Akala ko... kasama kita. Akala ko andito ka. Akala ko kinuha ko yung kamay mo para tulungan akong umahon pero hindi naman pala. Sabi ko sa sarili ko kasama kita eh, yun din yung sinabi mo nung tinanong kita. Akala ko kaya ko mag-isa. Akala ko iniwan mo ako pero ako naman pala yung tumulak sayo palayo.Andon na eh, nakita ko na. Nakita ko na yung mga kamay mong hihilain sana ako pataas pero hindi ko tinanggap..umahon ako mag-isa. Umahon ako mag-isa at hinanap kita, tinanong kita, 'bakit hindi kita kasama?' at ang sagot mo ay, 'andon ka'. Andon ka sa mga panahon na nahihirapan ako, andon ka sa mga panahon na umiiyak ako, andon ka sa mga panahon na lumulubog ulit ako pero binalewala kita.
Kasi, akala ko kasama kita pero hindi, ako lang mag-isa. Ah! oonga pala nakita kita, pero sabi ko, "dyan ka lang." Akala ko kasi sapat na yung binabantayan mo ako pero mali pala. Sabi ko, 'dapat tinanggap ko.'. Nagsisi ako, umiyak ako.. kasalanan ko. Pero sinabi mo ulit saakin, 'andito pa rin ako, naghihintay sayo'.
---
Kinausap nya ako na parang sinasabi nyang tanggapin ko lang ang kamay nya at mawawala na ang akala... AKALA sa isip at puso ko na umahon akong mag-isa. Kasi andon lang sya, inaantay ako, binabantayan ako.. inaantay ang mga salita kong, 'paumanhin po panginoon ko'.