The Trust

1.7K 79 2
                                    

Ito na. Malapit na kami matalo. Na fru-frustrate na ako. Marami kasi akong missed sets. Hindi ko magawa ng tama lahat ng sets ko. Kulang ako sa connection sa mga spikers ko.

Okay lang yan Dean. Basta sabi ko sa iyo iangat mo lang ang bola. Sabi ni Jessica. Paulit-ulit niya yung sinasabi. Nakakapuntos kami pag nasa harap siya pero kapag nasa likod na hirao na hirap na kami. Hindi kami nakakapuntos.

Nag serve na ang kabilang team at nasalo ni Jessica. Iangat mo. Sigaw ni Jessica sa akin, inangat ko na yun mula sa gitna at nabigla na lahat sa ginawa ni Jessica. Pinalo niya ang bola da backrow. Napalakas ang palo niya kaya hindi nakuha ng kabilang team.

Umikot na rin kami sa wakas pero nasa likod pa rin si Jessica. Hinanda ko na sarili ko sa serve.

Dean sa gitna. Sigaw sa akin ni Jessica. Tiningnan ko siya may tinuturo siya. Sumigaw siya ng gitna pero ang tinuturo niya yung dulo. Gusto niyang lituhin ang kabilang team.

Sinerve ko na sa tinuro ni Jessica at nag ace ako.

Yeah!!! Ganyan nga. Sigaw ni Jessica sa akin. Lumapit ito para yakapin ako. Tignan mo lang ang tinuturo ko. Bulong nito sa akin.

Naghanda ako ulit para mag serve. Tinituro niya ang net. Short serve mo. Bulong niya sa hangin.

Napalong set ako kanina kaya bantay na nila ang dulo ng court kaya kailangan kong ishort serve para mahirapan na sila makakuha ng first ball.

Sinerve ko na at sa tulong ng net ay naka puntos ulit kami.

Nakita ko na nagngitian ang team mates ko. Tinignan ko ang score board 19- 23. Mahaba-haba pa ang hahabulin namin. Naka 2 sets na sila at dalawang puntos na lang ang kailangan para manalo na sila.

Naghanda ulit ako para mag serve, tinignan ko muna si Jessica. Sinesinyas niya, na baba-an ko ang serve ko.

Sinunod ko siya, pero nakuha na ng kabila ang first ball, pero na missed receive nika ang bola. Sumenyas ulit si Jessica. Tinuro niya ang gitna. Kinuha ni Kyla ang unang bola.

Sinet ko ang bola sa gitna ng court, tinalon ni Jessica, nilakasan niya para mahirapan ang kabilang team. Na check ball ang bola at nalihis n ito sa labas ng court. 20-23. Nakapuntos ulit kami.

Ako ulit ng set. Suminyas si Jessica, diinin mo. Bulong nito sa hangin. Nag jump serve ako. Napalakas ang pagpalo ko sa bola kaya hindi nakuha ng libero ng kalaban ang bola sa sobrang lakas. 21-23. Na ace ko ulit.

Nag serve ulit ako. This time nilayo ko na serve ko. Na line ball ako. 22-23. Nagtalunan na ang mga team mates ko at niyakap na ako.

Konti na lang at makukuha mo na ang tiwala nila. Bulong ni Jessica sa akin. Napangiti na lang ako.

Nagserve ako ulit. Diniinan ko na, nakuha ng libero pero na over receive siya kaya, napatalon si Myla sa harap at binalik ang bola sa kabolang court. 23 all. Nahabol na namin sila.

Nice. Sabi ni Myla at tinap ako sa ulo.

Ayan na. Sabj naman ni Jessica sa akin.

Nabantayan na ng kabilang team ang serve ko kaya naiangat na nila ito ng maayos. Nakapag play sila pero agad nakuha ni Kyla ang bola. Sumenyas sa akin si Myla kaya inangat ko ang bola sa kanya at mabilis niya itong pinalo. 24-23. Lumamang na kami.

Naghuddle kami lahat sa gitna. Kaya pa nating humabol guys. Tiwala lang.sigaw ni Jessica.

Nagserve ako ulit pero napaghandaan na ng kabila. Na receive ni Jessica ang bola, at suminyas sa akin, agad ko ring inangat ang bola sa gitna, sinabayan siya ni Myla sa pagtalin kaya hindi nakapaghanda ang kalaban sa palo ni Jessica mula sa backrow. 25-23. At napanalo na namin ang set.

Nagtalunan na ang lahat at pinuntahan ako. Hinila ako ni Jessica sa kanya. Napalibutan kami ng ka team namin. Nice one Deana Wong. Sabi nito at hinalikan ako sa labi. Okay guys. Atin na ang mga susunod na sets.

Yes!!! Sigawan ng lahat

Nagkaroon na ako ng konting confident sa sarili, at nagtiwala na rin ang mga ka team ko sa akin.unti-unti na ako nag ka connect sa lahat at hindi lang si Jessica ang nabibigyan ko ng play.

Siguradong matutuwa si Julia pag nalaman niyang nasunod ko lahat ng pinayo niya sa akin.at lalo niyang ikakatuwa ang pagkapanalo namin kahit wala na siya.

Salamat at hindi ako sinukuan ni Jessica. Tinignan ko lang siya habang nakangiti ito sa akin. Tama nga si Julia, ang volleyball talaga ang makakatulong para lalo akong mapalapit sa Mahal kong si Jessica.
.....

My Stooges.Where stories live. Discover now