Sinag ng araw ang gumising sa akin. Medyo masakit ang ulo ko ng bumangon ako. Sapo ko ang aking noo habang lumilinga linga, hinanap si Sheila. Ang tahimik kasi ng buong kwarto.Akmang tatayo na ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Sheila, bitbit niya ang tray ng pagkain.
Kunot noo ko siyang tiningnan, anong oras na ba? Hindi ba kami papasok sa trabaho?
Good morning besh, nakangiti niyang bati sa akin. Ngumiti ako sa kanya pabalik bilang ganti ng pagbati niya.
Supas? At gamot? nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa dala niya. Sinong iinom sa gamot Sheila?
Ay, malamang ikaw besh, alangan namang ako, diba? pilosopo niya sagot. May sakit ka po mem. Buong gabi kang inaapoy ng lagnat, sabi niya sabay kapa sa noo ko, marahil para tingnan kung may lagnat pa ba ako.
Hay, buti nalang okay ka na, may pag-aalala niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kanya, wala akong masagot, wala akong maalala na nagkasakit pala ako. Wala kasi akong maalala sa nangyari.
Nakakunot noo akong napatingin sa kanya. Napansin niya yun kaya bigla ba naman niyang pinitik ang noo ko.
Grabe besh kinabahan talaga ako, ikaw kasi eh, sa susunod magsabi ka kung may masama kang nararamdaman. Hindi yung susolohin mo, okay? Ano masama pa ba pakiramdam mo? sa haba ng sinabi niya yun lang ata ang naintindihan ko.
Oo besh okay na ako. Maraming salamat hah. Paano nalang ako kung wala ka, thank you talaga. sensiro kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin at inutusan akong kainin ang dala niyang pagkain pagkatapos ay inumin ang gamot.
Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay nagpahinga na muna ako saglit, ang bigat talaga ng katawan ko, kinakailangan ko pa ng magpahinga para mabawi ang lakas ko. Hindi ko alam pero parang may mga pangyayari na pilit na sumagi sa isip ko. Kapag pilit ko namang alalahanin ay sasakit lang ang ulo ko.
Pero isang imahe ng tao ang hindi ko makakalimutan. Sobrang linaw ng imahe ng taong iyon na halos nakikita ko siya everytime na pipikit ako.
Si Sir Alfred, bakit siya lang ang naaalala ko at hindi ko maalala ang mga pangyayari ng gabing iyon.. Oo, kagabi kung kailan ako inaapoy ng lagnat. Alam kong may ibang nangyari maliban sa may sakit ako. Pero bakit hindi ko maalala?
Na hinto ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Literal na lumaki ang mata ko ng makita kung sino ang tumatawag. Siya! pero bakit niya naman ako tatawagan? puno ng pagtataka ko iyong sinagot.
Hello sir? kinakabahan kong sagot, sinikap kong wag manginig ang boses ko.
Isang buntong hininga muna ang narinig ko bago siya tuluyang sumagot.
How are you feeling? mahinahon niyang tanong. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Paano niya nalaman? Po? tanong ko pa, na akala moy diko narinig ang tanong niya.
Tumawag si Sheila at sinabing hindi kayo makakapasok dahil maysakit ka, malamig niyang sabi ngunit may halong pag-alala iyon. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
VLS#1: ALFRED FAJARDO
VampireAlfred Fajardo and Trina Treyez VLS #1 This work is a fiction. Names, places or events are produced by author's crazy imagination. And any resemblance to persons living or dead, places or events are extremely coincidence. :) hope you like it 😊 love...