KABANATA 4

13 2 0
                                    

Friends


Kate's POV

I filled my eyes with so amusement. This tower is huge! And the office of MConnects Inc. is on the 27th floor!

Well, sanay naman ako sa naglalakihang buildings pero isa sa ayaw ko sa Manila ay yung tulad nito, panay buildings. Wala man lang puno! Kaya mas gusto ko pa rin sa probinsya.

Pero dahil I'm at age na para magtrabaho, susundin ko si Kuya Art. Wala namang masama kung susubukan ko man lang hindi ba?

My black stilletos echoed as I walked out of Wiggy from the basement parking. Inayos ko sandali ang suot ko at ang buhok ko. My corporate dress really compliments with my black Chanel bag. I curled my hair a bit and put a light make up.

Kate Mirador is ready! Feeling ko super model akong rarampa sa tower na ito!

"Good morning, miss!" bati sa akin ng guard on duty sa basement parking.

"Good morning din po." I smiled at him.

"Saan po ang tungo nyo miss? Parang ngayon lang po kita nakita rito? Girlfriend po ba kayo ni CEO Mendoza?" tanong nya na nagpalingon sa akin. I turned 90 degrees with his question.

"Girlfriend? Naku hindi po. I am going to..uhm..MConnects Inc.?"

Nanlaki ang mga mata nya. "Sorry miss! Pero kay CEO Mendoza nga ang MConnects Inc.! Sigurado ka pong hindi ka nya nobya? Hindi ka naman siguro aplikante? Ang ganda ganda mo kasi, miss."

The side of my lips rose. I unconsciously flip my hair backward.

"Salamat po sa compliment, pero magtatrabaho po ako sa MConnects Inc., at hindi po ako nobya ng CEO Mendoza na sinasabi nyo."

Who's this CEO Mendoza ba? According to the guard, sya ang may ari ng MConnects Inc., so kaya ang tawag nya rito ay CEO.

"Talaga? Ibig sabihin araw araw kitang makikita! Ang swerte naman ng duty ko, mabuti pala at nakipagpalit ako. Hehe!"

Napapakamot pa ng batok si manong guard. Kung iaayon sa itsura, siguro ay nasa mid thirties na ang edad nya. Magiliw sya at hindi naman bastos. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa pakikipag usap nya sa akin.

I just smiled at him. Pagkatapos kong suklian ang ngiti nya ay napabaling sya sa likod ko, tila may nakitang parating.

"Naku! Andyan na si CEO Mendoza!" sabi ng guard.

I looked at my back and saw a luxury car coming. So that's the CEO! Grabe, kotse pa lang, president na president na ang dating!

"Uhm, manong, mauuna na po ako sa loob ha? May job orientation pa kasi ako." paalam ko sa kanya.

"Sure miss! Pasensya ka na naabala pa kita. Talagang nagandahan ako sayo, at ngayon lang din kita nakita. Sige na miss." nakangiting sabi ni manong guard.

"It's okay. By the way, I'm Kate nga po pala." I introduced myself to him politely.

Nahiya pa syang abutin ang kamay ko. "Kuya Nestor na lang, miss. Ang lambot lambot naman ng kamay mo. Mayaman ka talaga siguro hanoh?"

"Naku hindi naman po, salamat po. I'll go ahead."

Kumaway pa sya bago daluhan ang luxury car ng tinawag nyang CEO Mendoza. I headed to the elevator and press the 27th floor button.

I sighed heavily to remove unnecessary nervousness. Kate, ano ba? Huwag kang kabahan!

----

Nikko's POV

"Good morning CEO!"

I removed my black sunglasses as I came out my car. Kuya Nestor happily greeted me.

SAVAGE BLOOM (HDLFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon