CHAPTER 2

4 0 0
                                    

"Ticket para sa'ming dalawa!"

"Salamat po! Enjoy!"

Pagkapasok sa loob ng coliseum, mapapansin na royal blue ang motif ng concert. Nasa variations ng blue, violet, at white ang lightings na sumilaw sa'min nang pumasok kami. May apat na malalaking tarpaulins na may nakasulat na "Dawn of Revamp - A Concert For A Cause" na nakasabit sa taas at may design ng picture ng Satiata members at iba pang performing artists.

Mayroong mga nakaupo na sa bleachers ng left, right, at back side ng loob ng coliseum, pero napansin ko na mas marami ang mga taong manonood na nakatayo lang sa may baba ng bleachers. Nasa 2,000 ang sitting capacity ng Equimili Coliseum.

Mayroong barricade sa harap at merong nasa 10 ang mga bouncer na nakablack polo shirt. 20 minutes pa bago magsimula ang concert pero gitgitan na ang mga attendees na nasa harap.

"Fuyue, gusto ko sa harap. Si Raven di ko matatanaw ditooooo." Sabi ni Kitrana na parang nagmamakaawa.

"Okay, magaling ako dyan."

Last year ko lang napansin ang kakaiba kong talent, nangyari ito nung umattend kami ni Kitrana sa unang concert na napuntahan namin. Natuklasan ko na napakagaling ko palang makiraan (or say humawi ng mga tao) para lang makapunta sa harap.

Hinawakan ko ang braso ni Kit at nagsimula na akong makiraan.

"Excuse, may hinahanap lang."

"Hala sorry, 'sensya na may hinahanap lang."

"Padaan po, nandu'n po yung nanay ko sa harap e hehe."

"Padaan po please, tatay ko po yung bouncer sa harap may kukunin lang po ako."

"Padaan, excuuuuse."

"Salamat po, salamat."

Syempre wala akong tatay na bouncer at wala din nanay ko dito. May talent lang talaga ako hehe.

"Siguro kahit concert ni Taylor Swift makakapunta tayo sa harap."

"Di kaya, may VIP-VIP do'n at may seat talaga na para sayo do'n. Wala tayong pera. Hanggang upper tier lang afford ko."

Nag-uusap kami ni Kit nang biglang namatay ang mga lights sa loob ng coliseum. May sunod-sunod na drums kaming narinig. Malalakas at buo ang tunog ng mga iyon na para bang may paparating na mga bigating taong matagal nang hinihintay.

Biglang naglights-on sa stage kasabay ng malakas na tunog ng electric guitar. Naghiyawan ang lahat, dahil nasa harap na namin ang Satiata.

"HEY, DAYDREAMER!" 🎶

"LET'S GO!"

"EQUIMILI, ARE YOU READYYY??!!!!" Cool na cool na tanong ni Adrian, ang kanilang Lead Vocalist, sa audience at pagkatapos ay tinutok nya ang mic nya sa mga manonood.

"REAAADYYYYY!!!!" Sagot ng mga tao sa loob kasama na ang tilian ng mga babae.

"RAVEN DITO KA NA LANG SA BABAAAAA!!!!" Hiyaw ng mga babaeng baliw na baliw kay Raven, guitarist nila. Syempre, kasama din si Kit sa mga nagpapababa kay Raven.

Nakasuot si Adrian ng jeans at polo, at tulad nang una ko syang nakita, nakasuot sya ng salamin. Muka syang good boy na may kaunting pagkabad boy sa porma nya, isama pa natin amg fact na nakaunbutton ang unang dalawang butones ng polo nya.

Si Raven naman ay kalmadong kalmado tingnan sa kanyang porma na jeans at white T-shirt. Mayroon syang singkit na mga mata at sya ang pinakamatangkad sa kanilang lima. Mapapansin rin ang hikaw nya sa left ear nya na kulay black. Nakafocus lang sya sa paggigitara at minsan ay tumitingin sya sa fans, atsaka ngingiti ng sobrang ganda sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Live At The ConcertWhere stories live. Discover now