COK 01

555 32 5
                                    

PAISLEY


Nahihilik akong natutulog ng bigla akong mapatayo dahil sa gulat at pagkarindi sa sigaw ni Ma'am.



Napakamot pa ako ng ulo ng may magbato sakin ng papel at tawanan ako ng mga kaklase kong ulupong.



"Miss Tervarah!Natutulog ka nanaman sa klase ko!"sigaw niya at nung napahikab ako ay mas lalo siyang nainis,hindi ko mapigilan eh.



"Lagi naman Ma'am eh."pabalang kong sagot at nagtawanan ang mga kaklase ko,may bumato nanaman sakin ng papel sa ulo at tinignan ko ng masama si Rolex ,dinuraan ko ito ng bubblegum na kanina ko pa nginunguya at nakisabay ako sa tawanan ng klase at hindi na pinakinggan si Rolex sa pang tra-trashtalk niya sakin.




"MISS PAISLEY TERVARAH!ANSWER THIS EQUATION ON THE BOARD!NOW!"natahimik ang klase dahil sa lakas ng sigaw ni Ma'am Palacol.




Napakamot nalang ako sa ulo at lumapit kay Ma'am P,at kinuha ang chalk sa kamay niya,grabe namumula nanaman sa galit si ma'am oh,ang sama ng tingin sakin eh.



Kumuha nanaman ako ng bubblegum sa bulsa at ngumunguyang sinagutan ang equation sa board.




Ng matapos ay binigay ko na ang chalk kay ma'am na hindi umiimik habang nakatitig sa board,maluha luha siya at agad na tumakbo papalabas ng classroom dahil sa nakita.



Umakyat ako ng lamesa at nagsigawan ang mga kaklase ko habang ako ay nakangisi at nakataas pa ang kamay na para bang tatakbo ng eleksyon.




"Hala,loko ka talaga Paisley bakit mo ginawa yun?Pero great job!Haha."sigaw ng isa sa mga kaklase ko.




Pinagmasdan ko lang ang sinulat ko sa board.



Kung ang x ay may y,bakit ka nya iniwan?



Hindi tungkol sa exams o quiz ang tinutukoy ko diyan,tungkol yan sa asawa ni Ma'am Palacol na nahuli niyang may kinakasamang ibang babae,at ngayon ay hiwalay na sila.




Paano ko nalaman?Tanong niyo sa tatlong babae na nagkukumpulan sa isang tabi at punong puno ng chismis ang mga bibig.



Inalalayan ako ni Rolex na bumaba sa lamesa at binatukan,sinamaan ko siya ng tingin,aba pabatok batok pa ang lalaking ito,sapakin ko siya diyan eh.




"Tsk,at dahil wala ng teacher... let's play a game."sambit ni Rolex habang nakangisi at ilang sandali pa ay napuno ang classroom ng ingay at batuhan ng mga papel sa ere.




Patawa-tawa kami ni Rolex na nagtago sa ilalim ng desk at kinuha ang basurahan sa gilid,sabay kaming nagkatinginan habang nakangisi.




"Kanino ko ibabato?"natatawa kong sambit at pati siya ay natawa nadin.




"Bahala ka,kahit kanino,hahah!"pagkasabi niya nun ay malakas kong ibinuhos sa mga kaklase ko ang laman ng basura.




"Kyaaahhh!!!"sigawan nila.



Nag apir naman kami ni Rolex at nagpatuloy sa pakikipagbatuhan.




Oo,tama kayo,bestfriend ko itong si Rolex,parehas kaming luko-loko eh,napasulyap ako sa mga teachers sa labas ng hallway na nangingitngit sa galit na nakatingin samin pero hindi nila kami mapigilan sa aming mga kalokohan at pinili nalang na lagpasan ang classroom namin na para bang walang nangyari.




          

Kami ang last section kaya naman ganito kami kagulo,ang iba kong kaklase ay nandito dahil sa low grades,ang iba ay barumbado,palaway at kung ano-ano pa.




Nandito ako kasi pabaya ako sa grades ko,tinatamad akong mag aral eh.




"Headshot."sambit ko ng masapol ko ng niyukot na papel ang ulo ng isa kong kaklase.




"Hoy relo."tawag ko kay Rolex at napalingon naman siya sakin.



"Bakit?"



"Pangit mo."



"Mas pangit ka."




At sa ganoong ayos ng klase namin nagtapos ang klase,ng mag ring ang bell na naka attached sa bawat classroom ay abala kaming lahat sa pagkuha ng sari-sariling bag at gamit tsaka nakipagsiksikan sa pintuan at nagtatakbo sa halllway.




"Class-E!!"saway samin ng mga guro na aming nadadaanan pero wala kaming pake,yung ibang estudyante ay sila na mismo ang umiiwas at nagbibigay ng daan dahil wala kaming balak tumigil sa pagtakbo.




"Hoy Paisley,mamaya laban tayong dalawa."sambit ni Rolex, napangisi naman ako sa hamon niya.



"Sige ba,ilan pusta mo?1k akin."sambit ko.



"Ganun din akin."sambit niya at halata sa mukha niya na kinakabahan nanaman siya.




Ng makita niya akong nakangisi ay sinamaan niya ako ng tingin.




"Last ko na 'tong hamon sayo!Ang daya mo,inubos mo allowance ko."halos maiyak niyang sabi,natawa ako dahil ang lakas niyang maghamon pero hindi naman ako matalo-talo pagdating sa mga games.




Isa sa mga dahilan kung bakit ko napapabayaan ang grades ko ay dahil sa gaming,madalas akong puyat,tsaka tinatamad din akong pumasok ng school.




Haiist,ang hirap kasi talagang alisin sa sistema ko ang pagiging gamer,okay lang kung saan man akong lupalop dalhin ng pagpapabaya ko.Nag li-livestream naman ako at may dalawang channel sa YouTube,ang unang account ay tungkol sa mga games kung saan ako sumikat na may 500k subscriber.




Being a gamer is not bad,dahil sa ganitong edad ay nakakuha na ako ng ganyan kalaking titulo.Malaki din ang kinikita ko sa YouTube.Tama lang.



Bata palang ako ay nahasa na ang galing ko sa gaming,I don't know basta ay na addict nalang ako bigla,ang saya saya kasi sa pakiramdam kapag naglalaro ako,ang gaan ng pakiramdam ko,feeling ko belong talaga ako sa bawat games.




Wews daming alam.




Sumakay ako sa motor ni Rolex at nagsimula niya itong paandarin ng mabilis,wala siyang choice kung hindi bilisan kahit na naka sakay ako,sinasapak ko kasi siya kapag mabagal ang patakbo niya.Gusto ko ng umuwi eh!





Tumigil ang motor sa harap ng malaking gate na kulay black.Bumaba ako at nakipag fist bump sa kanya.





Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kanyang phone.



"Alam mo,naiinis na ako sa girlfriend mo,pati ako pinagseselosan!"inis kong sambit sa kanya.




"Tch,hayaan mo na,text nalang kita mamayang 7,kapag hindi ako nakapag text sayo tungkol sa game,ibig sabihin nun hindi na matutuloy,okay?May date kami ni Tamara,di ko alam kung anong oras ako makaka uwi."sambit niya.





"Oh siya,sige chupi na!Good luck sa date ng Tamaraw na yun!"pang aasar ko sa kanya.



"Paisley!"pagbabanta niya at napataas nalang ako ng kamay.



"Okay,okay!Bye na!"sigaw ko at pumasok ng bahay.





Kung iniisip niyo na ang bawat mag childhood friend ay magkakatuluyan,nagkakamali kayo.Tsk,baka tumalon pa ako sa tulay kapag nangyari yun,ew.




Binati ako ng mga guard at kasambahay na nadadaanan ko.Dire-diretso ako sa kwarto ko at hindi na nagbihis pa,umupo ako agad sa swivel chair at kumuha ng boba tea sa mini refrigerator at ininom ito.





Napangiti ako sa mga comments tungkol sa bago kong upload na video pero naglaho ang ngiti ko ng makita ko ang isang comment na may 1k likes.




Yozora
Boo.




Tsk,yung mga nag like sa comments niya ay mga bashers ko habang ang mga nag thumbs down ay mga fans ko,sikat din kasi itong si Yozora na ito,karibal ko siya pagdating sa mga games pati na sa mga pag la-livestream.




Bawat upload ko sa videos ay bina-bash niya!Like,seriously dude!What is your problem?Eh hindi ko nga siya bina-bash sa mga videos niya,kakainis siya lang itong papansin talaga.




Ang lakas ng loob niyang mag comment ng ganyan sa sarili kong video,hindi na nadala sa pang ro-roasted sa kanya ng mga fans ko.




May mga nagtatanong na nga sakin kung ano ba ang problema sakin ni Yozora pero kahit ako ay hindi ko din alam,all I know is magkaribal lang kami,tapos!




Sa inis ko ay hindi ko namalayan na naubos ko na ang boba tea,nagpalit nalang ako ng damit at sinuot ko ang salamin ko at sa xbox nalang binunton ang sama ng loob.




Hindi ko talaga mabugbog ang Yozora na iyan dahil nasa kabilang school eh.



"Honey."




"Ay kalabaw!"sigaw ko at agad ni-pause ang laro at hinarap si Mom na nasa pintuan suot suot ang malaki niyang ngiti habang nakatingin sakin.




"It's already dinner,sumabay ka na samin."sambit niya,wala akong nagawa kundi tanggalin ang salamin ko at sumama sa kanya pababa.



Pagkaupo ko sa hapagkainan ay nanibago ako dahil sobrang dami naman ata ng pagkain ngayon?Tinignan ko si mom and dad na parehas lang na nakangiti habang nakatingin sakin at si kuya naman na nakasimangot lang.




Naasiwa ako sa kanila dahil kakaiba sila kung umasta ngayon,nag dikwatro nalang ako at nagsimula ng lumamon.




"Paisley,ayusin mo ang upo mo, you're not a kid anymore."saway sakin ni mom pero nakangiti padin at nakatingin sakin.Napangiwi ako dahil sa pagkailang kaya naman malakas kong siniko si kuya dahilan para mabulunan siya at ka agad na uminom ng tubig.





"What the hell is your problem?"inis niyang sabi.





"Wag mo akong ine-english english diyan,problema ng nanay at tatay mo ha?"mahina kong tanong at nagbago ang itsura niya,para bang naiirita ito.



"Tsk,tanungin mo sila,wag ako."sambit niya at nakasimangot na nagpatuloy sa pagkain.





"Paisley,may sasabihin lang kaming importante sayo."nakangiti sabi ni dad.




"What is it po ba?"sambit ko at hindi nalang sila tinignan.



"Tutal,you're already nineteen."nagkatinginan si dad and mom na para bang nag uusap sila sa isipan nila.




Kinuha ko ang juice at ininom ito.




"We arranged a marriage for you."they both said.




Bigla ko nalang naibuga ang juice sa mukha ng nanay at tatay ko dahil sa pagkagulat.




What the fudge?!

HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAH

2y ago

Hoii😭😭

3y ago

Clash Of Kingdoms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon