VLADIMIR'S POV
Ngayong okay na si Mommy ay nagpaalam ako dahil may pupuntahan ako, nandito pa rin si Mommy sa hospital dahil nagpapagaling pa siya ng kanyang sugat sa likod, Oo sa likod siya nabaril kasi nakatalikod siya nun.
Pagkalabas ko sa hospital ay dumeretso agad ako sa parking lot dahil excited na ako dahil importante ang lalakarin ko.
Habang nasa byahe ay iniimagine ko ang mangyayari at magiging reaksyon niya kapag dinala ko siya doon.
Nang makarating sa bahay ay dumeretso agad ako sa banyo kasi maliligo na ako.
Hinubad ko ang damit ko tsaka pumunta sa lababo para magsipilyo. Pagkatapos kong magsipilyo ay tuluyan ko nang hinubad ang shorts ko at naiwan ang boxers ko, pumunta ako sa bathtub at naligo, nang matapos ay pumili ako ng maisusuot.
Nang makapili ay isinuot ko na ito, nagpabango ako ng mamahalin kong pabango, para ko na ring inubos ang pabango ko dahil ang buong kwarto ay napuno ng pabango ko.
Pagkatapos ay bumaba na ako sa baba para sana umalis na, pero pinigilan ako ni Ate.
"Where are you going??" agad na bungad niya sa akin.
"Oo nga, saan ka pupunta??" tanong rin ni Kuya.
"None of your business," si Kuya ang kausap ko.
"Wag mong sabihing si Olga ang pupuntahan mo??" agad na namang anas niya.
Naiirita na ako.
"What if yes, may magagawa ka ba??" sarkastiko ang pagkakasabi ko, hindi ko na kasi napigilan ang aking sarili.
"Saan kayo pupunta??" tanong niya.
"Tss,"
"Answer me!"
"Wala ka na dun."
"Bakit ba ganyan kayo??" saad ni Ate.
Ngumisi lang ako sa kanya. "Mauunaa na ako." pagpapaalam ko.
Bumaling naman ako kay Kuya tsaka nakakalokong ngumisi, tapos tsaka na ako dumeretso sa garahian para kunin ang kotse ko, nang makasakay ay pinaharorot ko agad papunta sa bahay nila. Hindi niya alam na pupuntahan ko siya dito.
Ni hindi nga niya alam na may plano akong yayain siya. Bumaba na ako sa kotse ko tapos kinakabahang nag doorbell. Nakailang doorbell na ako pero hindi pa rin siya lumabas, kinabahan ako kaya pumasok na ako.
Nang makapasok ako ay nakita ko ang pinggang hindi pa nakaligpit, nandoon lamang iyon sa lamesa, at napangiti naman ako dahil sa tugtog na narinig ko. Nangiti ko itong sinabayan.
🎵🎶"Batid kong mahal kita, ngunit takot naman ang puso ko. Baka masaktan lang, sa tulad mo. Kung magmamahal sayo, sana bawat pagmasdan mo'y ako, habang buhay, ang pinipintig ng puso mo'y akooo."🎶🎵
Habang sumasabay sa kanta ay nakapikit ako at iniisip na kung bakit niya yun pinapatugtog.
Baka para maalala ka niya Vladimir, pero bakit?? Kaibigan ka lang niya diba?? Ewan ko, naguguluhan ako.
Umupo ako sa sofa niya at nakapandikwatro na pambabae. Bumuntong hininga ako kasi sasabayan ko naman sana ang kanta pero may nakita akong lumabas sa bathroom, at ang iniluwa no'n si Olga na nakatakip ng tuwalya ang katawan, nakagat ko naman ang labi ko ng makita ang dibdib niya, nakatakip yun ng tuwalya.
"Ayy butiking palaka na may kalamansi!!" gulat na anas niya, natawa naman ako sa expression niya kapag nagugulat.
"Tang ina, anong ginagawa mo dito?!" galit na dagdag niya.
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT (Season 1)
Romance"I'm not forcing you to like me, but please let me love you the way you deserve."- VLADIMIR