Dos POV
"Hi!" Bati ko sa babaeng busy sa kanyang locker at mukhang may hinahanap. Tinapunan nya ako ng tingin at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang locker "I said, hi!" Pag uulit ko ngunit tinaasan nya lang ako ng kilay at marahas na sinara ang locker nya.
Napasinghot ako ng talikuran ako nito na parang walang nakita "Hey, may problema ba?" Mabilis syang nag lakad tipong lakad takbo na, "Hey!" Kaya hinatak ko ang kamay nya ngunit agad nya ito hinatak pabalik na parang nandidiri sakin.
"Pwede ba, Mr. Whatever stop bugging me!" Masungit nyang sabi,ito na ata ang 9th time nyang sinabi yan sa araw araw na pangungulit ko sakanya.
Muli nya akong tinalukuran at naglakad "Hey Swara! Anong Mr. Whatever?! Gwapong DOS ang pangalan ko D-O-S. At anong stop bugging me?! Baka nakakalimutan mo ikaw tong aggressive masyado first meet natin niyakap moko agad, chansing yun! Kababae mong tao manyak ka." Natigil sya sa pag lalakad.
Namumula ang kanyang mukhang nang humarap ito sakin. Di ko alam kung kinikilig sya kaya ito namumula or naiinis, pero kahit ano pang dahilan ang cute nya.
"Di mo ba alam na dahil sa pag yakap mo sakin nabastos ang pag kalalaki ko?" Ngumiti ako ng nakakaloko at lumapit sakanya "Do you want me to kick your ass out in my school?" Mabilis syang umiling "I—im so sorry." Labas sa ilong nyang sabi, hays matigas talaga ang isang to.
"Nag sorry na ko kaya tigilan mo na ko Mr. Ong." Umirap pa sya sa hangin
"Sino ka sa tingin mo para utusan ako?" Nakangiti kong tanong dito, napansin ko ang pag kuyom nya ng kamao. Sasapakin nya ba ko?!
"Please." Nag puppy eyes pa ito dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko kaya agad akong napaiwas ng tingin sakanya
"W—why?" Tanong ko
"Ayokong ma involve sayo or kahit na sino pa sainyo, Ong Brothers." What?! Eh sya tong bigla biglang nang yayakap!
"Sorry kung niyakap kita. Akala ko kasi ikaw sya." Who?!
"Please.. stop." Gusto ko syang pigilan ngunit di ko alam kung paano,
Ayokong mainvolve sayo or kahit na sino pa sainyo, Ong Brothers.
Ayokong mainvolve sayo or kahit na sino pa sainyo, Ong Brothers.
Ayokong mainvolve sayo or kahit na sino pa sainyo, Ong Brothers.
Sinabi nya lang yun para tigilan ko sya pero syempre di ako titigil hanggat hindi sya napapasakin, alam kong gusto nya rin ako kasi— sino ba namang hindi?! Ang gwapo ko kaya.
"Psh, mukha kang tanga." Nawala ang ngiti saking labi at tinignan ng masama ang kambal ko "Ganyan talaga pag inlove." Asar naman ni Micro
"Inlove?" Kunot noong tanong ni Uno "Remember the girl sa province a year ago?" Napansin ko ang pag lunok nya bago tumango "We met again.. mukhang kami talaga ang itinadhana sa isa't isa. Sa dami ng school, dito talaga sya nag aral." Kusang gumuhit ang ngiti saking labi, humawak pa ko saking dibdib sign na tinamaan ako ng pana ni kupido.
"Ohh." Nakayukong sabi ni Uno. Ba't ganyan ang reaksyon nya? May problema ba sya? Or "Nag seselos kaba?" Lumapit ako dito at inakbayan sya "Wag ka mag alala. Kahit mag kakagirlfriend na ko hinding hindi ako mawawalan ng time sayo, ikaw parin ang nag iisang— bebe ko." Nagtawanan naman ang apat kong kapatid kaya umakto akong hahalikan ko sya ngunit nagulat ako ng tumayo ito sa kinauupuan nya at naglaho sa paningin namin "Ano—anong problema nya?" Naguguluhang tanong ko.
—
"Hi." Hinarang ko ang aking katawan sa babaeng nag lalakad patungo sa student council office "Balita ko you are the new student council secretary. Congratulations. We need to celebrate, sabay tayo mag lunch?"
"Ayoko." Nanlilisik ang mata nito, hays.. ang cute.
"Oh come on, alam kong gusto mo." Confident na sabi ko "Ugh! Mr. Ong, ang aga aga po sinisira nyo ang araw ko." Inirapan nya ako atsaka ako nilagpasan,
"What's wrong with you Swara? Madaming babae na gusto ako masama mag lunch."
"Edi sila ang isama mo." Walang gana nyang sabi habang patuloy parin sa pag lalakad.
Hays, i really like her.
Swara's POV
Niliitan ko ang aking mata habang nag hahanap kami ni Lux ng bakanteng upuan dito sa cafeteria.
"Makishare nalang tayo." Suggestion ko ng makakita ng dalawang upuan na bakante "Hi, pwede makishare?" Natigil ang tatlong babae sa pag kain, nginitian kami ng isa sakanila. Oh, i know her.. Avantika Ford the rank 3 and good girl.
Naupo kami at nagsimulang kumain. Maya maya ay napansin ko ang pagtayo ng dalawang babaeng kasama nya. Kung di ako nag kakamali Ara at Rizza ang kanilang pangalan "Mauuna na kami kakausapin daw kami ni sir Flores. See you later Ava." Nag patuloy sa pag kain si Avantika ganun din kami.
"Hi.. pwede makishare?" Tinignan ko ang matangkad na babaeng nakatayo sa harap namin. Tumango kaming tatlo kaya agad syang naupo sa tabi ni Avantika.
"Oh, Abahaya. Hi." Bati ni Lux dito na ikinagulat ko "Oh, Lux ikaw pala. Hi!" Bati ng rin dito
"Magkakilala kayo?" Bulong na tanong ko kay Lux, tumango naman ito "Sabay kasing nag patry out yung women's volleyball team and basketball team, dun ko sya nakilala. BSHM, freshmen din sya." Paliwanag ni Lux kaya muli kong nilingon ang babaeng tinutukoy nya at nginitian ito.
"Pwedeng makishare? Wala na kasing vacant." Tinanguan namin ang babaeng nakatayo sa gilid, may bandaid ito sa kanyang ilong, napansin ko din ang kamao nyang may bandage. Oh, i know her.. Mohini Cord? Grade 12.
Bilang student council secretary hawak ko ang ibang record ng estudyante dito sa school and she's a troublemaker sa loob or labas man ng University.
"Yeah, sure." Malumanay na sabi ni Avantika. Bahagya akong umusog upang makaupo sya.
Amin na tao naman ang kasya sa table na ito, kung tutuosin may isa pang vacant "Hi, pwede makishare?" Muling napaangat ang tingin ko sa isa babaeng— Jyotsna. Umusog si Abhaya senyales na pwede syang makishare kaya naupo ito.
"This is so cool." Kunot noong tinignan ko si Jyotsna "Soon to be Ong Brothers girlfriend in one table. Cool right?" Pag tapos nyang sabihin yun ay nasamid si Avantika "Ayos ka lang?" Inabot ni Abhaya ang tubig sakanya.
"Miss, ano bang pinag sasabi mo? Di ko nga sila kilala." Inis na sabi ng katabi kong si Mohini "Makikilala mo rin sila." Napailing nalang si Mohini at pinagpatuloy ang kanyang pag kain
"Malabo." Huminga ng malalim si.. Abhaya. Malabong alin? "Malabong maging girlfriend ako mg isa sakanila." Bumagsak ang balikat nito
"Hey, wag kang magsalita ng tapos. 3 years from now..." nagtaasan ang balahibo ko ng ngumiti ito
"Ate Avantika, ate Abhaya and ate Lux.. will be called Ong Brothers girlfriend." Nakarinig ako ng mahinang tawa mula kay Avantika "Insane." Iritadong sabi ni Lux
"Sunod na kayo, ate Swara and Mohini."
BINABASA MO ANG
Amnesia
Teen Fictioni wish that i could wake up with amnesia, dos. STATUS: O N G O I N G