Chapter 1

33 0 0
                                    

SUMMERTIME. Para kay Mylene, isa lang ang ibig sabihin non’. Bakasyon. Dadagsa na naman ang mga tao sa kanilang beach resort. Maraming tao, marami na namang trabaho. Not that she’s complaining. Ang totoo pa nga niyan ay excited siya. Espesyal ang turing niya sa bawat summer na dumadaan.

            Tinanaw niya ang dagat. Nung bata pa siya ay madalas siya doon. Nakikipaghabulan sa mga alon. Naaalala pa niya ang mga halakhak ng kanyang Daddy habang pinapanood siya.

            Bahagya siyang nalungkot nang maalala ang ama. Two years ago nang mamatay ito at iwan silang mag-ina. Kaga-graduate niya lang noon sa kolehiyo at agad na naatang sa kanya ang responsibilidad sa resort. Mahirap man ay tiniis niya. Kaysa naman sa mawala ang tanging pamana ng kanyang Daddy… the only legacy he left.

            Mahalaga sa kanya ang resort dahil doon na siya lumaki at nagkaisip. Dalawampu’t apat na taong gulang na siya at ang bawat bakasyon ng kanyang buhay ay doon sa resort nangyari.

            At kailanman di siya nagsawa.

            The resort is her home.

            It was like a small town. Magkakakilala ang bawat isa. At ang mga turistang dumadayo ang nagbibigay-kulay sa simpleng buhay ng mga taong naroon.

            Mula sa malayo, namataan niya ang pagdating ni William. Ang manager ng resort. Tulad ng dati, late na naman ito.

            “Good morning!” masiglang bati nito sa kanya pagkapasok.

            “Late ka,” aniya dito.

            Kaibigan niya si William, her very best friend.

            Isa itong negosyante na noo’y napiling magbakasyon sa resort limang taon na ang nakararaan. At hanggang ngayon ay nagbabakasyon pa rin. Nagtayo ito ng souvenir shop, as an excuse for staying. Ngunit nang siya na ang namahala sa resort ay inalok niya ditto ang managerial position, which he gladly accepted.

            Since then, ay nagbagong bihis ang resort.

            Ginawang party district ni William ang resort tuwing gabi. At sigurado siya na ito ang dahilan kung bakit ngayon lang dumating ang kaibigan.

            “Kaya ka lang nauna sa akin ay dahil mas maaga mong nilayasan ang party kagabi. Sayang, ang saya-saya pa naman. Hinanap ka nga nila sa akin.” Naupo sa swivel chair si William saka hinila paunta sa kanya.

            “Alam mo namang kararating ko lang galing Maynila. Siyempre, kailangan kong magpahihnga. At saka maraming dapat asikasuhin dito lalo na’t peak season ngayon,” parinig niya.

            Ngunit hindi apektado si William. “Don’t worry, everything is in control,” kampanteng tugon nito. “Wala namang problema kaya tigilan mo na ‘yang pag-aaalala mo na para bang matatapos ang mundo kung hindi ka magtatrabaho.”

            “Hindi naman, ah,” tanggi niya.

            “Sus, kaya pala nagrereklamo sa akin si Tita Shiela na umuuwi ka na lang daw sa bahay niya para matulog. Kung hindi ka dito nagkukulong sa opisina ay lumuluwas ka naman.”

            “Masama ba’yon? Alam mo namang ginagaa ko ‘to para makalikom ng malaking pera para sa dream house ko.”

            “Hala sige, magpakamatay ka para lang sa haunted house na ‘yan.”

            “Haunted house? You call that a haunted house?!” hindi makapaniwalang wika ni Mylene na tumayo at inangat ang Venetian blinds ng bintana.

Beyond BordersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon