* Akesha's pov *
Sinu ba sila yang ang tumatakbo sa isipan ko simula nung nagpakita sila sa bahay ko nung kahapon ano ba talaga sila oo aaminin ko mga demonyo yung mga iyon pero ang hindi ko lang alam ay kung bakit nila tinutukoy sa sarili nilang embodiment ng anu?.
Base sa pagkakaalala ko ay may kanya kanya silang embodiment, wait baka kung niresearch ko yung embodiment na yun ay baka mahanap ko kung anu ba talaga yun.
Kaya agad kong kinuha yung laptop. ko atsaka ko niresearch yun, ok start tayo kay khrollo ba yung pangalan nung lalaking tumatawag sa akin na ' mahal ko ' anu na ba yung embodiment niya... ay oo nga pala embodiment niya pala ay Pride. So start tayo kay pride. Medyo interesting kasi yung sa kanya.
- sabi dito
si khrollo ang leader ng the seven deadly sins, siya din ang embodiment of Pride base sa impormasyong na nakalap ko tungkol sa kanya ay isa daw siyang dating anghel or should i say archangel. Ang archangel ang pinakmataas na uri ng angel sa boung kalangitan siya ang pinaka- paboritong anak o anghel ng ama nila or si god, pero lahat ng yan nagbago ng nilikha ni god yung mga tao, ayaw irespeto at igalang ni khrollo yung mga tao at iniisip niya na mababang uri lang sila at walang kwenta, saka niya napag-isipan na gusto niyang maging kagaya ng kanyang ama gusto niya na tingalain at sambahin din siya kagaya ng kanyang ama, pero bago pa man niya magawa yung binabalak niya ay naitapon na siya ng kanyang ama sa impeyerno at naging kauna-unahang prinsipe ng demonyo at kauna-unahang kasalanan na nabuo na ginawa ng isang anghel. -.Yan yung nakalap kong impormasyon tungkol sa kanya sinammarize ko na lang at kinuha na lang yung importanteng bahagi nung impormasyon tungkol sa kanya. Ok so kay Axcer naman tayo.
- si Axcer naman ang ikalawang prinsipe na impeyerno siya ang embodiment of Gluttony, ayun sa impormasyong nakalap ko tungkol sa kanya ay isa siyang demonyo ng katakawan or Glutton. At kilalang kilala na siya noon pa man wala pa daw si jesus christ ay meron na si Axcer, at sinasamba na siya ng mga tao. At isa siyang duke ng impeyerno noon pa man. -
Yan lang yung nahanap at nasammarize kong impormasyon tungkol sa kanya. Maikli lang pero okay na yan kaysa wala diba. Ok kay Lyric naman tayo.
- si Lyric ang embodiment of Lust at ayun sa impormasyong nakalap ko, si Lyric ay may dalawang anyo at yun ay yung anyong tao na nakita ko kahapon at yung isa pang anyo niya na ayukong makita. Yung isa daw na anyo niya ay may tatlo siyang ulo, isang ulo ng tao, isang ulo ng kambing at isang ulo ng kabayo. Base din sa impormasyong nahanap ko ay isa din siyang dating reyna ng impeyerno at pinuno ng libo-libong demonyo. Ang pagkakaalam ko ay umibig nasiya noong ng isang lalaking tao, na ang pangalan ay Sandeo anak ni Panqui. Ayun sa nakalap kong impormasyon ay may pitong asawa si sandeo at nung gabing dapat na iconsummate na nila yung kasal ay nagawang patayin ni Lyric yung pitong asawa ni Sandeo dahil sa labis na pagmamahal niya kay Sandeo, at sabi pa dito na tubig ang kahinaan ni Lyric. -
Yan yun nakalap kong impormasyon kaya Lyric, infernes hindi ko aakalaing nainlove na pala siya sa isang tao noon. Oh siya tama na yan kay Faustian naman tayo.
- si Faustian naman ang embodiment of Warth medyo kaunti lang ang impormasyon tungkol sa kanya at yung isa ngang impormasyon na nakalap ko ay sinasabi nilang si Khrollo at Faustian daw ay iisa, na parang malabong mangyari, sa base sa kaunti impormasyon na nakalap ko kay Faustin ay isa siyang heneral sa mundo ng impeyerno at may hawak siyang 40 batallions ng mga demonyo sa ilalim ng pamumuno niya, at sabi pa dito kung gusto mo malaman ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ay isummon mo lang siya dahil siya daw yung demonyong may alam sa nakaraan, kalasukuyan at hinaharap. -
woah may ganyang klase pala ng demonyo ang cool naman niya, ewan ko ba kung bakit hindi ako natatakot sa kanya niya, kase nung una ko siyang nakita ay ang mellow ng presensya niya, na alam kong hindi niya ako sasaktan. Kaya medyo comportable ako sa kanya, ok kay Verdeo naman tayo, grabe nakakatakot yang lalaking yan, at napaka walang modo niyan nakakainis ang sarap niyang suntukin sa mukha.
- si Verdeo naman ay ang embodiment of Greed, isang makapangyarihang demonyo si Verdeo, ayun sa nakalap kong impormasyon tungkol sa kanya, ay kasama siya ni khrollo na nakipagdigmaan laban sa kalangitan, dati din na anghel or archangel si Verdeo kagaya ni khrollo pero ng mapatalsik si khrollo sa kalangitan ay hindi naputol ang connection ni Verdeo kay khrollo at siya pa ang tumulong kay Khrollo na isagawa ang plano niyang digmaan sa kalangitan, ng nalaman ni god yung ginawang kataksilan ni Verdeo ay ipinatapon din siya nito kagaya kay Khrollo sa impeyerno at naging demonyo siya doon, naging isang makapangyarihang demonyo, at ayun pa sa nakalap kong impormasyon ay siya din ang sumisimbolo sa satanic pentagram, siya yung imahe ng tupang nasa pentagram at siya din ang symbolo ng mga Tyrants, siya din ang dahilan ng kung kaya nabuo ang satanic altar at iba pang bagay na konnektado sa mga demonyo, base pa sa akin impormasyon ay may isa siyang kaibigan na nakakulong sa red zone, yung kaibigan niyang yun ay isang demonyong may iisang pakpak. -
Ewan ko kung saang red zone yan at kung anung pangalan ng kaibigan niya pero isa lang ang masasabi ko, kawawa yung kaibigan niyang nakakulong sa red zone. Ok tama na yan kay Visca naman tayo,.
- si Visca naman ay ang embodiment of Sloth, sabi nila siya daw yung demon of concealment and recognition pero siya din yung demon of discord, at ayun sa nakalap kong impormasyon tungkol sa kanya ay siya ang tamang demonyong kailangan mong lapitan kung gusto mong yumaman, pero sa kabila ng karangyahan na ibibigay niya ay ang pagkasira ng buhay ng isang tao dahil sa labis na kayamanan, at kung gusto mo daw kunin ang blessings niya para maging mayaman ay dapat sambahin mo daw siya sa buwan niya at yun ay ang buwan ng April. -
Yan yung impormasyong nakalap ko tungkol kay Visca wow, kung gusto mong yumaman si Visca lang yung kailangan mo, hmmm.. to be honest cute si visca kahit may paka---- ano batugan siya ang cute niya pa rin. Doon na tayo sa last but not the least na si Marrow.
- si Marrow ay ang embodiment of Envy, ayun sa nakalap kong impormasyon ay Isang Anghel si Marrow noon pa man nilikha siya ni god sabi nila may anyo siyang malaking primate na isda at yung isa naman ay isang malaking dragon na nakatira sa ilalim ng napakalalim na karagatan, may mga ilang pangalan din na kilala siya at isa doon ay ang pangalang kraken,. Malaki ang tiwala ni god kay Marrow, kaya nagagawa ni Marrow ang lahat ng gusto niyang gawin, pero dumating ang isang hindi nakakapaniwalang nangyari nagtaksil si Marrow kay god at tinulongan niya si khrollo at Verdeo sa pagkikidigma laban sa kalangitan at kay god,. -
Hindi ko alam kong pinarusahan nila si Marrow kasi yan lang ang impormasyong nahanap ko tungkol sa kanya.
Ngayon alam ko na kung ano sila maslalong ayaw ko na silang makita pa. Isinara ko na agad yung laptop ko ng matapos kong mahanap yung hinahanap ko,. Hindi ko na namalayan na hapon na pala at hindi pa pala ako umaalis sa kwarto ko simula ng magising ako at maslalong wala pa pala akong kinakain sa boung maghapon dahil sa sobrang fucos ko sa paghahanap ko ng impormasyon tungkol sa kanila. Kaya tumayo ako at naglakad palabas sa kwarto ko papuntang kusina atsaka ako nagluto agad ng pagkain, consists of 2 bowls ng kanin, Spicy chicken curry, Spicy corned beef with egg, spicy Noodles with fried tufo with sceambled egg and 1 petchel of milk with ice cubes. Ng matapos akong magluto ay agad akong kumain, grabe gutom na gutom kaya ako, ng matapos ay hinugasan ko agad yung pinagkainan ko at saka ako nagpunta sa salas para manuod ng t.v ng medyo inaantok na ako ay pinatay ko na yung tv at yung mga ilaw ng buong bahay sinabay ko na din yung pagsara ng mga bintana at mga pinto bago ako bumalik sa kwarto ko para matulog na.
YOU ARE READING
The Seven Prince Of Hell Series 1 [ Prince Of PRIDE ]
ParanormalThere's one foolish girl who was dared to summon a demons without knowing it was actually work.