Chapter 1

440 15 0
                                    

Patalon-talon ako sa stage habang hawak ang mic. I was constantly head banging and sang my heart out.


"Oh kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta..." I closed my eyes. "Daig mo pa ang isang kisapmata."


Nang buksan ko ang mga mata ko, napangiti ako nang makitang nagkakagulo ang mga tao sa dance floor. Sige gan'yan nga. I felt the rush on my body grew even more so I gave more energy to my voice to hype the people.


"That's it for tonight's set! Good night!" Then a loud bang is made by our drummer.


"Uwi ka na Rose?" Tanong ni Andrew, bahista namin.


"Oo. Kailangan ko pa mag-aral, e. Itlog na naman ako bukas." I fixed my cap and took a sip of my bottled water. "Baka 'di na ako grumaduate nito."


"Sipag mo talaga. Natutulog ka pa ba?" Singit ni Dionne habang hinahampas sa hangin ang drum sticks niya.


"Sa school ako natutulog." I chuckled then nodded my head. "Sige na mauna na ako sa inyo." I waved my hand and went out of our lounge.


Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko kaya biglang umalpas ang kamay ko pahampas sa talipantas na humawak sa akin.


"Aray ko! Inano kita?!" Biglang sigaw ng isang lalaki.


"Ay, sorry!" Hinawakan ko naman ang mukha ni Andrew. "Ayos ka lang ba?"


"Sobrang ayos!" He wiped his lower lip. Napayuko naman ako nang makitang may bahid ng dugo ang labi niya. "Grabe naman 'yang kamay mo. Gawa 'ata sa bakal."


"'Wag ka kasing nanggugulat ng gan'on." I sneered and tried to find a handkerchief on my backpack. Buti na lang at naisipan kong magdala kanina.


I pulled Andrew out of the resto bar. Napatigil naman kami sa paglalakad nang makita kami ni Kuya Joel, 'yung guard ng resto bar. Tinuro niya ang gilid ng labi ni Andrew na namumula.


"Oh, napaaway kayo?"


"Ha." Andrew shrieked. Palihim ko naman siyang siniko. "Itanong mo 'jan sa tomboy na 'yan."


"Hindi ako tomboy." I rolled my eyes. I scratched my head and smiled shyly. "'Di po napigilan ng kamay ko humampas, e."


Biglang napatawa ng malakas si Kuya Joel. "Ayon. Ibang klase ka talagang babae, Rose. Mapanakit."


"Dapat kasi dagdag ingat lalo na maraming lasing na 'jan sa loob." I looked at Andrew apologetically. "Kasi naman ito bigla bigla na lang humahawak. Malay ko ba kung sino 'yon. Dapat kasi tinawag mo na lang ako. Nagkapasa ka pa tuloy."


"Anak ng tupa. Kasalanan ko pa ngayon?" Halos hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.


"Tss tara na nga." I faced Kuya Joel and gave him a fist bump. "Mauna na po kami."


"Mag-iingat ka, Rose. Maraming loko sa daan." He reminded.


I smirked. "Sila po ang mag-iingat sa akin." Maangas kong sabi.


Nailing na lang silang dalawa sa paraan ng pagsagot ko. Buti na lang at may malapit na 24-hour convenience store kaya naman hinila ko si Andrew papunta doon. I asked him to sit down first while as I buy a disinfectant and bandage.


"Patingin nga ako." I removed his hand that was wiping his lip using the handkerchief that I gave. I carefully dabbed the cotton on his lip.


"Aray ko, dahan-dahan naman." Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako na nga lang!"


"Okay." I shrugged and handed him the cotton ball.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Across Genres (ACROSS Series 2)Where stories live. Discover now