21

22.1K 644 12
                                    

"WALA kang karapatang gawin iyon!" naiiyak niyang singhal dito. Tila siya batang halos kaladkarin nito palabas.

"Get in," utos ni Kurt. Hindi pinapansin ang histerya at galit niya.

Hindi tumitinag ang dalaga na kung hindi sa dalawang parehas na marahil ay uuwi na rin ay tiyak na muling sisigaw.

"Dala ko ang kotse ko. At natitiyak kong alam mo iyon!" She gritted her teeth at akmang lalakad patungo sa kotse niya nang hawakan siya ni Kurt sa braso at hilahin.

"Anak ng—" mura nito at sa pagkabigla ni Jade ay binuhat siya at ipinasok sa loob ng pickup at pabagsak na isinara ang pinto.

"What about my car?" halos pasigaw niyang sabi. Nilingon ang sports car niya sa parking area ng disco house. Sa halip na sa kotse niya'y sa segunda mano at mainit na four-wheel drive siya nakasakay.

"May kukuha ng laruan mo bukas." inilabas nito sa parking area ang four-wheel drive.

"Laruan!" bulalas ng dalaga. "Alam mo ba kung magkano ang halaga ng kotseng iyon, ha?"

"Iniisip mong hindi ko alam?" tuloy ito sa pagmaniobra.

Umaasa ang dalaga na anumang sandali'y mababangga ng pickup ang mga nakaparadang sasakyan sa matalim nitong pag-atras-abante at pag-ikot.

Umiingit ang gulong ng sasakyan nang ilabas ni Kurt sa highway.

"Pang-display lang ang sasakyan mo." Lingon nito sandali sa kanya, sabay kambiyo at apak sa clutch. Bumilis sila. "Magaan at totoong mabilis pero hanggang doon lang. Paano mo naman gagamitin ang bilis niyon sa traffic dito sa Pilipinas, aber? It's nothing but a small and expensive luxury car. Sa isang pag-ihip ng hangin ay itataob ka niyon."

"Napakaimpertenente mong tao!" nanggagalaiti niyang singhal. "At bakit pati sa disco ay nakasunod ka sa akin?"

"Ano ba ang dapat gawin ng bodyguard sa palagay mo?" ganting-tanong nito. "Relax na nakaupo sa isang sulok and watch you flirt with your boyfriend sa dis-oras ng gabi? Or to be precise, in the wee hour of the morning..."

"I wasn't flirting at hindi ko boyfriend si Brad..." bumaba ang tinig niya. Parang may bahagyang kasiyahang nadama sa tono ng boses ni Kurt.

Nagseselos ba ito kay Bradley? Ito ang ikalawang pagkakataong paangil nito kung banggitin ang manliligaw niya.

"If you think I like this job, you can think again," lingon sa kanya ni Kurt. "Pero binabayaran ako nang malaki ng tiyuhin mo para bantayan ka. Nangangahulugan iyon na magiging anino mo ako sa lahat ng sandali sa ayaw at gusto mo." Bahagya lang bumaba ang tinig nito at sinulyapan ang side mirror. Dinagdagan ang speed habang pasulyap-sulyap sa rear at side view mirror.

"I am safe with Brad, Kurt..."

"Really? He didn't keep you safe before, did he? Remember you were in his arms nang tangkain kang kidnapin?"

Magagalit sana siya at ipagtatanggol si Bradley nang makita ang mailap na mga mata ng lalaki at pagbilis nila ng takbo. Lumingon siya sa likod. May iilang sasakyang kasunod sila.

"Ikabit mo ang seat belt mo," utos ni Kurt.

"A-are we being followed?" kinakabahan niyang tanong kasabay ng pagmamadaling ikabit ang seat belt.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. "Hindi ko tiyak," kaila nito. Pero natitiyak nitong sila ang sinusundan ng kotseng itim mula pa kanina sa paglabas nila ng disco house.

Kristine 14 - Kapeng Barako At Krema (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon