Hello guys! Irish's POV is next. Bibigyan ko lang sila ng scenes na sila lang dahil trip ko lang, huwag ng matanong. Hahahhaa. Enjoy this chapter!
Ps. Errors and typos ahead.
ELLYN'S POV:
"Lyn, pakidala mo nga ito kay Mr. Arquega." Utos sakin ng mahabagin kong boss. Pinigilan kong mapaikot ng mata dahil dito.
"Yes, sir." Nakangiting tugon ko dito kahit gustong-gusto ko na siyang hambalusan at binuhat na ang mga files na pinapadala niya sa HR department.
Tumalikod na ako ngunit kaagad na naman itong nagsalita ulit. "Pakitimplahan na rin pala ako ng kape." Walang gana nitong utos. I pursed my lips into thin line at humarap ulit sa kanya.
"Opo, iyon lang po?" Tanong ko ulit. Tumango naman kaagad ito dahilan para lumabas na ako sa opisina niya.
Kumukulo talaga ang dugo ko sa demonyong iyon. Kung hindi ko lang kailangang gawin ito ay matagal na sana siyang nagpapaalam sa mundo.
Nasa harap ako ng elevator at pagbukas ng pinto nito ay medyo nagulat akong nasa harapan ko sina Tyrone at Irish. Halata din ang gulat at saya sa mukha nito ngunit pumasok lamang ako ng hindi na ulit nagbigay ng tingin sa kanya.
We need to pretend like we don't know each other para hindi kami mabuko, hindi pa naman basta-basta ang mga taong sinasamahan namin ngayon. Lumabas naman silang dalawa at bago pa sumara ang pinto ay sumenyas muna itong tatawag daw siya. Napatango na lamang ako at naghintay na makapunta sa floor kung saan ang HR department.
Pagkarating doon ay kaagad kong hinanap ang office ni Mr. Arquega. Ngayon lang ako nakapunta sa HR department kaya naman ay hindi ko alam kung saan ang office niya. Nakakita ako ng babaeng naglalakad palabas kaya naman ay tinawag ko ito.
"Good morning po. Pwede po bang magtanong?" Tanong ko dito.
Napatango ito. "Saan po ang office ni Mr. Arquega?" Tanong ko sa magalang na tono.
Kaagad naman itong namutla dahilan para mapakunot ako ng noo. "Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko dito.
Napailing ito. "O-okay lang ako. N-nasa i-ikatlong p-pinto siya." Nauutal na sagot nito at dali-daling naglakad. Sinundan ko lang naman ng tingin ang kanyang likuran hanggang sa bumalik ulit ito sa aking harapan. Her face was full of fear and I think she is making a mental debate while approaching me. "Mag-iingat ka sa lalaking iyon. He is a monster." Aniya at umalis na ulit. Gustuhin ko mang magtanong ngunit huwag na lamang, I don't want her to passed out.
Napailing na lamang ako, maybe something is really wrong about that man, I should do something. Pagkakita ko sa office nito ay kaagad akong kumatok dito. I looked around and all of them were looking at me with pity, fear and concern. Ganun ba talaga ka walang hiya ang nasa loob?
Kinuha ko ang aking phone at nagtype ng mensahe kay Irish.
To: Irish
Pakihack naman ng CCTV sa HR Department lalo na sa office ni Mr. Arquega, I just want to confirm something. Thanks!
"Come in." Rinig kong saad nito mula sa loob kaya isinilid ko na ulit ang cellphone ko saking bulsa. Unti-unti ko namang binuksan ang pinto at nakita ang lalaking kung titingnan ay mukhang matanda lang siya sakin ng tatlong taon. I closed the door and walked towards his table. "What can I do for you?" Nakangiting tanong nito. Aaminin ko, gwapo ito at mukhang husband material but I know that, sometimes looks can be deceiving and I am willing to break some bones if ever I had the chance. Ngayon pang, bored ako at walang aksyong nangyayari? Hindi ko papalampasin ang pagkakataong iyon.
BINABASA MO ANG
The Legendary King And Queen
Teen Fiction"I maybe an angel outside. But if my demon inside is awake, I'm telling you. That angel you knew, were the one who will going to end your nonsense life" ----- King Sacred Aces Aldrich Crown "Better not to crossed a path with me because if you do, my...