Kung ayaw mong maghintay, buy ka ng ebook na naka-sale for now dito: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/2844/IOU-Series-2--Ginger,-The-Actress
FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE
Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.
___
I CAN'T do it again. I can never leave this family again.
Hindi mapakali si Ginger sa loob ng silid habang pinagmamasdan ang pinakabagong family portrait na hawak. Kuha iyon noong nakaraang linggo. Nagpatawag ng isang sikat na photographer ang kanyang ama—ang kanyang ama!—para lamang mabuo ang kuha. Lahat sila ay nakangiti sa kuha, larawan ng isang pamilyang masaya.
At sadyang masaya siyang kasama ang mga ito. Isang kaligayahang hindi niya natagpuan nang lumayo sa pamilya at hindi inasahang makukuha pa. Sa kauna-unahang pagkakataon, damang-dama niya na kabahagi siya ng Pamilya Sevilla. Isa iyong hindi inaasahang pangyayari. It was a welcome surprise. Para siyang nagutom sa napakahabang panahon at inasahan nang diyeta siya habang-buhay ngunit hindi lamang siya binusog ng pamilya, kundi ipinaghanda nang husto.
And Luisa... Oh, she was a very lovely individual. Walang nais si Ginger kundi ang maging ate rito, gampanan ang papel niya bilang nakatatandang kapatid na ilang taong hindi naipadama. Her parents were getting old as well. May mga guhit na sa mukha ng mga ito na noon ay wala. Ang kanyang ama ay lamang na ang puting buhok sa itim, habang ang kanyang ina naman ay pirmi na ang pagsusuot ng salamin. Ginger was getting old, as well. It was the first time she actually realized it.
Marahil, maraming magsasabi na bata pa siya sa edad na beinte-nuebe, ngunit ilang taon pa ba ang kailangan niyang isakripisyo para mapalayong muli sa pamilya? Soon, Luisa was going to get married and have children, and she will not be there for them if she left. Magsisitandaan ang mga magulang niyang malayo siya sa mga ito, hindi nakikita at nakakausap, lumilikha ng buhay para sa sarili at parang walang katapusan ang pagsisikap. Though she was sure she can handle poverty, she couldn't handle being away from her loved ones anymore.
At iyon ang nais ni Lucio na isakripisyo niya upang lumigaya ito.
Well, to hell with him! Kung silang dalawa ang dapat na magsakripisyo, puwes ganoon ang mangyayari. Maaari naman silang maging mag-asawa sa papel. Kung gusto nitong ipagpatuloy ang pakikipaglandian kay Sandine, fine! She just needed her family back in her life. She needed it like she had never needed anything or anyone before. Ilang taon siyang labis na nangulila na ngayong muli niyang naranasan ang magkaroon ng pamilya, labis ang kanyang pagkauhaw sa mga ito at wala siyang balak na muling mauhaw pa.
If it meant putting herself into a loveless marriage, then so be it. Her family was worth it. Wala siyang magiging ilusyon tungkol sa kanilang dalawa ni Lucio. Kaya paano siya mahihirapan kung hindi niya ilalaan ang emosyon sa kanilang pagsasama? Sa tingin niya ay magiging madali ang lahat. Lucio can shove his offer up his precious ass.
Mayroong kumatok sa pintuan at nang bumukas iyon ay si Luisa ang pumasok. She loved her so much. Napakarami nitong sakripisyo para sa kanya, patunay ng labis din nitong pagmamahal. Kung minsan, nais lamang niya itong yakapin at hagkan sa noo, sabihing hindi na ito iiwan pa ng ate. Kahit ang kanilang mga kawaksi ay walang ibang ikinuwento kundi kung paanong madalas daw mag-alala ang dalaga sa kanya. At dahil batang-bata pa ito nang umalis siya sa bahay, madalas daw itong magpakuwento sa mga kawaksi tungkol sa kanya. To Luisa, Ginger was Superwoman. And she will prove to her that it was true.
"Are you ready? They're here!"
"Someone looks excited," nakangiting wika ni Ginger.
"Oh, he's gorgeous!"
Ngiti lang ang tugon ni Ginger. Naunawaan na niya ngayon kung bakit nasabi iyon ng kapatid noon pa man. Dapat pala ay nagtanong siya noon o nanghingi ng larawan. Ngunit ano bang malay niyang magmumukhang parang nagparetoke si Lucio?
"Come." Lumabasna sila sa silid at bumaba. Ilang ulit sinabi ni Ginger sa sarili na hindi siyadapat na kabahan nang ganoon katindi. Hindi presidente ng Amerika ang kanyanghaharapin kundi si Lucio Merdecer lang.
---
'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.
PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.