Chapter 12

620 16 0
                                    

"So, today...lahat ng napili sa auctions, please step forward and let's have a game!" ani Bev. 'Di ko alam kung intensyon nya talagang paglapitin kami ni Five o baka hanggang ngayon mas gusto pa rin sya rito. Edi sa kanya na, 'di ko na naman na pagmamay-ari yan.

"Kasali kayo don diba?" tanong ni Mia. " Sige na, punta na kayo, nandito lang kami ni Fritz."

Nagtinginan kami nila Vane at Autumn, at pumunta na nga sa harap. Pinagtabi-tabi ni Alyssa ang mga magkakapartner at nasulyapan ko pang nagpaalam si Singko sa babae nya bago pumunta sa tabi ko.



"Give a round of applause naman para sa mga nagdonate ng charitable funds dati!"

Naghiwayan ang mga tao sa tuwa ngunit hindi na katulad dati na sinisigaw pa ang pangalan ng Menace at ibang babae. Hiyaw na nagkakatuwaan na.

Sinenyasan ni Bev ang nasa likod at nagulat kami nang isa isang naglabas ng upuan kada partner at may mga gamit sa gitna.

"Simple lang naman ang gagawin natin. Uupo ang mga lalaki at itatali ang kanilang kamay. Then..."



"the girls will find those items with a blindfold covering their eyes!"

Fuck. Ano na naman ba to. Lumapit si Bev samin at pinaupo na si Singko. Ginagaya ng iba ang ginagawa nya. At tinali nito ang kamay sa likod. Mayroon lang kaming 5 minutes para matapos ang pinapahanap, kung hindi, tanggal na kagad.


Lumapit sya sakin habang pinipiringan ako at binulong ang "Pasalamat ka, MC ako, kundi ako sana ang ka-partner ni Five."

Ano ba 'yan. Hanggang ngayon may gusto pa rin sya sa Five na 'yon? It's been how many years. Patay na patay?

"Shall we start?" tanong nya sa'min. Napansin ko na hindi lahat ay pumunta sa Reunion. Wala kasi si Tres at ang kapartner nito. Si Uno at Dos lang ang nasa harap kasama ng mga kapartner nila. Si Quatro ay nasa pwesto nila kanina, wala siguro syang kapares. Si Vlad at Calixta ay katabi namin ni Singko, at sa kaliw ay sina Vane at Autumn. 



Wala na akong makita sa higpit ng pagkakatali ni Bev. Kahit maliit na butas ay di man lang mahagip ng mata ko. "Ang unang item na tinago ko ay ang... Bracelet!" 

Minsan nakakarindi na ang boses nya kasisigaw pero ang mga tao amas lalong nabubuhayan sa ganoong tono. 

"Kneel" banggit ni Singko. Ha? Kung sinasabi nya na lang kung nasan ang bracelet. 

"Sabihin mo na lang kung nasan!" sigaw ko sa kanya. Di na kami magkaintindihan dahil palakas nang palakas ang sigawan. 

"Just follow my instructions . Now, kneel." madiin nyang sabi. Lumuhod ako at kinapa ang nasa tuhod ko. Ang lapag. Unti-unti kong pinagapang ang kamay ko nang maramdaman ko ang matigas na bagay.

"It's my shoes." sambit nya. "Taas pa." 

Kinapa ko ang binti nya at hinanap ang bracelet kung san nakatago. Lumipat ako sa kabilang binti at nakapa ko na ang parang bulitas.

"Get it."

Hinatak ko ang bracelet at tinaas ito sa ere. 

"1 pt for Five and AK!" ani Bev.

Sunod sunod na ang mga sinigaw nyang pangalan ngunit natanggal si Uno at ang kapareha nya. "Next, item..." 

"Earrings!"

Nakatayo na ako at hinihintay ang babanggitin ni Singko. Hindi nya ba kabisado ang katawan nya para magdalawang isip pa?

"Ano na, Singko?"

Knowing Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon