Chapter Three: Second Chance

75 6 0
                                    

TATLONG buwan nang hiwalay ang hotel manager na si Fritz sa kanyang boyfriend ngunit heto siya't tuliro pa rin. Napabalik siya sa reyalidad nang huminto ang elevator na kanyang sinasakyan at bumukas. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ang gwapong ngiti ni Loyd, ang babaerong best friend ng kanilang CEO na si Sir Chase. Madalas itong bumisita at manggulo sa opisina ng kaibigan nito.

Patagilid siyang pinasadahan ng tingin ni Loyd. His eyes hinted something playfully. Pakiramdam niya'y uminit sa loob ng elevator nang magsara iyon. Napakapit si Fritz nang mahigpit sa folder na hawak nang biglang pindutin ni Loyd ang emergency button ng elevator, bigla iyong huminto.

Hinarap siya ni Loyd na may ngiting delikado para sa kaniyang 'di pa magaling na puso. "So, single ka na pala. May chance na ba ako sa 'yo? Can I be the man to make you happy now?"

Sa halip na sagot, 'di napigilan ni Fritz ang pag-igkas ng palad at dumapo iyon sa pisngi ng kaharap. "Ay! Sorry. My hand slipped." Ikinaway pa niya ang kamay rito.

"Aray! Ba't mo 'ko sinampal?" Kunot ng noo nito.

"Ayaw kasi ng kamay ko sa babaero." Tinaasan niya ito ng kilay.

"Babaero? Paanong nalaman ng kamay mo na babaero ako e hindi pa naman kami nagde-date?"

Umirap lang si Fritz. "Start the elevator, please?" May diin sa huli niyang salita.

"Not until I forgive your hand." Iniharang ni Loyd ang katawan sa pindutan.

"Seriously? You really need to grow up." Lalo pang nainis si Fritz. Others may like to be

stuck with this guy but not her. She may have swoon to his good looks but that ended when she found out he was a playboy.

"Mas matangkad na ako sa 'yo, hindi ko na kailangang lumaki uli." Kumindat pa ito.

She rolled her eyes. The nerve! Sinubukan niya itong hawiin para mapindot ang button ng elevator pero hinuli nito ang kanyang kamay.

"Ba't ba ang sungit mo sa 'kin?"

"Bitiwan mo nga ako." She pulled her hand back.

"Hey, relax." He let her go.

"Please let the elevator go." She said softly. Bigla ay nawalan siya ng lakas. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Nasapo niya ang noo.

"Hey, you alright?" Agad naman itong umalalay sa kanya.

"B-bitawan mo ako." Nanghihinang itinulak niya ito ngunit unti-unti nang nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa panawan na siya ng ulirat.

NAPABALIKWAS ng bangon si Fritz. Akma siyang tatayo nang may pumigil sa kanya. "Hey, dahan-dahan lang," sabi ng pamilyar na tinig.

"L-Loyd?" she called, then looked around her. "Ba't nasa ospital ko?"

"You lost consciousness; don't you remember? May masakit ba sa 'yo?" He felt her forehead using the back of his palm, "buti naman at bumaba na ang lagnat mo. Sabi ng nurse na tumingin sa 'yo, fatigue at puyat ka raw, idagdag pa ang lagnat mo kaya ka nawalan ng malay." Sa malumanay nitong tinig na ngayon lang niya narinig.

"Okay lang ako." Tinapik niya ang kamay nito. "Don't touch me."

Nagpakawala ito nang malalim na hininga saka siya tinitigan, iyong matiim na animo sumusuot sa kanyang kaloob-looban.

"W-what?" There again, his unnerving look that makes her weak.

"Ingatan mo naman ang sarili mo. Kaya hindi ko matigilan ang kaaabala kay Chase dahil

pinapagod ka niya sa mga trabaho rito sa hotel. It's been three years since you were here, take a break, Fritz, you deserve it."

This time Fritz looked straight back at him, looking for sincerity in his intention. "Y-you've been stalking me?" muli niyang diniinan ang mga salita.

"Stalking? Nanlaki ang mga mata nito bago suminghal. "You're unbelievable. Walang tatalo sa katarayan mo, 'no?"

Umirap lamang si Fritz.

"Concern lang ako. Isa pa, hindi lang ako ang bias sa atin, Fritz. Just because your ex cheated on you does not mean that all men are just like him. Marami nga akong nakarelasyon pero hindi ko sila pinagsabay-sabay. I kept moving on in search for the right one." Loyd breathed a sigh. "And if you must know, I have been single

for three years, three months and for three days. Idadagdag ko pa sana ang three hours kaya lang magmumukha na akong sinungaling." He winced.

Fritz did not know how to react. Nakaupo ito sa stool na nasa tabi ng hospital bed paharap sa kanya. She had been hurt though just once since her ex was her first boyfriend, the three years she spent loving him only brought her pain. Hindi niya alam kung kakayanin niyang muling masaktan kapag umibig siyang muli.

"It was hard watching you with your ex, you know?" Loyd smirked.

Siya naman ang napakunot ng noo.

"Kapag nakikita kitang malungkot o umiiyak dahil sa kanya, hindi mo alam kung gaano ko kagustong lapitan ka't yakapin. Gusto kong sabihin na ok lang dahil nandito naman ako na mahal ka. Those beautiful lips of yours deserve to smile. Baka magalit ka na naman sa sasabihin ko pero Fritz, masaya ako dahil wala na kayo."

Lumamlam ang pagtitig nito.

The lump that was building in her throat almost choke her, so she let her sob go. Her eyes swelled in tears and rolled down her cheeks. Bakit ganoon na lang nitong natibag ang pader na iniharang niya rito?

"Give yourself a chance to be loved wholeheartedly. Bigyan mo rin ako ng chance na patunayan sa 'yo na seryoso ako dahil totoong mahal kita. Pero kung hindi ka pa rin handa, hindi ako mapapagod na muli pang maghintay. How about three years? Three months? Pero kung akong masusunod, pwedeng three hours mo na lang akong paghintayin?" Matamis nitong ngiti.

Fritz could not help but smile. Siguro nga tama ito. She breathed out a deep sigh. Susubukan niya. To have a new love may not be so bad.

"I love you." Hinawakan ni Loyd ang isa niyang kamay at hinaplos-haplos.

"Wala pang tatlong oras, 'no?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Ah!" he laughed happily. "Oo nga pala, sana pala inisang segundo ko na lang."

Nakitawa na rin si Fritz.

e-LOVE-atorWhere stories live. Discover now