06-10-20
*
"Balita ko may bagong estudyante ang nakapasok sa Over All?" Tanong ni inay ng makauwi ako galing iskwela.
"Mukhang magkakaproblema ako inay, hindi na ako magtataka kung maagaw ng isa sa kanila ang pwesto ni Nicko." Walang ganang sabi ko.
Nawawalan ako ng lakas ng loob dahil nitong unang exam ay silang dalawa ang nakakuha ng mataas na grado. Hindi na ako magtataka kung mataas rin ang makuha nila sa huling exam para sa first month.
"Nabalitaan ko ring napakataas ng grado nila. Baka magulat ako sa katapusan kapag i-anunsyo ang pangalan ng isa sa kanila na nakatungtong na sa First spot." Napabuntong hininga na sabi ni mama.
Nasa Lobby kami ngayon ng dorm at nag aayos ng mga gamit. Dito na ako dumeretso dahil gusto ko ring tulungan si inay sa pagliligpit.
"Paano na inay kung ganon? Umaasa pa naman si Master na ako ang mangunguna ngayong month." Malungkot na sabi ko habang tinitiklop ang tuwalya.
"Akala ko ba gagawin mo ang lahat? Edi ngayon mo gawin ang lahat." Sabi niya na agad ko namang ikinagana.
Tama si inay! Dapat gawin ko ang lahat kung gusto ko talaga makatapak sa pinakamataas.
"Mukhang may iniisip kang maganda ha! Kanina lang ay nakasimangot ka ngayon naman todo ngiti ka na." Natatawang sabi ni inay.
Magsasalita na sana ako ng may babaeng lumapit sa counter at nagtanong kay inay.
"Aling Tess maari ba akong makahingi ng tissue? Naubusan na ho kasi ako." Nakangiting tanong nito.
Hindi na ako nakagalaw pa ng mapagtanto ko kung sino ang napakagandang babaeng kaharap ni inay.
Hindi niya suot ngayon ang makapal na salamin dahilan para makita ko lalo ang kagandahan niya. Naka-bun lang ang buhok niya at magulo iyon na lalong nagpaganda sa kanya.
"Marion! Sabi ko abutan mo ako ng tissue para kay Melissa!" Sigaw ni inay na nakapagbalik ng huwisyo ko.
"H-ha?! T-tissue?!" Nauutal kong sabi at natatarantang pumunta sa likod para kumuha ng tissue.
Kumuha ako ng isang rolyo ng tissue at bumalik para iabot kay inay.
"Ano ka ba Marion, kanina pa kita inuutusan pero parang wala kang naririnig!" Napapailing na sabi ni inay.
Hindi na ako nakasagot dahil sinabayan ko nalang ng tingin ang kilos ni inay kung pano niya iniabot ang tissue kay Melissa.
"Maraming salamat po, Aling Tess!" Masayang sabi nito at umalis.
Napangiti nalang ako at naupo sa high-chair sa tabi ko.
"Nako! In love na ang anak ko!" Siniko ako ni inay at inasar asar.
"Inay naman!" Reklamo ko.
"Inay mo mukha mo! Umakyat ka na sa kwarto mo at mag pahinga, ako na ang tatapos dito. Mag aral ka dahil dalawang araw nalang at exam niyo na." Sabi nito at tinulak ako palapit sa elevator.
Napapailing naman akong sumakay ro'n at dumeretso sa kwarto. Nag pahinga lang ako saglit bago kumain at nagaral para sa paparating nanamang exam.
*
"Ano kaya sa tingin mo ang grado natin?" Kinakabahang tanong ni Nix.
Nasa library kami ngayon dahil mamaya pang hapon ang susunod naming klase.
"Mag tatanong ka pa! Eh napakatalino mo!" Iritang sabi ni Zyra.
Ang unang naging kaibigan ko sa unibersidad na ito. Zyra Enriqeuz ang Mataray pero may Kabaitan naman sadyang mapili lang siya sa taong kababaitan niya. Matalino si Zyra pero ayaw niyang ayusin ang pagaaral niya, ewan ko ba dito parang tanga. Kung tutuusin kaya nga niyang makapasok sa Over All sadyang ayaw lang niya.
"Epal ka talaga kahit kailan! Ikaw Mar, parang hindi ka kinakabahan jan ah." Lingon sakin ni Nix
"Kinakabahan rin ako pero shempre dapat hindi halata para cool!" Natatawang sabi ko.
"Yuck! Kaylan ka pa naging Cool?!" epal nanaman ni Zyra na umaktong na susuka.
"Parang hindi kita kaibigan ha!" Inis na sabi ko.
"Hoy! Kung mag aaway kayo don kayo sa labas! Library to tandaan niyo!" Sigaw samin ng librarian.
"Sorry po di na mauulit." Nakapiece sign na sabi ni Nix.
Tumahimik nalang kami at nagbasa, maya maya dumating si Nicko. Napaka-gulo ng buhok niya at ang uniform niya ay hindi nakabutones kaya makikita ang black na shirt sa loob. Kahit ganon ang ayos niya hindi mo pa rin maitatangi na gwapo siya.
Lumapit ito sa amin ng makita kami. Naramdaman ko namang napaayos ng upo si Zyra sa tabi ko.
'Nako! Lalandi nanaman ang babaitang ito.' Nang maisip ko iyon ay napailing nalang ako.
"Hey guys!" Bati niya samin at naupo sa tabi ni marion na nakaharap kay Zyra.
Patago kong siniko si Zyra kaya iritado niya akong nilingon. Napangisi nalang ako at nilingon si Nicko.
"Rinig ko mamayang hapon na raw makikita ang Final Grade natin." Sabi ni Nicko.
Kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso lang siya sa pagbabasa ng libro kaya imposibleng nagbibiro siya.
"T-totoo? Akala ko bukas pa?" Kinakabahang tanong ni Zyra.
Kinabahan na rin tuloy ako kaya naptitig nalang ako kay Nicko.
"Mmm.. bukas yata ang pagpapakilala ulit sa Over All." Sabi nito at nag angat ng tingin sakin.
Umiwas naman ako ng tingin para itago ang kaba ko.
"Nalaman kong gusto kang makatungtong ni dad sa pwesto ko." Seryoso niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya.
Sinubukan kong itago ang kaba at gulat na nararamdaman ko ngayon bago magsalita.
"Oo. Bakit?" Seryoso kong sabi.
Tumango tango naman siya. "Wag kang magalala kung gusto mo ang spot na yun ibibigay ko sa 'yo." Sabi niya at kumindat.