Kabanata 3

5 0 0
                                    

Friendship

Mabuti na lang at nakapunta na ako sa aking kwarto ng matiwasay. After what I said kay kuya di na siya umimik. Ramdam niya siguro ang pagka-inis ko at siguro iniisip niya na siya yung asshole na tinutukoy ko. Ang di niya alam ang kaibigan niyang mokong 'yon.

I remembered Marcus face, though. Alam kong alam niya na siya ang pinapatamaan ko sa sinabi kong 'yon. May araw din siya sa akin. Di ko naman na dapat siya pinapansin but gustong gusto niya ata ang atensyon ko kaya paglalaanan ko siya.

Dumiretso ako sa aking walk in closet at naghanap ng pamalit na damit. Pinili ko ang isang boyfriend shirt at short para mas kumportable.

After that, I went inside the bathroon na katabing pinto lang ng walk in closet. I started to take a shower and it took me an hour to finished. I always like the feeling of being clean. Ang off kaya kapag ang dumi dumi mo tignan then you smell awful.

I combed my hair while walking outside thw bathroom. I face my dresser with a large mirror on it. Tinignan ko ang aking sarili, sa suot ko ngayon aakalain na walang shorts dahil sa laki at haba ng t-shirt ko. Well, eto naman talaga ang everyday look ko dito sa house.

Tinignan ko ang oras at medyo maaga pa para bumaba para sa dinner. Umakyat ako sa aking kama at binuhay ang TV. Kinonek ko ang aking cellphone doon at nakinig ng music. My go to music app is spotify. Nandoon lahat ng songs na gusto ko. I'm into mellow rnb songs, acoustic too as well. Pero kapag may napakinggan ako na maganda ang beat at lyric ng kanta, nagugustuhan ko na rin.

When I was a kid my mom always enrolled me sa music school. She wants me to enhanced my skills in singing. Nag-mana kasi ako kay Daddy sa hilig kumanta. Sa school noon kapag napapasali ako sa mga contests, singing lagi ang aking talent. Also, pinapakanta din ako nila Mommy kapag may mga okasyon ang pamilya. This is also the reason why I choose Communication Arts as my course, hindi lang dahil may Ad agency kami kundi na rin sa hilig ko sa pagkanta. Pakiramdam ko magagamit ko 'to pag kinakailangan.

Akala nga ni Mommy conservatory of music ang i-take ko but napaisip din kasi ako na ayoko lang magfocus sa music. I want to expand my learning sa side ng communication. I want to help the company in the future.

Narinig ko naman ang phone ko na nagring kaya hininaan ko ang tugtog. It was Gab on the other line.

"Hi" bati niya sa akin.

"Yes, Gab?"

I don't mean to sound uninterested but yun kasi ang lumabas sa bibig ko.

"Ohh not in the mood, huh?"

"Uh. No. Why are you calling, though?"

"Just want to tell you na I'm going with Justin and others sa isang bar along BGC. I won't ask you to come since alam ko naman bad shot ka pa sa kuya mo."

"Party again, Gab? Last night lang nag-party tayo ha?"

While listening to his explanation narinig ko naman na may kumakatok sa aking pintuan. So I stood up and went on my door to check it. Si Jenny yun at pinapababa na ako para kumain. I just wave my hands to her as a sign na susunod na ako.

"Are you listening to me, Ae?"

"Yeah, sorry tinatawag na kasi ako sa baba. Hmm sige if you're going. Ingat na lang"

"Shoot! okay thanks! Love you bye!"

Bago pa ako makapag-salita ay binaba na niya ang tawag. Kibit balikat na lang ako dahil para sa akin wala lang naman 'yon. He's partying again with his friends, its not like na ayaw ko but kapag magkakasama sila alam ko ng may mga kalokohan silang gagawin.

Trapped in LoveWhere stories live. Discover now