Chapter 25

0 0 0
                                    

Hina's Pov

"Mamaaaa daddy will come today?"

"Mama"

"Daddy will come"

"I miss daddy"

"Mama kotaete yo" [Mama answer me]

Hayyyy tsk!

Don't get me wrong guys hindi ako galit kay Kenji ah ! Medyo nakukulta lang talaga yung utak ko kakaisip kung paano sya sasagutin.

Isang linggo na kasi di dumadalaw si Jared. Ayaw ko naman syang kulitin or what but I tried to text him once if madadalaw niya ba si Kenji dahil hinahanap sya nito pero sabi niya lang busy sya sa work ...

Hindi tuloy maalis sa isip ko na maybe tama yung instinct ko last time na darating yung pagkakataong ganito. And yes, siguro nga ito na yun.

At ngayon , hindi ko alam kung paano ko ba ieexplain kay Kenji kung bakit di man lang dumadalaw ang daddy nya. I mean sinabi ko naman na busy pero alam nyo naman ang mga bata...

Lumuhod ako para mapantayan ko sya dahil kanina nya pa hinihila yung laylayan ng dress ko. Naghuhugas kasi ako ng pinggan , kahit na nandito si Manang Esther tinutulungan ko pa din sya di ko kasi sya masyadong tinatrato bilang katulong or what . Parang nanay ko na din sya simula bata kami ni Kuya Taki sya na nag alaga sa amin ..

Anyway highway, hinarap ko si Kenji...

"You really do miss your daddy baby?"

At tumango tango naman ito ..

"Okay, I'll find ways para makasama mo si daddy okay?"

"Wakatta! Arigato mama" [I understand, Thanks mama]

At nagtatakbo na ito pabalik sa sala..

Nandun kasi yung dalawa, si Lory and Che.

Wala kasi silang work today dahil sunday. And dahil nga alam nila na hindi napupunta si Jared dinadalaw nila mas madalas si Kenji para daw di ito masyadong mag isip tungkol sa ama nya.

And Im so thankful dahil may mga kaibigan akong katulad nila.

Last time nga kasama pa nila sila Bryle at Axel na nagpunta dito eh. Close na close talaga si Kenji dun sa dalawa nyang tito dahil para silang magkakasing edad kapag naglaro.

Chismis konga pala sa inyo na napapansin kong parang iba yung mga tinginan ni Lory and Axel sa isat isa hahahaha

Wala lang, ngayon kolang kasi nakitang parang naaattract si Lory sa isang lalaki. Hihihi dalaga na yata ang friend ko huhu naiiyak ako.

Anyways, bumalik na ako sa sala after kong hugasan ang mga pinag kainan namin.

"Sissy nga pala! Magbibirthday si Kuya Leo sa Saturday he even told me imbitahan din kita kasi gusto nya mameet yung anak nyo ni Jared , alam nyo na.. hehe dun nyo kasi nabuo sa bar nya remember?" -Che

Sinamaan ko sya ng tingin. Sabihin ba naman yon sa harap ng bata?!

"Hmm I'll think about it. Alam mo naman diba medyo di ako komportable ngayon pagdating kay Jared, and you know why." Saad ko.

"Kung sabagay, maski siguro ako sa posisyon mo same feels din. Biruin mo yun galit na galit lang sya sayo last time dahil di mo sinabi sa kanya na may anak kayo tapos biglang naging close na close sila mag ama and he even make dalaw here everyday at namamasyal pa kayo ha tapos bigla nalang hindi magpaparamdam? " -Dere derechong saad ni Lory habang kumakain ng chichirya

"I want to think na busy lang talaga siya sa work kasi sabi ni Kuya Bryletuwing pupunta daw si Jared sa bar parang palaging pagod at hapo." -Che

Tignan mo tignan mo! Sa bar nakakapunta sya pero sa anak nya di man lang nya madalaw? How reasonable it is to be so so so busy right?

One Night Runaway ♡ [2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon