CHAPTER ONE:
AGAINST ALL ODDSInsensitive. Coldhearted. Cruel. Spoiled brat. Asshole. Demonyo at kung ano-ano pang mga bansag sa akin.
Yes! That's me. I admit na sobrang gago ko. Alam ko at aminado naman ako sa mga paratang na 'yan ng mga nakakakilala sa akin. Bullshit sila!
Kung black sheep ako sa pamilya ay ganoon rin ako sa school na pinapasukan ko kaya ganoon na lang ako iniiwasan at kinakatakutan sa paaralan na 'to. Wala akong pinipili. Mapa-guro man o kapwa ko estudyante pinapatulan ko. Ginagawa ko ang lahat ng anuman ang naisin ko. Kumbaga laruan silang lahat sa akin.
Siguro ganon naman talaga, 'di ba? Habang bata ka pa, doon mo lahat gagawin ang lahat ng naisin mo. Hindi mo na iisipin kung makakasakit ka ba o makakaapekto ka sa ibang tao. Self-centered ka at wala kang pakialam sa buhay ng iba basta sarili mo lang yung iisipin mo.
Yung tipong kailangang masunod lahat ng gusto ng walang nakikialam sa bawat desisyon mo sa buhay without thinking that it might affect others life just to make you happy and satisfied sa sarili mo.
Halos kilala ako sa buong campus. Hindi dahil matalino ako o dahil sa apelyidong dala ko kung hindi dahil sa katarantaduhan ko. Well perks iyon ng pagkakaroon ko ng apelyido na sunod sa mga kilala sa lugar na ito. Though ayaw ko dito kase mas sanay ako sa city, but all of a sudden nagustuhan ko na rito sa bago kong lungga.
I have a lot of rats na pinaglalaruan ko anytime and anywhere I want inside this campus. Hunt them and eat them alive. Lahat sila tumatakbo at nagtatago sa dilim sa tuwing nakikita nila akong paparating.
Living demon.
Hindi ko alam kung sinong gago ang nagpasimuno ng bansag sa akin na 'yan dahil sa oras na malaman ko kung sino siya. Tinitiyak kong mararanasan niya ang tunay na bagsik ng isang demonyo. Ipararanas ko sa kanya ang impyerno na hinahanap nya.
Kung hindi lang talaga dahil sa shares ng magulang ko, matagal na akong kick out sa school na ito. Pero alam kong hindi nila kayang gawin 'yon dahil isa rin ang namayapa kong lolo ang nagtaguyod ng school na ito kaya ipinangalan ang paaralan na ito sunod sa pangalan ni Lolo at apelyido naming Solomon. Ang Don Felipo Solomon University. Kaya sobrang lakas ng loob kong kalabanin kahit na sino at wala ring naglakas ng loob para banggain ang pangalang John Craig Solomon. Ang apo ng namayapang may-ari ng school na 'to.
Marami nang estudyante sa hallway at kanya-kanyang kwentuhan ang alam kong ito ang sasalubong sa amin ng tropa ko. Sobrang nakakairita ang mga ganitong eksena. Agad akong sumigaw upang manahimik silang lahat.
"Tahimik!" asik ko sa hallway. Agad silang tumahimik. Ang iba ay nagsimula nang pumasok sa kani-kanilang classroom kahit hindi pa oras ng klase marahil natakot baka mapag initan ko at totoo naman 'yon. Subukan nilang humarang-harang sa dinaranan ko at matitikman nila ang bangis ko. Sa isang iglap naging malinis ang buong hallway at wala ni isang estudyante kang makikita sa aking pagdaan.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
General FictionMy mind knows you are in better place, where there is no pain. You are at peace. I understand that, I just wish I could explain that to my heart.