3:LOST PATH

9 0 0
                                    


KNIGHT VELKOV


NAGLALAKAD ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.Dapit hapon na at unti-unti ng lumulubog ang haring araw.Malapit lamang ang kalsadang nilalakaran ko sa dagat na hindi ko alam kung dagat pa bang maituturing dahil sa dami ng mga basurang nakalutang pero sa kabila nito ay may mga magkasintahan parin ang nagdadate sa tabi-tabi at mga batang naglalaro ng habul -habulan.

Marami rin akong nakikita na mga pinagtagpi-tagping bahay at may iba pa nga na sira-sira na pero may tumutuloy parin.But despite of poverty I can still see their smiles.

What the hell is wrong with them?They shouldn't be smiling because they're lives are not fine.Bakit sa kabila ng kahirapan ay nagagawa parin nilang ngumiti ?Bakit ako na nasa akin na ang lahat ay hindi ko man lang magawa ang ngumiti sa kabila ng lahat ng mga bagay na kaya kong bilhin? Minsan natatanong ko rin sa sarili ko kung may problema ba sa akin ang mundo ?

Tsk.

I walked down the streets ,merely passing the beggars at ang mga maiingay na magulang dahil sa kanilang mga anak na nasa labas naglalaro.

Maingay.

Sobrang ingay ng paligid habang unti-unti ng nagkaroon ng ilaw.

Mayroong nagbebenta ng barbeque at iba pang mga kakanin.May natanaw rin akong food park sa di kalayuan na pinupuno ng mga binata at dalaga para tumambay at kumain.

“Sorry po ate.”Rinig kong sabi ng batang lalake na sa tantsa ko sa edad ay nasa pito o walo na itong gulang.

Tumakbo ito palayo ng mabilis at napagtanto ko kung bakit dahil may isang babae ang humahabol dito.I secured my black cap and lowered my head to hide my face to a girl who's running mindlessly to chase the kid that accidentally bumped me.

Kaya pala pamilyar ang mukha ng bata sa akin dahil may pagkakahawig siya sa ate niya.

“Veista dumaan ka dito mamaya huh!”Sigaw ng matanda na nasa unahan ko lamang sa babaeng tumatakbo para habulin ang bata.

Kumaway ito ng nakatalikod at sumigaw pabalik "Opo,nay Celia!"

Nakatangin lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko namalayan na naglalakad na papalapit sa matanda ang mga paa ko ng hindi ko namamalayan

"Good afternoon."Tanong ko habang nakatingin sa papalayong babae.

Napansin ko ang pagtitig ng ginang sa akin.Tinging nanunuri na hindi ko na lamang pinansin.Kung nasa trabaho ako ngayon bilang big boss ng mafia siguradong kanina pa itong ginang na ito nakabulagta sa tabi ko.

"Kaibigan ka ba niya iha?"

Napatahimik ako at nag-isip ng isasagot .

Ano nga ba ang dapat kung isagot sa kanyang tanong?

"She's my classmate."Sagot ko.

I look at her and she smiles at me.Hula ko ay nasa edad na ito ng 50.She had wrinkles that signifies that she's old and I think her work really took a tool on her body.That's why she had a wrinkled skin at maputi narin ang buhok niya.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Kung ganun ano ang pangalan mo iha?Akala ko naman may kaibigan na ang batang yan.Nakakaawa talaga ang batang yan.Ewan ko nga kung bakit walang nakikipag-kaibigan sa kanya samantalang mabait naman ang batang yan."Malungkot niyang sabi.

Napaisip ako sa sinabi niya.When I first encountered Veista she said that her friends want to date me and I replied no.Ano ang dahilan niya kung bakit niya iyon itinanong sa akin ?

Is that an alibi just to make a conversation with me or to make me notice her presence?If thats the case well congrats to her because I did noticed her presence.

"Good day."

Paalam ko sa matanda at binalikan ang lugar kung saan ko ipinarada ang kotse ko.Tama na ang pagpaglalakad-lakad.Oras na para bumalik ako sa dapat kong gawin.

Bumalik ako sa kotse at sinimulang paandarin ito.Kinuha ko ang cellphone sa compartment ng kotse at tinawagan ang numerong nauna kong nakita sa dial speed ko.

"I'll be there at 10:00 pm."

I hanged up the phone after saying that.

——

EKSAKTONG alas dies ng gabi ako nakarating sa Ba'al Fishport dahil may pinuntahan pa ako bago pumunta sa nakasunduang lugar.Isang maliit na fishport ang Ba'al at malimit lamang ang tao dito paggabi.Kaya eto ang napili kong transakyon place para sa illegal naming mga gawain.

Hindi ako santo para sabihin na hindi masama ang gawain ko dahil alam ko sa sarili ko na masama talaga ang pagiging dealer ng ibat ibang illegal na gawain.

Pero sabi nga masarap ang bawal pero dapat alam natin ang magiging consequences ng ating action para hindi mag-backfire at tayo ang mapuruhan sa ginawa nating bawal.

I glanced at the place.Iilang poste na lamang ang may ilaw.Ang ilan ay patay sindi pa.

Wala akong nakikita na kahit isang civilian. Marahil gabi na para maglibot libot sila sa ganitong klase ng lugar.

Isang baril ang sumalubong sa sentido ko habang hawak ng isang lalake na hindi masyadong katangkaran.He's smirking at me at paulit ulit na pinapatunog ang gatilyo ng baril upang takutin ako.

Hindi yata ako kilala ng lalakeng ito.

Nakakapanghinayang ang kanyang buhay kong sasayangin ko lamang ito sa maruming lugar na ito.“Kung ako sayo hindi ko itututok ng ganyan kalapit ang delikadong bagay na iyan sa noo ng isang babae."Kalmado ngunit kalkulado kung pagbitaw ng mga salita.

Itsura palang nito halatang halang na ang kamay na pumatay.

Pero walang wala ito sa kalingkingan ng mga taong napatay ko na gamit ang aking mga kamay.

"Sige salita pa inutil.Mamatay ka rin naman mamaya pero bago yun titikman muna kita."Nakadila niyang sabi at hahawakan na sana ang pisngi ko ng agad ko itong sinangga gamit ang mga kamay ko at pinilipit ito.

"Awh awh—palaban kang inutil ka!"Hiyaw niya.

Kinuha ko ang baril na hawak niya at walang kahirap hirap na binali ito.Mas lalo kung hinigpitan ang pagkakabilibid sa braso niya kahit na rinding-rindi na ako sa mga hiyaw niya.

Love You Unexpectedly(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon