Chapter 23

1.2K 63 0
                                    

Mga ilang minuto lang sila sa ganoong posisyon habang si Sky pinipigilan ang sarili na tumawa at baka mapagalitan siya ng daddy niya ngunit natauhan din si Elaine makalipas ang ilang minuto.

"Halla Mr.Blanc, sorry!!!" Takbo ni Elaine para kumuha ng pamunas at nang makakakuha siya agad niya itong ibinigay kay Lucas at ginamit din naman niya ito.

"Sorry nasobrahan ko ata pag-lagay ng kape," pilit ang ngiting sabi nito, dahil nang tikman niya ang kape natalo na nito ang asukal at gatas na nilagay niya at kasing lasa na ng ampalaya, kaya niya naibuga ng ganoon.

Hindi mapakali si Elaine dahil hindi sumagot si Lucas at nagpaka-busy lang ito sa pag-punas ng kaniyang mukha. "Mr.Blanc, sorry talaga," sabi ni Elaine. Itinaas naman ni Lucas ang kaniyang kamay para pahintuin si Elaine.

"It's ok please wait for the maid that I'll hired, for now don't go at this area." sabi ni Lucas. Imbis na mainsulto si Elaine sa sinabi nito mas nangibabaw ang kaniyang gulat dahil hindi siya pinagalitan ng amo niyang dinaig pa sa taong pinagkaitan ng mundo. Hoo salamat naman hindi siya tinopak ngayon.

"Yes," sabi nito, at saka nila pinagpatuloy ang pagkain ngunit nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain may biglang tumawag kay Lucas dahilan para mapahinto sila.

Agad na sinagot ni Lucas ang tawag sa kaniyang cellphone. "Hello Ma." Nang marinig ito nila Elaine napatingin sila kay Lucas.

"Lucas why did you hide it to us? It's true you already have a child?" Hindi na nagulat si Lucas nang marinig niya ito sa kaniyang magulang dahil alam niyang darating ang araw na malalaman din nila ngunit hindi niya alam na ngayon na pala ang araw na iyon.

"Ma, Pa Relax I have a plan to tell it to the both of you, naghahanap lang ako ng tyempo," sabi ni Lucas,
Ngunit nakarinig agad siya ng sigaw sa kabilang linya.

"Kaylan pa? Lucas sa ayaw mo sa hindi gusto kong papuntahin mo anak mo dito sa Saturday!" sabi ni Papa niya, Napabuntong hininga nalang si Lucas dahil doon.

"Ok fine," sabi nito bago binaba ang tawag habang ang magulang niya ay nanggagalati na sa galit dahil binabaan niya ang mga ito.

"Elaine can I talk to you in the office later," sabi ni Lucas, Nagtataka namang tumango si Elaine dahil hindi niya sigurado kung ano ba ang gustong pag-usapan nila ni Lucas.

Someone Pov

"Boss sorry hindi pa po namin siya nahahanap," sabi ng isa sa tauhan ko. Napahawak ako ng mahigpit sa basong hawak ko at ibabato na ito ngunit bigla akong pinigilan ng nasa tabi ko.

"Hon calm down mahahanap din natin siya," sabi ng asawa ko, Ngunit hindi ako mapalagay sa ganon-ganon nalang.

"Mahahanap? Ilang taon na nakalipas kung hindi dahil sa atin hindi siya maglalayas, kung hindi lang tayo naging mahigpit dahilan para iwan niya tayo hindi iyong ganito," wika ko sa aking asawa agad naman niya ako niyakap.

"Paano pag p-patay na siya?" bigla kong sabi. Agad na humiwalay ang aking asawa sa pagkakayakap sa akin.

"H'wag ka ngang magsalita ng ganiyan! Tinataguan lang tayo ng anak natin dahil natatakot siya na baka ulitin natin ang mga nagawa natin noon," sabi niya. Tumango ako. Sana nga..... ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano dahil natatakot ako na kung baka anong mangyari sa anak namin.

"Relax mahahanap din natin siya....." Hindi man ako sumagot ngunit ngumiti ako para ipaalam sa kaniya na kumalma na ako sa mga oras na ito. Where are you?

3rd pov

Mga hapon nang wala nang masyadong gagawin si Elaine at iyon din ang oras na tinawag siya ni Lucas, kaya lumapit siya doon sakto namang nakatulog si Sky sa sofa ng opisina.

"Mr.Blanc ano iyon?" tanong ni Elaine. Hindi muna nagsalita si Lucas ng ilang minuto dahil nakatingin na ito kung nasaan ang pwesto ni Sky, agad din naman tinignan ito ni Elaine at may na realize siya sa mga tingin na iyon ni Lucas.

"Tungkol po ba kay Sky?" tanong ni Elaine, doon naman napatingin si Lucas bago siya tumango. Halata sa mukha nito.

Ang pagka-ilang dahil sa unang pagkakataon magtatanong siya kay Elaine na naka-connect sa personal niyang buhay.

"You want to be close to him?" tanong ulit ni Elaine. Dahil alam niyang hindi mago-open si Lucas hanggat hindi siya nagtatanong.

"Yes I-I just realize that I should try to accept him, after all I'm his father," sabi ni Lucas dahilan para mapangiti si Elaine ng malawak bago siya nagmadaling lumapit kay Lucas at tinapik ang likod nito ngunit dahil sa pagiging excited niya napalakas ang kaniyang pagtapik dahilan para mapangiwi si Lucas.

"Aray," sabi ni Lucas. Agad namang binawi ni Elaine ang kaniyang kamay.

"Haha sorry boss tutulungan kita pero may  kondisyon," sabi naman ni Elaine. Lumingon siya kay Elaine habang nakakunot.

"Ano iyon?" tanong ni Lucas pansin sa mga mukha ni Elaine ang isang kakaibang ngiti na nakaguhit sa kaniyang labi at hindi alam ni Lucas kung tama ba ang taong pinagtanungan niya ng problema sa mga oras na iyon.

"Ano 'yon?" tanong ni Lucas habang nilalaro ang ballpen sa kaniyang daliri paulit-ulit lang niya itong pinipindot habang naghihintay sa sasabihin ni Elaine.

"Una bawal magsusungit," sabi ni Elaine. Kumurba ang mga kilay ni Lucas.

"What? At bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ni Lucas. Halata dito ang pagkainis sa mukha niya.

"Dahil hindi ka mapapalapit kay Sky kung lagi kang nagsusungit," Sabi naman ni Elaine. Doon lang naintindihan ni Lucas ang gusto niyang sabihin.

"Ok continue....." sabi ni Lucas. Hudyat para magpatuloy si Elaine sa inasabi nito.

"Iyon lang tapos ang kaylangan mong gawin para mapalapit ka ay simple lang just try to have a time with him," sabi ni Elaine. Napahawak si Lucas sa kaniyang baba habang nag-iisip.

"Paano ko naman gagawin 'yon?" tanong niya. Napasapok si Elaine sa kaniyang noo dahil sa narinig. Seryoso? Hindi siya alam naturingan pa namang Ceo ng kompanya! sa isip ni Elaine.

"Ganto try to have a play with him or take him out have a bonding and of course just let him feel that you're his father by taking care of him madali mo lang magagawa iyon boss dahil una palang hindi naman masama loob ng anak mo sa iyo." sabi ni Elaine, Nanlambot ang puso ni Lucas sa kaniyang sinabi iyon din ang dahil kung bakit mas ginusto niyang mapalapit sa anak niya.

"Ok I get it. I didn't you you're not useless," sabi ni Lucas nang nasa seryosong expresyon pero ang totoo hindi niya iyon gustong sabihin hindi lang talaga niya alam kung paano magsabi ng magandang salita.

"Aray ha ayan din Mr.Blanc alam kong nakakataas ka pero gusto ko na maayos relasyon natin," sabi ni Elaine. Ngunit nanlaki agad ang kaniyang mata ng masabi niya iyon.

"Relasyon?" tanong ni Lucas, Habang nakakunot.

"H-h'wag kang mag-isip ng iba ang sabi ko gusto ko lang mas mapalapit like a friend diba Mr.Blanc?" Iyon naman talaga ang gusto niyang palabasin ngunit na-realize nya mali ang term na sinabi niya kaya siya nag-react ng ganoon.

Napatango naman si Lucas sa sinabi ni Elaine dahil naisip niyang mas magandang maayos ang pakikitungo nila sa isat-isa dahil makakatulong ito ng malaki sa anak niya.

"Ok friends," sabi ni Lucas, sabay lahad ng kaniyang kamay sa harapan ni Elaine. Hindi naman ito inaasahan ni Elaine ngunit inilahad din niya ang kaniyang kamay at nag-simula silang mag-shake hands. Hindi ito ang oras para kiligin pero masaya talaga ako at sa wakas unti-unti nang matatanggal ang pader na nakapagitan sa amin....

The Hidden Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon