Chapter 1

40 5 0
                                    

Mabuti nalang at maaga ako nagising para sigurado akong on time na makakarating sa school. nagluto nalang ako ng pritong itlog at naghanda na para pumasok siniguro ko muna na dala dala ko ang lahat ng kailangan ko. muntik ko ng makalimutan ang payong na pinahiram sa akin ni kuya kagabi nilagay ko nalang ito sa bag ko para just in case na makita ko siya sa daan. hindi ko alam ang pangalan niya kaya buti nalang tanda ko parin ang itsura niya

naghanap na ako ng masasakyan na jeep at mabuti nalang ay maaga ako nagising dahil medyo traffic ngayon pero nakarating pa rin naman ako ng sakto sa school

pagkapasok ko sa classroom nakita kong magkaharap si lilly at archie habang inaawat sila ni brandon nagsisigawan sila at lahat ng kaklase namin ay nakatingin sakanila

"paano ka nakakasiguro?!" sigaw ni archie kay lilly. 

huminga ng malalim si lilly at tinignan ng diretso si archie "sigurado ako na hindi magagawa ni venice iyon" she said in a calm voice

"oh nandito na pala si venice eh" sigaw ng isa naming kaklase kaya lahat ng atensyon nila ay nalipat sa akin pumunta ako sa puwesto kung saan nagsisigawan sila archie. sinalubong naman ako ni archie na para bang susuntukin ako

"ikaw ba ang may gawa noon?" tanong niya sa akin ng naghahamon. nagtataka naman akong tumitig sakanya. anong pinagsasabi nito?

"huh? ng ano?" i asked him back still confused

"maang maangan ka rin ano?" ngayon handang handa na niya ako suntukin. i still don't understand what he's saying

"ikaw nagpakalat ng chismis na kinupitan ko ang ambagan natin kagabi diba? wag kana mag deny pa venice ikaw lang naman nakakita samin kagabi na nagbibilang ng pera eh,kapal naman ng mukha mo magpakalat ng ganoong balita?"nagulat ako sa sinabi niya. mas makapal ang mukha nito anong karapatan niya na pagbintangan ako ng ganon? may matibay ba siyang ebidensiya?

"how can you be sure that i am the one who spread that rumor?" tanong ko sakanya

"ikaw lang nga lang ang nakita kami na nagbibilang ng pera" gigil na sabi niya

"'yun lang? pinagbintangan mo na agad ako? hindi na tin alam baka may ibang tao ang nandoon o kaya yung mismong kasama mo doon ay siyang nagpakalat ng ganiyang balita, wala kang matibay na ebidensiya, kaya huwag mo ako pagbintangan agad" i said.

bago pa siya makasagot inunahan na siya ni blake "archie, stop it parating na si sir" he said in a calm voice. palipat lipat ang tingin sa amin tinitigan ko siya ng mabuti dahil ang alam ko hindi lang ako ang taong nandoon. nandoon din siya pero hindi iyon alam nila archie. hindi kaya siya ang nagpakalat ng balitang iyon? pero kaibigan niya si archie bakit naman niya sisiraan ang kaibigan niya. teka? kaibigan ba talaga ang turing niya sa mga nakapaligid sakanya?

dumating na si sir at nagsibalikan na kami sa mga upuan namin. umiling iling nalang ako sa naisip ko. ano kaya ang dahilan niya bakit ganoon ang turing niya sa mga kaibigan niya? yung una ay ang babae ngayon naman si archie. hindi ko din talaga mabasa ang iniisip niya napaka unpredictable niya

nagsimulang magdiscuss si sir at after noon pinakolekta na ang homework namin. just what he said yesterday nagbigay nga si sir na topic na ip-present namin bukas hinati niya ang grupo sa lima at group three ako. bawat grupo mayroong anim na miyembro. mabuti nalang ay kagrupo ko sila lilly at brandon at tatlo pang kaklase ko. as usual ako ang leader ng grupo namin. nangako naman at tatlo ko pang kamiyembro na makikipag cooperate daw sila. cut daw ang klase namin bukas at iilang subject lang daw namin ang mapapasukan. tignan nalang daw ang announcement mamaya sa gate dahil doon daw nila iyon ididikit

tapos na ang dalawa pang subject at tumunog na ang bell hudyat ng lunch break. bumili muna kami pagkain bago naghanap ng puwedeng uupuan bigla ko ulit naalala si blake. ako lang ba ang nakakahalata sa kilos niya?. tinignan ko si lilly at brandon na nasa harap ko nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba sakanila yung mga napapansin ko o mag masid pa muna ako. but im pretty sure na si blake ang nagpakalat ng rumor na iyon. hindi ko ugali gumawa ng chismis 

          

tumango tango ako sa naisip ko wala namang masama magtanong eh "guys wala ba kayo napapansin sa kilos ni blake?" medyo pabulong kong sabi baka may makarinig. buti nalang wala pa dito sa canteen si blake at ang mga kaibigan niya. tumigil sila sa pagkain at tila'y nagiisip. lalo pa akong lumapit sakanila para marinig ko ng maayos ang sagot nila

"uhm wala naman, bakit ano ba ang napapansin mo?" tanong ni lilly. sasabihin ko ba sakaniya ang napapansin ko pero nagaalinlangan ako na sabihin dahil baka ako lang nakakaramdam o ano. pero yung kagabi na nakita ko siya gusto ko sabihin pero mayroon sa akin na pumipigil na huwag muna

"wala naman, parang ang weird lang niya" nagkibit balikat ako

"alam mo, parang version two mo yung si blake, ganoon din kasi ang personality mo medyo cold medyo lang naman tapos parehas pa kayong matalino" ngumiti sa akin si lilly. napangiwi ako sa sinabi niya. bakit ba nila sinasabi nila palagi iyan? magkaibang magkaiba kaya kami 

"i think not" i whispered. at tinuloy ko na ang pagkain 

"bagay kayo" sabat naman ni brandon. nabuga ko ang nginunguya kong sandwich. tinignan ko siya ng masama at tumawa lang siya

habang kumakain ako naalala ko na wala pa pala akong tubig. i'm about to stand to buy some water ng may naglapag ng bottled watter sa table namin. tinignan ko ang naglagay non at nanlaki ang mata ko na si blake iyon nalunok ko bigla ang lahat ng sandwich na nginunguya ko kaya nabulunan ako. nagmadaling akong buksan ang binigay ni blake na tubig

naubos ko ang isang bote ng tubig kaya hiningal pa ako ng naubos ko ito "are you alright?" blake asked. nagtaka ako sa pinapakita niyang asal sa akin ngayon so  i looked at his eyes if they were sincere. but i couldn't read his mind 

"yeah i'm alright nabulunan lang ako hindi naman big deal iyon" sabi ko at naupo na tinignan niya kami at aalis na sana siya ng may nakalimutan ako. tinawag ko siya at lumingon naman siya agad

 "thank you" sabi ko at tipid na ngumiti. para kahit papaano magmukha akong sincere

he just nodded and went to their table na hindi kalayuan sa amin nakita ko ang mga kaibigan niya na kakarating lang din. pagharap ko naman nakatingin na sa akin sila lilly at brandon. tinaasan ko sila ng kilay "what? tss ma issue kayo talaga" sabi ko 

tumawa lang sila at ibinaling na rin nila ang atensiyon sa pagkain. buti nalang hindi na sila nangasar pa

tinignan ko ang table nila blake at nakita ko siyang nakatitig sa akin habang may sinasabi sakaniya ang kaibigan niyang babae. yun pa rin ang babaeng natapunan ng tubig kahapon kaklase ko rin siya pero hindi ko alam ang pangalan niya

"ano ba ang pangalan ng babaeng iyon?" tanong ko kay lilly at nginuso ang babaeng umaaligid kay blake dahil medyo nakakaclose na niya ang mga kaklase namin kaya for sure kilala niya na yung babae "ahh iyan? si lorraine ang alam ko may gusto iyan kay blake pero kahit na alam ni blake na may gusto sakniya si lorraine binabalewala niya lang yung feelings ni girl pero ang kuwento daw ni lorraine sa mga kaibigan niya nagpapakita daw ng motibo si blake so ayan hanggang ngayon umaasa pa rin ang kawawang lorraine" umiling iling na sabi ni lilly

hindi pa rin inaalis ni blake ang tingin niya sa akin kaya napatingin na rin si lorraine kung nasaan ang atensyon nitong si blake. tinaasan ako ng kilay ni lorraine at hinawakan niya ang pisngi ni blake para iharap siya sakaniya. natawa ako sa ginawa ni lorraine hindi ako interesado sa crush niya. tumunog na ang bell kaya nagsibalikan na ulit ang lahat sakaniya kaniyang classroom 

lumipas ang oras at ang ilan pang subject medyo mas marami ang pinagawa sa amin ngayon kaysa kahapon. uwian na pero dumiretso muna ako ng library para isauli ako hiniram kong libro paglabas ko ng library nakita ko si blake na pababa ng hagdan. naisip ko ulit yung nangyari kahapon sa restaurant

"blake!"  lumingon naman agad siya sa akin. hindi ko na maitiis ang mga tanong sa isip ko kailangan ko na siyang tanungin 

"bakit mo ginawa iyon?" i asked him but i tried to stay calm

"huh? what are you talking about?" tinaas niya ang kilay niya. deja vu amp parang ganito din ang nangyari kaninang umaga ng pinagbintangan ako ni archie na walang matibay na ebidensiya. bigla ako nagdalawang isip dahil baka hindi naman talaga siya ang may gawa non. pero wala eh nandito na ako tutuloy ko na to

"ikaw ba ang nagkalat ng chismis na iyon? yung tungkol kila archie?" mas pinilit kong maging kalma at para hindi magmukhang pinagbibintangan ko na siya agad

he smirked "tss katulad ka din pala nila, bilis ako husgahan" he sounded disappointed and after that left me all alone in the stairs still confused he didn't answer my question instead he made it even more confusing for me. i sighed and decided na umuwi na

tulala ako habang naglalakad ng biglang may umakbay sa akin agad ako kumalas sa pagkakaakbay at handa ng suntukin ito ng makilala ko kung sino ito "oh easy easy ako to" sabi niya na nakataas pa ang kamay. naalala ko yung payong niya kaya nilabas ko agad aang payong at binigay sakaniya "thank you ulit sa pagpapahiram sa akin" ngiti ko sakaniya. agad naman niya kinuha iyon at nagpatuloy na kami sa paglalakad naalala ko na naman ang nangyari ngayong araw hindi ako napagod sa pagaaral e napagod ako sa mga nangyari

i heavily sighed so this guys looked at me. oo nga pala hindi ko pa alam ang pangalan niya "ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sakaniya pero nakatingin pa rin sa harap 

"ivan" simply answered tumango tango naman ako. ivan what a cool name

"venice" simple din na sabi ko. at nakita kong tumango tango din siya habang naglalakad ng nakapamulsa

"may problema kaba bro?" he asked he looks so worried. wala naman masama kung sasabihin ko sakaniya hindi naman niya kilala si blake

"uhm... ano kasi meron kasing taong nagbibigay problema sa akin, ang weird ng personality niya pinapakita niya na ang bait bait niya sa harap ng tao pero iyon naman pala kabaliktaran ang nararamdaman niya pero may times na sincere siya sa sinasabi't ginagawa niya, and ngayon napagbintangan ako sa bagay na hindi ko naman talaga ginawa pero hindi ko masabi na siya iyong totoong gumawa non" tuloy tuloy kong sinabi hindi ko na nga alam kung naintindihan niya pa iyon eh

"layuan mo ang taong iyan, may kilala din akong ganyan simula noong makilala ko siya sunod sunod na ang mga problemang dumadating sa akin dahil sa mga kagagawan niya, kaya eto ako ngayon" sabi niya halatang may galit pa siya sa taong iyon

"by the way hindi ko tinatanggap ang thankyou lang, kailangan mo ako ilibre para maramdaman ko talagang sincere ka" tinignan ko siya ng nagtataka pero ngumiti lang siya sa akin at pinikit pikit pa ang mata

"tss oo na bukas nalang basta kung kailan ako puwede" sabi ko at nakikita ko na ang apartment ko

"dito ka din ba nakatira?" tanong ko dahil hanggang ngayon nandito pa rin siya sa tabi ko

"ahh oo diyan sa apartment, nalaman ko din na diyan ka din pala tumutuloy" sabi niya 

nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na ako sa loob ng apartment ko muli ko ulit naalala ang mga sinabi niya kanina. kailangan ko na nga layuan siya dahil tuwing naiinvolve ako sakanya nai-stress lang ako at hindi naman siya importante para bigyan ng pansin. kaya tama dapat ko na nga siya layuan para hindi na rin siya maging istorbo sa pag aaral ko. kahit paano may naitulong din ang mga sinabi ni ivan sa akin

bago ako natulog ginawa ko nalang ang presentation namin at buti nalang maayos ang mga members ko kaya natapos namin ito agad at handa na kami bukas. muntik ko ng makalimutan itanong sa mga members ko kung anong oras ang pasok bukas pero hindi na sila online kaya nagtingin tingin ako sa mga kakklase ko kung sino pa ang online alas dose na kaya malamang halos lahat sila ay tulog na. nakita kong online si lorraine kaya siya nalang ang tinanong ko. nalaman ko sakaniya na ala una pa daw ang first subject kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. habang nagbabasa ng libro hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako

Suspicious LoveWhere stories live. Discover now