Chapter 7: Only Dance

1.7K 161 38
                                    

Nagpapraktis sina Luis at Yanna sumayaw dahil prom n sa Friday. Halos tatlong linggo na rin kami nagpapraktis. Ang OA lang. Siguro dahil nando'n 'yong division superintendent kaya todo naman ang pagpapraktis at pagde-design ng stage.

"One, two, three. One, two, three—"

"Tama na 'tong kalokohang 'to," sabi ni Yanna at umupo sa tabi ko.

"E, kasi naman. Dapat boylalu ang partner ko," dagdag ni Luis bago siya umupo sa kabila ko. "Oy, sister, kumusta na kayo ni Papa Japs?"

"Tumigil ka nga," sagot ko, pilit na iniisip kung ano ang nawawalang salita sa crossword puzzle na sinasagutan ko.

"Ang cute niyo kayang tingnan from here."

"Tama," sabat ni Yanna. "Kung makapag-usap kayong dalawa, wagas."

"Ha, ha, ha, ha," sarcastic kong sinabi. Sinara ko na 'yong crossword book dahil alam ko namang hindi nila ako titigilan. "Wala lang 'yon. Para namang gano'n lang kadaling mag-move on."

Simula kasi no'ng birthday ko, lagi na kaming nag-uusap. Naghe-hello na siya, tapos maghihintay pa 'yon sa 'kin tuwing uwian para makipag-jamming session hanggang sa mag-curfew. Nakadagdag pa na ako, si Jappa, at iba pang mga piling "artsy" students ang maghahanda ng prom stage. Kasama ako sa nagde-decide kung saan dapat ilagay 'yong ganito at ganyan, tapos sina Jappa naman 'yong nagpe-paint. At dahil nga do'n tinutukso ako ng dalawang 'to.

Nagtinginan silang dalawa saka pumunta sa 'kin.

"Kung ayaw mo kay Papa Japs," sabi ni Luis, "akin na lang siya. Type ko pa naman 'yong mga tulad niya—pa-mysterious na medyo cold pero pagdating sa 'yo, soft boy."

"Sira ulo ka talaga Luis."

"Speaking of the angel and the angel will come."

Napatingin kaming dalawa ni Yanna sa may pinto. Nando'n si Jappa, tinatawag ako. Nag-ehem-ehem sina Yanna at Luis na para bang tinutukso ako, pero pinatigil ko sila. Lumabas ako at saka pinalo si Jappa sa may balikat. "O, bakit?"

"Wala kaming teacher."

"Kami rin naman."

"Kaya nga kita pinuntahan," sagot niya. "'Musta?"

"Pumunta ka rito para kumustahin ako?"

"Natural, hindi." Tinaas niya 'yong gitara at saka niya ako kinindatan. "Jam tayo."

Umupo kami do'n sa may tapat ng pinto ng section namin. Tinatawag ko sina Yanna at Luis, pero nagsa-sign lang sila ng puso, pinapahiwatig na Sige na, kayo na lang.

Mga loka-loka.

Napabalik ako ng tingin sa kanya nang ini-strum niya ang gitara. "Anong trip mong kanta?"

"'Hiling'!" suhestiyon ko.

"'Hiling' ulit?"

"Gano'n talaga. Panama lang."

Tumugtog siya at kumanta ako nang may pangingirot pero nakangiti. Siguro naubos na 'yong luha ko kakaiyak no'ng mga nakaraang linggo. Nagsawa na rin 'yong mga mata ko.

Pagkatapos ng kanta, natahimik na lang ako. Tiningnan ako ni Jappa tapos nag-strum siya nang malakas para marinig ko. "Gusto mo 'yong masayang kanta naman?"

"Wala ng gano'n ngayon."

"Grabe naman. Meron."

"Tulad ng?"

Tapos bigla siyang tumugtog at kumanta. "When . . . I . . . see . . . your . . . smile . . . tears run down my face—"

Pinalo ko 'yong gitara niya at pinatigil siya. "Anong masaya diyan?"

This Is Not a Love StoryWhere stories live. Discover now