Chapter 3
Secretary
Sinamahan ako ni Nina na pumuntang Ssg office kahit ayaw ko ay napilitan akong pumunta dahil baka maalis ako sa dean list at ayokong mangyari yun, kakapasok ko pa nga lang ay aalis na agad ako dahil binangga ko kuno ang malupit daw na Ssg president. Tss, as if naman na matatakot ako dun sa lalaking yun.
"Ikaw na ang kumatok." Basi sa mukha niya ang kaba.
"Ikaw naman kasi eh, bakit mo pa kasi sinagot! Patay ka talaga. Halos kagatin niya ang daliri niya. Parang kala mo siya ang parurusahan ha!
"Mag iintay lang ako dito sa labas." Aniya kaya tumango ako bago kumatok.
Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang magandang babae, morena siya at mukhang may lahi.
"Yes?" Nakangiting tanong niya.
"Pinapatawag ako ng Ssg President." Magalang na sabi ko.
Pilit siyang ngumiti. "Tuloy ka." Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto para makapasok ako, tiningnan ko muna si Nina, nag thumbs up siya bago ngumiti, ngumiti din ako bago pumasok. Ako na ang nagsara ng pinto dahil iniwan ako ni ate, nakita ko siyang pumunta sa pinto na may nakasulat na President office. May sarili pa siyang office? Edi siya na! Gumala ang buo kong tingin sa malaking kwarto, may mahabang lamesa sa gilid at may malaking tv na hindi ko matantsa kung ilang inches ba to. May sofa din na malapit sa pinto, may halaman din sa gilid ng salamin at may mga ibang tao na nasa kanilang mga table.
Napatingin ako kay ate na lumabas galing president office. "Pasok ka na daw." Aniya bago ako samahan papuntang pinto.
Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sakin. Tiningnan ko siya bago pumasok. Nang makapasok ako ay puti na may grey ang kulay ng buong silid. May lamesa na may laptop at kung ano anong mga papel at meron ding lamesa sa gilid.
Matthew Riel A. Montero
Yan ang buo niyang pangalan na nakalagay sa lamesa niya. Bigatin sis! Parang isang office ng ceo. Napaatras ako ng konti ng biglang gumalaw ang swivel chair at humarap ito sa'kin. Bumungad sa akin ang mukha niya na seryosong nakatingin sa akin.
"You came."
Ay hindi! Statue lang to! Bobo naman nito, malamang pupunta ako dahil baka matanggal ako sa dean's list no, mahirap na.
"Hindi umalis ako." Sarkastikang sabi ko.
Napangisi siya. "Rude." Tinuro niya yung upuan na sa harap ko. "Have a seat."
Humalukipkip ako. "Sabihin mo na ang punishment ko na sinasabi mo dahil may klase pa ko." Mataray na sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Ikaw lang kauna-unahang babaeng hindi rumespeto sakin." Nakangising sabi niya.
O tapos? Share niya lang?
"Gusto kong malaman mo na, ako ang president ng student council." Simula niya.
"Alam ko, o tapos?" Tinatamad na sabi ko.
"Your punishment is.." tiningnan niya muna ko. "You will be my secretary."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, what? His secretary? Naka singhot ba to?
"Adik ka ba? Anong secretary ka diyan? Wala nga akong ginagawa sayo! Kung tutuusin, ikaw ang may kasalanan sating dalawa, bukod sa binangga mo ko ay tinapon mo pa ang pagkain ko." Inis na singhal ko.
Tinuro niya ang sarili niya. "Me? Ako pa talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan? Sino ba ang sating dalawa ang umiikot ang mata sa buong cafeteria?" Masungit na sabi niya.
Hindi ako nakasagot bigla, ako ba may kasalanan? Pero kahit na! Dapat ay tumingin din siya dahil siya ang malaki saming dalawa.
"Hindi lang yun, sinagot mo ko na parang normal lang akong estudyante." Pahabol niya pa.
Dahil lang dun? Napakababaw naman nito! Hindi ako papayag sa sinasabi niya, paglinisin niya na lang ako ng cr okay pa sakin yun. Hindi ako makakatagal na makasama tong lalaking to. kahit gwapo siya ay wala akong pake!
"Ayoko. Ang daming babae dito sa buong campus para maging sekretarya mo, bakit hindi ka magpaskil sa bulletin board sa hallway? Busy akong tao." Ani ko.
Tumayo siya. "Tapos ka na?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Napaka ingay mo, so annoying." Dutong niya pa habang may kinuha sa kanyang drawer. Bumalik siya sa upuan niya hawak ang folder na puti.
"Mamili ka na lang Miss Salonga." Nagulat ako ng malaman niya ang surname ko.
"Papayag kang maging sekretarya ko na may kasamang bayad? O maaalis ang pangalan mo sa dean's list?" Sabi niya habang seryosong nakatingin sakin.
Putangina! Nananadya ba siya? "Hindi ikaw ang makakapag sabi kung matatanggal ang pangalan ko sa dean's list." Sumeryoso agad ako dahil hindi na ko natutuwa.
"Really?" Nakangisi siya na nang aasar. "Isang tawag ko lang kay tito lincon ay tanggal ka na. Balita ko pa ay scholar ka daw."
Ayoko na! Malapit ko na siyang masapak! So Tito niya ang may ari nito? Kaya pala ang lakas akong takutin dahil may kapit siya dito. Padabog akong umupo sa upuan na na katabi ng mesa niya.
"Sekretarya lang naman diba?" Tuluyan na kong bumigay dahil iniisip ko si mama, kailangan kong magtapos para matulungan ko na siya.
Binigay niya sakin yung folder. Binasa ko muna ito bago pirmahan. "Tapos na, pwede na ba kong umalis?" Mataray na sabi ko.
"Pasalamat ka pa nga ay may bayad ang trabaho mo kahit ang totoo ay wala dapat." Aniya habang inililigpit ang mga papel na nasa mesa niya.
"This is your first job." Ibinigay niya sakin ang makapal na mga papel.
Umirap ako sa kawalan, dumagdag pa ang trabaho ko, imbes na matutulog na lang ako galing trabaho ay magtatrabaho pa ko ng pagkakapal kapal na papel. Nagtatrabaho kasi ako sa isang restaurant malapit sa bahay namin.
"That's your table." Nakaturo siya sa table na nasa gilid.
"Kada lunch ay dito ka dederetso. At dapat bukas ay tapos na yan." Aniya.
Inis akong tumango sa bawat sasabihin niya, at nagustuhan ko lang sa sinabi niya ay yung may bayad ako kada trabaho, makakatulong yun sa araw-araw naming gaatusin ni mama.
"You can go." Aniya pero hindi sa akin nakatingin. Inirapan ko siya bago lumabas. Nakakunot ang noo ni ate habang nakatingin sakin kaya nginitian ko siya bago lumabas.
Biglang tumayo si Nina ng makita ako. "Anong sabi sayo? Ano daw ang parusa mo?"
Sunod-sunod na tanong niya. Nang makita niya ang papel na hawak ko ay nagtaka siya. "Ano yang dala mo?" Tanong niya.
"Ang parusa ko ay magiging sekretarya niya ko." Tamad na sabi ko at nagsimulang maglakad paalis dun.
Sumunod sakin si Nina. "Oh my god, are you serious?" Sabi niya habang nanlalaki ang mata.
Ngumiwi ako. "Mukha ba kong nagsisinungaling?" Sarkastikang sabi ko.
"Ngayon lang siya nagka sekretarya Russel. Ang daming babae ang nag a-apply na maging sekretarya niya pero tinatanggihan niya." Kwento niya.
Ano naman ngayon? Pero yun ang tumatak sa isip ko nang makabalik kaming room, so ako palang pala ang una niyang sekretarya kung ganon? Pero bakit? Pilit kong inaalis sa isip ko yun, masyado kasi akong nag o-over think eh, kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. Ginawa ko na yung ilang papel na pinapagawa sakin ni matthew, kahit dumating na ang next prof namin ay tuloy pa rin ako sa paggawa para mamaya ay konti na lang ang gagawin ko dahil panigurado ay pagod ako sa trabaho.
"Miss Salonga, anong ginagawa mo? Tungkol ba yan sa klase ko?" Masungit na sabi niya.
Dali-dali kong ihininto ito at iniligpit, lumapit siya sa akin at pinulot ang isa sa mga papel na ginagawa ko.
"Continue what you we're doing." Nagulat ako sa sinabi niya at ganun din si Nina. Ganun ba sila katakot kay matthew? Grabe ah!
Nang matapos ang klase namin ay nagpaalam lang ako kay Nina bago pumunta sa locker ko, iiwan ko ang dalawa kong libro dahil ang bigat sa loob ng bag ko. Kakabigay lang kasi ito sakin kanina. Dadalawa lang siya pero grabe ang presyo.
Sumakay akong jeep at dumeretso sa pinapasukan kong restaurant. "Bakit ngayon ka lang?" Takang tanong ni Allana ng makarating ako.
"Kakatapos lang kasi ng klase namin." Sabi ko bago pumasok sa employee room at nagsimulang magbihis. Naka black ako na pencil cut na palda at puting polo na tinupi ko hanggang siko.
May name tag sa gilid malapit sa dibdib ko. May apron din pero nakatakip lang siya sa aming palda. May bulsa siya para paglagyan ng note at ballpen dahil isa akong waitress. Pinusod ko ang buhok ko at inalagyan ito ng gel para walang buhok na nakalaylay. Kinuha ko ang maliit na notebook at ballpen bago pumunta sa mga costumer. Medyo dumadami na ang tao dahil pagabi na. Itong restaurant na to ay pangmayaman, halos lahat ng pagkain ay ginto ang presyo. Ang disenyo din ng restaurant ay engrade, halatang mayaman lang ang pwedeng kumain dito. Tinawag ako ng isang costumer kaya lumapit ako at kinuha ang kanilang order.
"Order 43." Sigaw ko mula sa kitchen, isinabit ko ang bagong papel na may laman na order. Kinuha ko ang pagkain at inihatid sa costumer.
Alas diyes na kami natapos sa sobrang daming costumer. Isa-isa kong niligpit ang mga pinagkainan ng mga costumer bago punasan ang lamesa. Nang matapos namin lahat ay ibinigay na sakin ng manager ang sahod ko. Kada araw ako sumasahod dahil nag pa-part time lang ako. 2,500 ang kinikita ko kada araw kaya hindi na masama.
Nang makauwi ako sa bahay ay gising pa si mama, abala sa pag kwe-kwenta. Nagmano ako sa kanya bago pumasok sa kwarto. Nagligo muna ako bago simulan yung mga natirang papel.
"Anak kumain ka na, ininit ko yung ulam." Sigaw niya.
"Teka lang po." Lumabas ako ng kwarto at nagsimulang kumain. Nang matapos ako ay ako na ang naghugas ng pinagkainan ko. Pumunta akong sala at nakita ko si Mama na tumutumba-tumba ang ulo niya.
Niligpit ko muna yung mga papel na nakakalat sa maliit na lamesa. "Ma doon na po kayo sa kwarto para makapagpahinga kayo ng maayos, ako na pong bahalang mag kwenta nito." Inalalayan ko siyang tumayo papunta sa aming kwarto.
"Anak pasensiya ka na kung ganito ang buhay na pinaranas ko sayo." Sabi ni Mama habang nakaupo sa kama.
Pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya, kita ko sa mga mata niya ang pagod. Pinahiga ko siya sa tabi ni Issa na mahimbing na ang tulog.
"Ma okay lang po, malalagpasan din po natin to, mag aaral po ako ng mabuti para matulungan kayo." Hinalikan ko siya sa pisnge bago siya kumutan.
"Magpahinga na po kayo."
"Salamat anak." Nakangiting sabi niya.
Pinunasan ko ang luha ko bago maglatag ng kutson at doon sinimulan ang natirang papel na gagawin ko. Sa lapag lang ako natutulog dahil iisa lang naman ang kama namin. Sa kabilang kwarto ay walang gamit kaya dito ako natutulog sa kwarto nila Mama, natatakot din kasi akong mag isa sa kwarto feeling ko may multo charot! Pero sobrang hirap ng buhay namin simula nang umalis si papa, halos hindi na ako minsan makatulog ng maayos dahil sa trabaho at paperworks ko sa school. Isang taon na lang at makakagraduate na ko. Hindi ko na hahayaan na magtrabaho si mama, kung maaari ay ako na ang magtatrabaho para sa kanila ni Issa. Mag aaral ako ng mabuti para maiahon ko sila sa hirap.