Chapter 16

21 8 0
                                    

Hidden Agenda

Dev.

Tatlong araw na ang lumipas simula nang itago ko ang Astray Map, at hindi ko pa rin sinasabi ito kay Deilan lalo na kay Reighn dahil siguradong papaluin niya ako ng libro sa ulo.

Biyernes na bukas, walang pasok dahil hanggang Thursday lang ang klase dito sa school. Pinaniniwalaan kasi ng mga Magi na banal na araw ang biyernes, at dapat ay araw ito ng pahinga. Mahalaga daw ang meditation sa mga Magic Folk

Napagdesisyunan ko na sabihin kay Deilan ang tungkol sa Mapa. Dahil simula nang itago ko ito ay hindi ko na ulit ito binuksan o tinignan.

Nakaupo kami ni Deilan sa damuhan sa ilalim ng oak tree sa open field ng school gaya ng ibang estudyante na wala ng klase at piniling tumambay.

"Deilan may sasabihin ako sayo." Seryoso kong sabi. Napatigil naman siya sa pagbabasa, at napitingin sa akin.

Inagaw ko ang libro niya, "Para kang si Reighn, hindi ko alam kung bakit may hawak kayong libro lagi." Sabi ko.

"Romance novel 'yan hindi katulad ng educational book ni Reighn." Sabi ni Deilan sabay irap.

Napangiwi naman ako.

"So, ano nga yung sasabihin mo?" Tanong niya, at itinago ang libro sa bag.

"Naalala mo ba noong naglinis tayo sa Stock Room?" I asked.

Umiling-iling si Deilan, "Hindi ko malilimutan ang araw na 'yon! Nabinat yung mga muscles ko! Feeling ko nga lumaki sila! Nakakadiri." Sabi niya.

"Buti naman naalala mo." Sabi ko, at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kung paano ko hinabol ang mapa, at kung ano ang mga natuklasan ko doon.

"Nabasa ko ang tungkol dyan." Sabi ng isang boses sa likod namin. It was Reighn.

Nasapok ko na lang ang mukha ko bago niya pa ako paluin ng libro sa ulo.

"Astray map." Sabi niya. Umupo siya sa tabi namin, "Ligaw na mapa 'yon, at pahihirapan niya ang isang tao na mahuli siya. Pero pag nahuli na ito ng tao na yon ito na ang may-ari sa kanya. Para itong alipin na susunod lang sa amo na nakahuli sa kanya. Mawawalan lang ng amo ang mapa kapag namatay na ang may-ari, at maghahanap ng panibagong amo. Sabi pa nila yan ang binansagang Map of Heart dahil itinuturo nito ang bagay na kailangan mong hanapin."

"Hindi mo ba ako papaluin ng libro sa ulo?" Tanong ko kay Reighn.

"Gagawin ko pa lang." Nakangiti niyang sabi bago pinalo ng makapal na libro ang ulo ko. "Hindi mo dapat kinuha, at itinago yon!"

"Ako na ang amo nito dahil nahuli ko siya. It's mine now." Sabi ko.

Kinuha ko sa bag ang Astray Map, at binuksan.

Agad na lumabas dito ang Mapa ng School.

Itinuro ko ang unang sikretong lagusan papunta sa kwarto ni Professor Alliston.

"Gusto ko 'tong puntahan, pakiramdam ko may nangyayaring mali dito." Sabi ko.

Napatingin sila sa akin bago sila nagtinginan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wizcon Institute Of WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon