Chapter One: New Chance at Love

191 8 0
                                    

BAGONG simula para kay Antoinette and magtrabaho bilang isang receptionist sa hotel na pagmamay-ari ng mayaman na angkan ng artistang si Philip. Maayos naman ang lahat, nag-eenjoy siya sa trabaho niya. Hanggang sa isang araw ay nagsimula siyang makatanggap ng mga love letters na may kasamang mga tsokolate sa front desk. Dumarating iyon araw-araw, at ang pagkakakilanlan ng kaniyang masugid na tagahanga ay nanatiling misteryo.

Ang tanging clue niya lang sa pagkatao nito ay ang tatlong numero na nakasulat sa dulo ng bawat letter. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may kinalaman rin kay Antoinette ang mga numero. The same numbers she ignored before because it was silly then, now she can only regret and hope that she hadn't  accepted and reciprocated it.

"So, kilala mo na ba kung sino ang mysterious admirer mo?" tanong ng kapwa receptionist niyang si Ally.

Umiling lamang si Antoinette. She had a hint, but it was impossible. She even mocked herself for thinking so. She smirked at her own foolishness.

"Si Philip!" Halos magtatatalon si Ally pagkakita sa artista na papasok sa hotel. Nakapalibot dito ang ilang alalay at security.

She saw him too but chose to stay still. Hindi rin niya pinagkaabalahang tingnan ang guwapong binata na pinapantasya ng marami. Hindi man siya diretsahang nakatingin, batid niyang papalapit si Philip sa kanila hanggang sa tumigil ito sa mismong harapan niya.

"Hi." This was not the first time she heard his voice, but every single time he never failed to shake her ground.

Napilitang mag-angat nang paningin si Antoinette at nakipagtitigan dito. It was too late to look away, his eyes already held hers captive. "G-good morning, Mr. Montreal-"

"Philip. I'm not your boss, my brother is." Walang ngiti nitong sambit. "If you will please follow me." Sumenyas ito paturo sa elevator.

Napatingin si Antoinette kay Ally na maluwang namang nakangisi,'di mahinto sa katatango. Huminga siya nang malalim at marahang pinakawalan. Sumunod siya paghakbang kay Philip hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa elevator.

Akmang papasok ang mga alalay nito nang magsalita si Philip. "Cancel my schedule for today and go home."

"Pero Philip-" agaw ng isa sa mga babaeng PA nito pero tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator.

Antoinette's heartbeat went above its normal speed. She leaned on the cold temperature of the elevator wall to stop her legs from shaking. Bakit ba siya kinakabahan? At bakit siya pinasunod ni Philip dito? Saan siya nito dadalhin? Mga katanungan sa sarili na lalong nagpakaba kay Antoinette.

"Hi Toni." Philip greeted. Nakatalikod man, ramdam naman ni Antoinette ang tensiyon sa pangalang binanggit nito. Pakiramdam niya'y sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang lakas nang pagkabog niyon.

Humarap si Philip sa kanya. "1-4-3." He uttered.

Antoinette's eyes grew bigger. Tutok ang mga iyon sa gwapong mukha ng kaharap. Hindi makapaniwala.

Philip smiled. "Oh, you remembered." Then a small laughter escaped his throat.

Antoinette wished for the elevator to open. Nahihirapan siyang huminga nang maayos sa harap ng lalaking kasama.

"Toni, long time no see. This time I will not let you run away from me."

Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na sila sa sadyang palapag. Humakbang palabas ng elevator si Philip hila-hila siya sa kamay.

"T-teka lang, saan mo ba ako dadalhin?"

Tumigil si Philip sa paghakbang at humarap sa kanya. "Magpapakasal."

Kung posible lamang humiwalay ang kaluluwa ng tao sa kanilang katawan sa tuwing magugulat sila, nangyari na siguro iyon sa kanya. Pagtitig lamang ang naitugon niya kay Philip.

"After so many years, don't you think an answer should be given by now?" Matamis na ngiti nito.

She was still recollecting herself, confused by his actions and words. What does he want from me? Patuloy na tanong ni Antoinette sa sarili.

"Come on, you owe me an answer." Nilapitan siya nito, pati mukha ay ipinantay sa kanya habang ang mga kamay ay isinandig sa dingding, nakulong tuloy siya sa mga braso nito. She liked the scent of mint toothpaste in his breath. She looked away to avoid his gaze.

"Sabi mo kapag successful na ako sa pinili kong career sasagutin mo na ako. After eight long years since you dumped me in high school, I strived hard to get to where I am now. Here I am, Toni..." humaplos ang daliri nito sa kanyang pisngi. Napaigtad siya, "I am ready to take you."

"TONI! 1-4-3!" yelled a sixteen-year-old tall skinny boy in glasses.

Naasar si Antoinette, sa tuwing dadaan siya sa klase ni Philip, isinisigaw nito iyon. She had it. Kaya naman hinila niya ito minsan sa isang sulok at kinausap. "Tigilan mo na ako, puwede? Sinabi ko nang hindi pa ako handa sa isang relasyon. Hindi ako mayaman katulad mo na may oras makipaglaro."

Sumeryoso ang reaksiyon ni Philip. "Kailan ka magiging handa?"

Antoinette said the words she uttered just to make him stop bothering her. "Kapag naging successful ka na, sasagutin ko ang 1-4-3 mo." Ang binatilyo ang unang pumukaw sa kanyang damdamin, ngunit wala siyang panahon sa pag-ibig.

That was eight years ago, now he was standing so tall and successful in front of her. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Akala niya'y tuluyan na siya nitong tinigilan. She still thinks she made the right decision to have turn away from him, but a part of her wanted to go back and wished she had told him to wait for her. Hindi niya akalaing narito nga ito ngayon at muling hinihingi ang kasagutan sa kanyang mga numero.

"S-seryoso ka? Her heart was hoping, praying that it was all real.

He cupped her face. Their gazes locked. Their hearts start beating at the same time-fast and loud and almost deafening.

"Just say the words." His thumb gently wiped her tears away.

Tumango siya. "O-oo. 1-4-3 rin. Kahit noon pa'y mahal na kita. Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon."

"Ok lang 'yon. Natagpuan naman kita ulit. I still love you, Antoinette."

"I still love you, too, Philip."

e-LOVE-atorWhere stories live. Discover now