CHAPTER ELEVEN
Rulebreakers--
Lumipas ang isang linggo at tuluyang nakapag-adjust si Jungkook sa academy. Nasasanay na rin siya sa mga estudyante na kung makatingin sa kanila ay parang tinutunaw sila tuwing nadadaanan nila ang mga ito. Sa loob din ng isang linggo ay mas nakilala niya nang lubusan ang mga kaibigan niya na talaga namang kinatuwa niya.
Paminsan-minsan ay naiisip niya ang Asteria at kung ano na ang kalagayan nito. Kung wala bang nasaktan noong magsimula ang gulo sa mundo nila, kung maayos na ba ang lahat at kung kailan siya makakabalik.
Pero alam niya namang tanging si Goddess Alenara lang ang nakakaalam kung kailan siya maaaring makabalik sa mundo nila. Kaya sa ngayon ay ine-enjoy niya na lang ang pansamantalang pananatili niya sa mundo ng mga tao.
"Jungkook, mabuti pa sigurong sumuko ka na kung ayaw mong masaktan." seryosong ani Jimin habang nakatitig sa mga mata ni Jungkook.
Nagpahalumbaba naman ito saka ngumisi at mas nilapit ang mukha niya kay Jimin.
"Dream on." mapanghamong tugon ni Jungkook dahilan para mapataas ang kilay ng kaibigan niya. "Mas lalo akong masasaktan kung hahayaan kong manalo ka rito."
Nakapalibot sila ngayon sa isang mesa sa cafeteria kung saan madalas silang umuupo tuwing lunch. Kung tutuusin ay parang naka-reserve na ang spot na ito para sa kanila dahil kahit pa napupuno na ang cafeteria, wala man lang naglalakas-loob na umupo sa usual seat nila.
"Sumuko ka na, Jeon." pag-uulit ni Jimin pero umiling lang si Jungkook at nagmatigas.
"Wala 'yan sa bokabularyo ko, Park."
Napasapo sa noo si Hoseok habang papalit-palit ng tingin sa dalawa. Si Jin, Namjoon, Yoongi at Taehyung ay tahimik lang na pinapanood sila.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang mag-staring contest para lang sa french fries. Kayang kaya kitang bilhan ng isang bucket niyan, Kookie."
Saglit na tinapat ni Jungkook ang kamay niya kay Hoseok nang hindi inaalis ang tingin kay Jimin.
"Walang challenge, walang thrill. Hayaan mong si Jimin na ang bumili ng isang bucket para sa akin, Hobi." pang-aasar pa ni Jungkook na natawa matapos makitng hindi na maipinta ang mukha ni Jimin.
"Asa ka, Jeon. Ikaw ang bibili ng isang bucket para sa akin."
Mapaglarong ngumiti si Jungkook at bumulong para sila lang ni Jimin ang makakarinig. "Or si Yoongi na lang ang ibigay ko?"
Napaawang ang bibig ni Jimin at napakurap. Huli na nang ma-realize niyang nanalo na si Jungkook at naisahan siya nito.
"Yah, you cheated!" nakasimangot na wika ni Jimin at ngumuso.
Agad na tinaas ni Jungkook ang mga kamay niya at dumipensa. "I didn't do anything!"
"Just give him his bucket of fries, Chim." nakangiwing ani Taehyung. Nakakrus ang mga braso nito at tila nasanay na siya sa ganitong eksena.
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...