Assurance

32 6 0
                                    

HABANG nasa daan pauwi ng bahay nila wala siyang kaimik-imik dahil hanggang ngayon napa-puzzle pa rin siya sa kaugnayan ni Jasmin sa kasintahan. Kung totoong may gusto nga rito ang babae nagtataka siya kung bakit hindi pinatulan ni Derreck gayung maganda, matangkad, makinis ang kutis at seksi naman ito. Kahit sinong lalaki hindi tatanggihan ang tulad ni Jasmin na almost perfect na ang panlabas na kaanyuan at ito ‘yung tipong ibabandera mo talaga sa lahat dahil sa angking kagandahan.
        "Honey, bakit nananahimik ka d’yan?” nag-aalalang tanong ni Derreck. “Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo.”
        “Okay lang ako,” aniya na matipid na ngumiti. “Medyo napagod lang siguro ako.”
        “’Wag kang maniwala d’yan,” singit ni Glenda. “Kung anu-ano kasi ang sinabi n’ung Jasmin sa kanya.” Ibinalitang lahat ng kaibigan ang mga nangyari kanina maging ang mga napapansin nilang pagkainggit sa mga mata nito sa tuwing pinagsisilbihan siya ng kasintahan.
         Huminto ito sa kanyang harapan at nag-aalalang tiningnan siya. “Pasensya na, Honey, kung alam ko lang na mangyayari ‘yun hindi na sana kita iniwan kahit sandali lang,” nagsisising pahayag ni Derreck bago siya biglang niyakap at hinalikan sa noo. “Promise, hindi na mauulit ‘yun dahil pagsasabihan ko talaga si Jasmin at kapag kasama natin sila hinding-hindi ako na lalayo sa’yo para walang kahit sinong makakapanakit ng damdamin mo.”
         Napasulyap siya sa mukha ng binata at nakita niya ang sinseridad sa mga binitiwan nitong salita kaya tumango siya at nakangiting humalik sa pisngi nito.
         "Salamat, Honey,” aniya na first time niyang tinawag ito sa kanilang endearment at first time siyang humalik dito. Simula nang maging sila hanggang buhok at noo lang siya hinahalikan ng lalaki dahil sa sobrang paggalang nito sa kanya. Isa pa, sinabi nito sa kanya na hahalikan lang siya sa labi kapag natutunan na niya itong mahalin.
          Malapad ang ngiting humarap ito kina Glenda at Benjie. “Nakita n’yo ‘yun,” nagmamalaking sabi nito. “Hinalikan niya ako sa pisngi at tinawag na akong “honey” ng mahal ko.”
        "Ibig sabihin nahuhulog na ang loob niya sa’yo,” nakangiting komento ni Benjie. Wala silang inilihim sa mga kaibigan dahil simula’t sapul ang mga ito na ang kasa-kasama kaya malaki ang tiwala nila sa dalawa na hindi makakalabas sa kanilang apat ang kakaibang relasyon nila ni Derreck.
         Humarap naman si Benjie kay Glenda at malamlam nitong tinitigan sa mata ang kaibigan niya. “Sila malapit nang maging okey, paano naman ako? Hindi mo pa ba ako sasagutin?”
         “Kung si Michelle may dating Alexander, ako may gusto pa rin sa kuya mo,” nakairap na wika ni Glenda bago sila nagpatuloy sa paglalakad.
         “Ouch!” anito na kunwa’y naninikip ang dibdib. “Hindi ka na niya babalikan dahil wala sa bokabularyo niya ‘yun. Isa pa, alam mong babaero ang kuya ko kaya siguradong masasaktan ka lang samantalang sa’kin nag-iisang babae ka lang sa buhay ko.”
         "Derreck, may gusto ba talaga sa’yo si Jasmin,” pag-iiba ng topic ni Glenda kaya nangingiti siyang napasulyap kay Benjie.
          “Tingnan mo’tong babaeng ‘to, ilalayo na naman ang usapan,” kakamut-kamot ang ulong wika ni Benjie “Hay, buhay!”
         “Nang maging girlfriend ni Bernard si Jessica nagsimula nang magpa-charming si Jasmin kay Derreck,” pagkukwento na lang ni Benjie kaysa kulitin ang babae. “At hindi lang iisang beses na gumagawa ng paraan si Jasmin para masolo si Derreck.”
          “Hindi mo ba siya niligawan?” curious na tanong niya sa kasintahan.
          “Promise, hindi talaga,” pag-amin nito sa kanya. “Aminado naman akong nagagandahan ako sa kanya pero wala talaga siyang dating sa akin.”
          "As in hindi ka talaga nagka-crush sa kanya kahit konti?” pangungulit niya naman ni Glenda. “Malamang kung kay Benedict ito dumidikit malamang mag-jowa na ‘yung dalawa.”
          “Kung gusto ko talaga siya malamang matagal nang naging kami kaya lang wala talaga akong maramdaman. Unlike sa honey ko na-love at first sight talaga ako,” ani Derreck bago siya kinindatan.
           “Honey, masyado mo na’kong binobola baka mamaya n’yan ma-inlove na’ko sa’yo,” natatawang turan niya bagaman tumataba talaga ang puso niya sa mga naririnig mula sa kasintahan.
           "Wish ko lang, honey,” nakangiting pag-asam ni Derreck. “Super saya ko talaga kapag nangyari ‘yun,” dugtong pa nito bago pinisil ang palad niya na hindi nito binibitawan habang naglalakad sila.
           Habang naglalakad napapaisip siya kung talaga bang ganoon siya kamahal ng kasintahan kaya kahit anong ganda ni Jasmin ay hindi nito magawang mapagtuunan ng pansin. Bigla ring pumasok sa isipan ang mga sinabi ng kanyang tatay, masyado din bang obvious sa mga mata ni Derreck ang pag-ibig nito sa kanya para makuha ang buong tiwala ng kanyang ama. Tiningnan niya ang magkahawak nilang kamay saka sumulyap sa mukha ng kasintahan na agad naman nakita nito kaya matamis na ngiti ang ibinalik ng lalaki sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla siyang nakaramdam ng kapanatagan sa kalooban niya at biglang gumaan ang nararamdaman niya. Hindi niya binawi ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito na tila ba nagsasabing angkop talaga ito sa palad ng kasintahan at palihim siyang ngumiti habang sumasabay sa paglalakad ng mga kasamahan.


Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon