Truth behind"If you do this, then I'll come with you baby." Natigilan ako at bumalik sa wisyo. Nanghina ako at naramdaman iyon ni Alonzo kaya mas lalong hinigpitan niya ang yakap. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano kalamig ang panggabihang dagat.
"Baby you're cold. Let's get you out of here." Hindi na siya naghintay ng pagsang-ayon at sinalok na ako mula sa malamig na dagat.
Pinaupo niya ako sa shotgun seat at pumunta siya sa likod para kumuha ng tuwalya. Pinunasan niya ang baywang ko pababa. Yumuko rin siya para tanggalin ang stilettos ko saka pinatong ang tuwalya sa balikat ko.
"B-basa ka rin Alonzo. Baka lamigin ka." Hindi siya nagsalita bagkus ay pinasok na niya ako ng tuluyan sa loob ng sasakyan at isinarado ang pintuan ko saka siya umikot. Pumasok siya at pinaharurot na ang sasakyan paalis. Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Parang gusto kong ibigay ang tuwalya sa kaniya dahil basa pa siya at kitang kita ang tumutulong tubig galing sa pantalon niya pero naduduwag ako dahil baka mas lalo siyang magalit. Nagpark siya sa bahay ko at pinatay na ang makina. Nagkatinginan kami pero agad ko ding iniwas ang tingin. Umalis siya sa driver seat at umikot. Sinalok niya ulit ako sabay kuha ng stilettos ko. Maya-maya ay dumating ang sasakyan ko at mukhang pinagdrive ito sa body guard niya. Nang nakapark na ay lumabas ang bodyguard at inabot ang bag ko. Hinalukay ni Alonzo ang susi para buksan ang gate at bahay gamit ang isang kamay dahil ang isa ay nakasalok sa akin na parang bata. Tiningnan ko si Alonzo at mukhang di naman siya nabibigatan sa akin.
"Take a shower. Maghahanda ako ng dinner." Tumango ako at pumasok na sa kwarto. Siya naman ay dumiretso sa kusina. Kung paano niya nalaman na hindi pa ako kumakain ay hindi ko rin alam. Nang natapos ay lumabas na ako. Nakasuot ako ng silk pajama at ang pares rin nitong sleeveless na ganoon rin ang tela. Tumingin siya akin saglit at pinagpatuloy ang pagluluto.
"May extra shirt ka ba at shorts sa sasakyan mo? Ako na ang tatapos at maghahanda dito. Maligo ka na lang sa kwarto ko at baka magkasakit ka pa." Tumango naman siya at ginawa na ang sinabi ko. Naghanda naman ako ng pagkain. Nang natapos siya ay umupo na kami at nagsimula nang kumain. Kinuha niya ang kanin at nilagyan ang pinggan ko saka naglagay ng kanya. Siya rin ang naglagay ng ulam sa pinggan ko. Kaya dinampot ko na lang ang pitsel ng tubig at nilagyan ko ang baso niya saka ang baso ko. Tahimik kaming kumain. Natatakot akong magsalita dahil pawang wala naman akong matinong sasabihin.
"Kanin pa?" Tanong ko ng nakita ang paubos na niyang kanin sa pinggan. Tumango naman siya at nilagyan ko ang pinggan niya ng tamang dami lamang. Dinagdagan ko rin ang ulam niya. Lumunok muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Umm... sorry pala kanina. I-I dont know what's got into me that time. Umm... parang nakakahipnotismo kasi ang tubig. Umm... maliligo sana ako." Tumaas naman ang kilay niya sa huli kong sinabi.
"Hmmm... really? In a f*cking dark place maliligo ka? With a bottle of whiskey in your hand? Ano iyon, gagawin mong salbabida?"
"K-kasi..." Nag-isip ako ng palusot but my mind is a blank. At sa tingin niya mukhang alam niya kung kasinungalingan ang sasabihin ko o hindi. Bumunot ako ng malalim na hininga.
"I-I saw you... with your secretary... in a bar. I got jealous and... Alonzo, this fiancee thing is fake. Inalok kita ng kasal thinking that you'll be busy in our upcoming wedding at para mapalapit ako sayo. Maybe I can get any information about what happened in the past. I mean... about Mang Pedro. This is all for my revenge."
"I know." Nagulat naman ako at inangat ang nakayukong ulo. He knows? B-but why? How? At ni wala lang sa kanya lahat? Kitang-kita nga sa mukha niya na hindi siya nagulat sa inamin ko.
"I-I also brought a shares in your company. With me as the highest owned stocks. Plano kong pabagsakin ang kompanya niyo."
"So are you successful for bringing the company down?" What? Hindi rin siya nagulat. D-don't say all these times, he knows everything about me? My revenge and all?
BINABASA MO ANG
Revenge of the Filthy Rich (Revenge Series 1)
General FictionLuisa Estrella Feliciano lives her whole life in a peaceful place far from urbanization together with her mother, until one day, her mom got a job in the city. Leaving the rural is not that pretty bad for the both. She can pursue her college and her...