Part 2

17 0 0
                                    

(3 weeks before)

Kararating ko lang galing probinsya namin, malapit na kasi ang pasukan at gusto ni mama na kahit papaano ay hindi ako manibago sa bago kung paaralan, grade 11 na ako at naisip ni mama na dito ako ipa-aral sa susunod na munisipyo na katabi ng munisipyo namin dahil mas maganda daw ang kalidad ng edukasyon dito at nandito ang isang private school sa buong isla kaya naman titira ako dito sa tita ko na nakatira dito sa munisipyo ng San Mateo. Magbabakasyon ako dito ng dalawang linggo para na rin makapaghanap na rin ng matutuluyan kung sakali mang magsimula na ang pasukan, at makabili na ng mga gamit bago ang pasukan.

"Tao po!"
"Tao po!" tawag ko galing sa may gate ng bahay nila tita.

Alam ko ang bahay nila dahil dito ako nagbakasyon nakaraang taon. Makikita sa harap ng bahay nila ang iba't-ibang bulaklak at halaman, mula sa labas. Makikita mong gumagapang ang yellow bell sa gate, na hitik na hitik sa bulaklak kaya naman nagmumukha itong hanging garden dahil na rin sa mga parang tali na ugat na nakalaylay at nagagapangan ng isa pang klase ng bulaklak na kulay lila, pula at asul.

"Fey, nandiyan kana pala. Pasok, pasok ka." magiliw na bati nito ng buksan ang pintuan ng bahay nila at makita ako sa labas, diretso itong lumapit at nag bukas ng tarangkahan.

"Naku, kamusta kana? Ang tagal nating hindi nakita lalo kang gumanda at tumangkad." kumento nito habang papasok kami at kinukuha ang mga dala kung maleta.

"Jr lumabas ka nga diyan at tulungan mo kami ditong magbuhat ng mga gamit ni Fey." pasigaw na tawag ni tita sa nag-iisang anak nitong lalaki.

Biglang bumukas ang pintuan sa harap ng bahay nila at lumabas doon ang isang katangkarang lalaki, na may katamtaman kulay ng balat, at may kapogian.

" Oy, nandito kana pala!" magiliw na lapit sa amin ni kuya Jr at kinuha ang dalawang maleta na hawak ko at ni tita.

"Ihatid mo yan sa taas." utos ni tita sa anak, sigurado akong nasa katabing kwarto ni Kuya Jr ang kwarto ko dahil yun ang lagi kong ginagamit kapag dito ako nakikitira.

Nang makapasok kami ay pina-upo na ako ni tita. Malawak ang bahay nila at dalawang palapag ito, nasa bungad ng pintuan ang tanggapan ng bisita, sa likod naman nito ay ang kusina na hinahati ng isang istante ng mga aklat at maliliit na pigurin ng mga ibon at anghel. Samantalang nasa kanang bahagi naman ng bahay ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Kumusta, napagod kaba sa byahe?" tanong ni tita sa akin habang nag-aasikaso sa kusina.

"Pasensya kana, nag-aasikaso kasi ako ng kusina at kadarating ko lang din galing trabaho. Alam muna, wala naman akong aasahan sa anak kong yan, naku napakatamad." kumento nito tungkol sa anak. Napangiti naman ako.

"Okey lang po tita, sanay naman na po akong bumyahe galing sa amin papunta rito." sagot ko dito.

"Naku buti na lang at biyernes ngayon at masasamahan kitang maghanap ng matutuluyan mo, kung ako nga lang eh. Gusto kung dito kana tumira, wala namang problema sa akin at matutuwa pa ako."

Walang pasok si tita sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya kapag araw ng sabado at linggo dahil free day nila. Wala rin siyang ibang anak maliban kay kuya,at gustong-gusto niyang magka-anak ng babae pero dahil namayapa na ang asawa ay hindi niya na din naisip pang mag-asawa muli at tinuon na lamang sa trabaho at pagpapalaki ng anak ang buong oras.

" Wag kang mag-alala dahil kapag hindi kita masasamahan ay ipapasama ko si Jr sayo para naman may tumulong sayo kung sakaling mamili ka ng mga magiging gamit mo sa kwartong tutuluyan mo." tumango naman ako bilang sagot.

"Ma, galing sa taas naririnig ko yung pangbabash mo sakin, eh alam naman na yan lahat ni Far." Biglang salita ni kuya Jr galing sa pinaka-puno ng hagdan sa taas.

"Yun nga, hindi kana nahiya sa pinsan mo. Nakaraang taon tamad ka ngayon taon mas tamad ka pa." bulyaw ni tita pabalik kay kuya Jr.

"For worst naba to nak."sabi ni tita na parang napariwara ang anak.

Hindi ko kamag-anak si kuya Jr at tita by blood dahil magkaiba ng parents sila tita at mama, anak si tita ng grandfather ko sa unang asawa nito samantalang anak naman si mama sa pagkadalaga ni lola pero magkapatid ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa. Mas matanda din sa akin si kuya Jr ng dalawang taon kaya naman college na siya samantalang senior high school pa lang ako.

"Pero kahit na ma, hindi muna dapat yan sinasabi sa kanya yung bago naman." ganting sagot ni kuya Jr na may himig ng pagbibiro.

Bumaba na ng hagdan si kuya Jr at kumuha ng bolang pangbasketball sa loob ng cabinet na nasa ilalim ng hagdan.

"Ano nagbabasketball ka pa?" tanong nito sa akin ng humarap at yakap-yakap ang bola.

Nginisihan ko naman siya.
"Bukas na lang, hindi kita pa-iiyakin ngayon." sagot ko dito.

"Ang borit muna ah!"

"Hindi naman sakto lang."may habang na sabi ko.

"Basta matatalo din kita, tsaka mas magaling na ako ngayon maglaro." mayabang din nitong sagot sabay paikot ng bola sa daliri, pero bigla itong nalaglag at muntik ng tamaan yung shoe rock na nasa tabi ng hagdan.

"Ano ba yan Jr, makakasira ka pa ata. Hala, bukas muna yayain tong pinsan mong magbasketball at pagod yan sa byahe. Hindi kana na nahiya pati babae pinapatulan mo." biglang salita ni tita.

"Naku ma, kung alam niyo lang kong paano magbasketball yang babae na yan, parang lalaki." paliwanag ni kuya Jr.

"Oh,sabi mo na yan ah. In short tita sinasabi niyang magaling ako." sabi ko at ngumisi pa.

"Basta alis na ako, bukas laro tayo." huling sabi ni kuya Jr bago lumabas ng bahay.

"Hay naku napaka talaga yang batang yan, hayaan muna. Manood ka na lang muna jan, at malapit na akong matapos magluto."

Nagbukas na din ako ng tv at nanood, maganda ang palabas kaya hindi ko napansin na tapos na si titang magluto.

"Fey, gusto mo bang magpalit? Aakyat lang ako at magbibihis para mamaya pagdating ni kuya Jr mo ay kakain na tayo, pabalik na yun." tanong sa akin ni tita ng lumabas ng kusina.

"Mamaya na lang po, hihintayin kuna lang kayo." sagot ko naman dito.

Tinanguan niya naman ako at tumalikod na paakyat ng hagdan at pinagpatuloy ko na lang ang panonood ng palabas.

Fey ang tawag sa akin ni mama at tita pero maliban sa kanila ay Far na ang tawag sa akin ng iba. Ru Faery Roxas ang buo kong pangalan, marami ang nagkakamali ng bigkas pero hinahayaan ko na lang, bahala na sila.

Mga ilang minuto lang ay dumating na si kuya Jr na basang-basa sa pawis hindi na ako binati nito at diretso ng umakyat at nagpalit. Pagbaba nilang dalawa ni tita ay kumain na kami, tahimik kapag kumakain sila tita dahil nirerespeto nila ang pagkain, bawal ang mag-ingay kaya naman ng matapos ay nagpaalam na ako at agad na pumanhik sa taas para  makapagpahinga dahil mahaba ang byahe at napagod ako ng konti, inaantok na din ako.

Nakipagtalo pa ako kay tita na ako ang maghuhugas ng plato pero sabi niya ay si kuya daw ang nakatuka sa paghuhugas dito sa bahay, hindi kuna din napilit kaya wala na akong nagawa.

Ngunit bago ako umakyat ay pinangako ni tita na bukas ay magsisimula na kaming maghanap ng matutuluyan kuna malapit sa paaralan ko.



__________________________________________________________________________________________________________________

#sabaw!
Yung ulam namin.

TapikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon