan na naming lumabas ng classroom hanggang makarating kami sa car park kung saan nandoon na ang driver nila Mars.




Tinignan ko ang paligid kaso wala pa si Kuya. Sabagay trapik doon sa Edsa at ang layo din ng De La Salle to Makati Science High.





"Mukhang wala pa si Kuya Jose. Ride with us nalang Zy. Baka Gabihin ka pa." Nag alalang aya sa akin ni Mars.





Napaisip naman ako, since di naman kalayuan ang amin sa kanila. Sa Urdaneta kasi kami nakatira habang sila Mars ay sa Legazpi. Pero ayaw kasi ni Kuya, pag sabing siya magsusundo sakin siya talaga kaya no choice hays.





"Sus, wag na Mars. Alam mo naman si Kuya, ayaw niya sa mga 'mang aagaw' " Diniin  ko ang word na 'mang aagaw' kasi nga naman pag si kuya, si kuya talaga. Siya nauna eh haha.




Nagets naman iyon ni Mars at bahagyang tumawa habang umiiling. "If you say so. Basta wag kang mag rant sakin mamaya dahil naging one night stand kana diyan." She rolled her eyes at sumakay na sa Back seat.




Ninguso ko siya. Pag si kuya kasi nagsundo sa akin palagi nalang akong naka one night stand dito sa may waiting shed.




Ginabi dahil sa kakahintay.




"Take Care!" Nag wave si Mars sa akin sa loob ng sasakyan nila habang naka open ang car window.






Nag wave din ako sakanya hanggang sa nawala na ang sasakyan nila. Kinuha ko naman agad ang cellphone sa bulsa ko at nag Instagram habang pinapalipas ang oras.





Nang makalipas ang 30 minutes, napaisip kong i-text si kuya.




Zyrah:
Kuya asan kana? Na side track ka ba?




Sin Okean's Blue Tides (Color Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon