"W-why wasn't I informed about this?" Ninenerbyos na tanong ni Eros sa kaniyang matalik na kaibigang si Hansol, na anak naman ng matalik na kaibigan ng kaniyang Papa. Hansol is his only friend at sa kaniya lang din komportable si Eros maliban sa kaniyang ama.
"Anong tawag mo rito, pre? Am I a joke to you?" Tugon naman ni Hansol na animo'y naguguluhan. Napabuntong hininga na lang si Eros. Hindi siya makapaniwalang naghire ang kaniyang Papa ng isang personal assistant para sa kaniya na pinakatinatanggihan niya sa loob ng 19 years. Ngayon pa talagang 20 years old na siya?
"Talagang hindi ipapaalam ni Tito unless nagawa na niya. Alam naman niya kasi niyang tatanggi ka." Umiiling-iling na dagdag naman ni Hansol. Muling napabuntong-hininga si Eros. Bakit mas nauna pang malaman 'to ni Hansol? Sino ba talaga ang anak? Tanong niya sa sarili. Oh, baka naman galing kay Tito Israel? Napatango-tango siya sa kaniyang sarili sa pangalawang ideyang kaniyang naisip. Hindi imposibleng nalaman ito ng kaniyang best friend galing sa ama nitong si Israel na matalik na kaibigan ng papa niya.
"How is she like?" Straightforward na tanong ni Eros. "She" dahil expected na niyang isang matandang babae ang kaniyang magiging personal assistant kasi gano'n naman talaga, hindi ba? Gano'n naman talaga kadalasan ang PA ng mga spoiled brat/rk na tulad niya!
Naningkit ang mga mata ni Eros nang mapansin niya ang biglang pagngisi ng kaniyang kaibigan nang marinig nito ang kaniyang tanong. Para bang napaka-interesting ng tanong na iyon ni Eros.
"Don't worry, you'll like her." Ani Hansol sabay kindat sa kaniya dahilan para bigla siyang kabahan. Idiot! Is he really my friend? He knows that I'm not comfortable around people I'm not familiar with. Mga nakakahalubilo pa nga lang niyang mga trabahador sa kanilang mansion e nangangatog na siya sa kaba at hiya, ito pa kayang future PA niyang makakasama na niya araw-araw? This is torture!
Magsasalita pa sana si Eros nang biglang mag ring ang phone ni Hansol. Sabay na napatingin ang dalawa sa phone na nasa ibabaw ng babasaging center table sa loob ng kwarto ni Eros. Hindi na nabasa pa ni Eros kung sino ang tumatawag dahil agad itong pinulot ni Hansol para sagutin.
"Oh, she's here already?" Gulat na ani Hansol nang sagutin niya ang tawag at tsaka napatingin kay Eros. Napasandal naman sa couch ang intorverted presidential son at lihim na napalunok. Katapusan ko na!
"How impressive. 30 minutes earlier than her schedule. Praktisadong-praktisado ang time management." Nakangiting sambit ni Hansol sa kausap nito sa kaniyang phone.
"Alright, alright. Sasalubungin ko siya." Rinig pa ni Eros. Ramdam na niya ang pagtagaktak ng pawis sa gilid ng kaniyang noo kahit na nakatodo na ang aircon sa kaniyang kwarto. Tuluyan ng nawindang ang binata nang ibaba na ng kaniyang kaibigan ang tawag.
"I gotta go, pre. Nasa baba na siya. I'll accompany her here." Diretsong sabi ni Hansol sa kaniyang kaibigan na halatang kinakabahan na ngayon.
"Seryoso talaga si Papa, ano? Wala na bang atrasan 'to? Pwedeng bumalik na lang siya bukas?" Sunod-sunod na tanong ni Eros dahilan upang lapitan siya ni Hansol para tapik-tapikin ang balikat nito.
"There's nothing to worry about, pal. I'm sure you'll like her, trust me."
Paulit-ulit na nag-echo sa isip ni Eros ang huling sinabing iyon ng kaniyang best friend sa kaniya bago nito lisananin ang kaniyang kwarto para salubungin ang PA niyang naghihintay na sa labas ng kanilang mansion. Bigla na lang siyang natauhan nang makarinig ng yapak ng heels mula sa labas ng kaniyang kwarto dahilan para marealize niya na kanina pa pala bumaba ang kaibigan niya at hindi imposibleng pagmamay-ari ng kaniyang PA ang yapak ng heels na kasalukuyan niyang naririnig ngayon. Wala naman kasing naghiheels na trabahante sa mansion nila.
BINABASA MO ANG
Eros & Gaea.
RomanceHe is Eros, the introverted presidential son. His life changed when his father hired him a personal assistant, Gaea, who possesses an opposite personality.