Chapter 34

23 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa kalam ng tiyan ko. Pagdilat ko ay nandito ako sa kwarto ko. Nakasuot ako ng usual na pantulog ko.

Panaginip lang ba lahat ng iyon?

"Grabe namang panaginip 'yon." ani ko sabay upo pero napahiga ulit dahil naramdaman kong biglang umikot ang paningin ko.

Shit! M-may hangover ako? So, it means it's true? All the things happened yesteday was true?

Nag-umpisa na namang tumulo ang luha ko. Totoo ang lahat, totoo na hindi ako anak nila Mom and Dad. Hindi ako tunay na Monteverde.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng may kumatok sa pinto ko. "Hey, Twixie, wake up na baby. Go downstairs and eat your breakfast." ani ni kuya Tyler pero hindi s'ya nakakuha ng sagot mula sa akin. "You need to eat, kailangan magkalaman ng tiyan mo. Ilang beses ka sumuka kagabi."

Hindi ko pa din s'ya sinagot. Uminom lang ako ng tubig at pumunta sa cr para maghilamos.

Kinuha ko muna ang bible book ko at devotional notebook ko. Kahit naman ganito ang nangyari sa akin ay hindi ako galit sa Diyos. Masama lang ang loob ko sa mga tinuring kong magulang.

Pagkatapos ko mag-devotional ay lumabas na ako ng pinto, naabutan ko sa labas ng pinto ko si Karl at Krizia.

"Oh, the both of you slept here?" tanong ko.

"Yeah, sabi nung kuya mong gwapo." bulong nito.

"Sino don?"

"Tyler." sagot nito.

Tumango ako at naglakad na pababa. "May bebe 'yan." bulong ko.

"Oh, kawawa ka naman Karl." pang-aasar ni Krizia.

Pagkadating namin sa kitchen ay nandoon si Mommy, nagkuluto ng breakfast.

"Good morning." nakangiting bati nito.

"Good morning tita!" bati nila kay Mommy.

Dumiretso na ako sa upuan ko at kumuha ng plato. Tinignan ko ng mariin si Karl.

"What?" tanong nito ng mahalata ang mga tingin ko.

"Who gave that shirt to you?" I asked him, nakataas ang kilay.

"Nakita ko sa drawer nung guestroom, sabi ng ate mo pili lang ako, so 'eto pinili ko." sagot naman nito. "Why?"

Naglagay muna ako ng hotdog sa plato ko at fried rice. Kumain muna ako bago s'ya sinagot.

"Well, that's Mavi's shirt." kaswal kong sagot. 

Dumaan sila ate pero wala akong pinansin sa kanila. May sama pa din ako ng loob sa kanila. Yung pakiramdam ko na para akong pinagkaisahan ay hindi pa din nawawala.

"I want to buy condo, immediately." ani ko bigla. "May alam kang magandang condo, malapit dito?"

"U-uhm, wala 'e." sagot ni Karl.

Gusto ko umalis sa bahay na 'to dahil kapag nakikita ko sila ay naaalala ko yung pagsisikreto nila sa akin. Ayoko naman tumira kila Mr. Grandioso.

Tinapos muna namin ang breakfast at naisip na manood muna ng movie. Nakahilig ako sa sofa dahil nga medyo masakit pa ang ulo ko.

Nakapikit ako at patulog na nang kalabitin ako ni Krizia.

"Yes?" tanong ko.

"Sis, your ex is here." anito.

Napatayo ako pero napahawak din agad sa likod ng sofa para hindi matumba. Lumabas ako ng pinto, nandoon nakatunghay sila Kuya at ate.

"Baby, please let me explain." ani ni Mavi. Nasa labas ito ng gate, hindi ata pinapasok nila kuya.

My Unorthodox LifeWhere stories live. Discover now