KENNETH'S POV
Sobrang gaan sa pakiramdam na ngayon ay nasa akin na ulit si Allison at sa ilang beses na may nangyari sa amin ay hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Hindi ko na rin siya hahayaang mapunta ulit kay CJ. Mahal ako ni Allison at ayon ang alas ko laban kay CJ.
Hinayaan ko lang na paikutin kami ng lalakeng iyon pero ngayon ay magbabayad siya sa ginawa niya sa amin ni Allison. Suntok nalang siguro sa buwan na magbago si CJ dahil ang demonyo ay demonyo pa rin hanggang sa huli. Siya man ang unang nakaangkin kay Allison ay wala na akong pakialam pa dun ang mahalaga lang naman ay nasa akin na si Allison at ako ang mahal niya.
Nagpresinta akong ihatid si Allison pauwi ng bahay nila. Tumutol siyang gawin ko iyon pero hindi ako nagpatinag. Wala na akong pakialam pa kung makita man ako ng kuya niyang botong-boto kay CJ o ang Mama niya. Kailangan kong magpakilala ng pormal sa kanila at hindi ako dapat matakot dahil kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Allison.
"Kenneth, kinakabahan talaga ako." Kinakabahang sabi ni Allison nang nasa tapat na kami ng bahay nila.
Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at nginitian siya. "Huwag kang mag-alala, haharapin ko na ang kuya at mama mo. Dahil may nangyari na sa atin ay papanagutan kita. Hindi rin ako makakapayag na makalapit pa ulit sa'yo si CJ." Sabi ko.
Wala naman siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at tumango nalang. Inalalayan ko nang makalabas mula sa kotse ko si Allison at nang makalabas na kami ay kaagad naming nakita si CJ na nasa tapat ng gate na sobrang sama ng tingin sa akin at ang lalaking kahawig ni Allison na sa tingin ko ay ang kuya niyang si Robin na masama rin ang tingin sa akin.
Kaagad silang lumapit sa amin.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit kasama mo 'yung girlfriend ko?" Galit na galit na tanong ni CJ at akmang hihilahin na sana niya si Allison nang bigla namang umiwas si Allison.
"CJ, I'm breaking up with you. I'm sorry." Sabi ni Allison at bigla itong napayuko.
Natigilan naman si CJ sa sinabi niya at umiling na parang hindi makapaniwala.
"Is this some kind of joke? You're breaking up with me? At kasama mo pa talaga ang lalakeng 'yan?" Halos pasigaw na sabi ni CJ na ikinatakot naman ni Allison.
"Ano bang ginagawa mo, Allison? Hindi ka na ba nahihiya sa ginagawa mo? Nasa harapan ka ng boyfriend mo tapos nagsama ka pa ng isang basura at walang silbi? Nakakahiya ka." Sabi naman ni Robin.
Naikwento sa akin ni Allison na magbestfriend talaga noong mga bata palang sila ang Kuya Robin niya at si CJ at botong-boto nga ito para maging boyfriend ni Allison si CJ ganon rin daw ang kanyang ina. She said that her older brother and mother are always controlling her life at hindi niya magawa ang gusto niya dahil sa palagi siyang pinagtutulakan ng mga ito kay CJ.
I thought that my parents are the worst but I'm wrong, mas malala pa pala ang kapatid at ina ni Allison. How can they treat Allison like this?
Hinarap ko naman ang kuya ni Allison na si Robin. He really looks Allison a lot at halatang magkapatid talaga sila.
"Is that how you treat your sister? Anong klaseng kuya ka? Bakit ba pinagpipilitan mo si Allison diyan kay CJ? Allison doesn't love him at hindi ibig sabihin na magbestfriend kayo ni CJ ay pati si Allison ay kailangan mong isakripisyo para dyan sa brotherhood's code niyo." Mariin kong sabi.
Nagulat naman ito sa sinabi ko at tinitigan ako ng masama pagkatapos. "At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Allison is my sister at wala kang pakialam para panghimasukan kami!" Sigaw niya sa akin at dinuro ako.
Hinawakan naman ni Allison nang mahigpit ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Sinabi niyang tumigil na ako sa pagsagot sa kuya niya pero hindi ako nagpatinag. Hindi kailangan ni Allison pag-aksayahan ng panahon ang mga taong katulad nalang ng kuya niya at si CJ. They are controlling her life and she doesn't deserve this kind of treatment. Kung hindi man madepensahan ni Allison ang sarili niya laban sa kanila pwes ako ang gagawa nun para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Their Obsession: Ms. Innocent Seductress
General FictionAllison Lim is a 20-year-old girl who lives with her uncontrollable mother and older brother. Her life was always dictated by them but what will happen if she fell in love with the no.1 bullied and nerd guy named Kenneth Natividad who's secretly obs...