CHAPTER TWO

24 1 0
                                    

Mandy's POV

Maaga akong umalis sa bahay dahil wala lang gusto ko lang na maaga ako'ng makarating sa school. Syempre kasabay ko ulit si Josh

"Good Morning Besh!" Bati niya sa'kin habang naka ngiti

"Good morning din," bati ko din sa kaniya

"Ang aga mo ata ngayon.." Nagtataka din ako kung bakit maaga ako ngayon

Noon kasi ang tagal ko magising at palagi akong late pumapasok kaya isang malaking himala ang nangyari sa'kin dahil ang aga ko nagising at ang aga ko papasok sa school

"Di ko din alam e.." Bumuntong hininga ako, "... Isang malaking himala!" Sigaw ko kaya nagtawanan na lang kami

Tinitignan tuloy kami ng mga tao sa daan para kasi kaming tanga. Tumatawa habang naglalakad. Pake nila masaya lang kaya kami HAHAH

Malapit na kami sa gate ng school ng narinig namin ang sigaw ni Vivien

"Good morning guys!" Pasigaw niyang bati kaya natakpan ko na lang ang tenga ko at napapikit na lang ako

"Ang aga pa viang ang ingay mo na!" Sita sa kaniya ni Josh

Ang aga pa e sigaw ng sigaw itong isa dito, "Anyare sa'yo Vi? Ang aga pa e ingay mo na," tanong ko sa kaniya

"Wala lang," nakangiti niyang sagot

"Wala lang?" Taka ko'ng tanong

"Oo trip ko lang sumigaw," sagot niya sabay hagalpak ng tawa

"Baliw na ata Ito e," bulong ni Josh

"Wa'g na nating pansinin 'yan. Hali ka na pumasok na tayo," aya ko kay Josh

Kaya naglakad na kami papasok sa school at iniwan namin si Vivien sa Labas ng di na napapansin. Kaya sigaw na naman siya ng sigaw dahil sa pag iwan namin sa kaniya

"Huy! Hintayin niyo ko!" Sigaw niya pero di namin siya pinansin

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad haggang sa napadpad kami sa bulletin board na may mga nagkakagulo'ng mga student at parang may tinitignan sila

"Wala nama'ng announcement ang mga teacher's ngayon, bakit nagkakagulo sila dun?" Taka'ng tanong ni Josh

Tumingin ako sa kaniya, "Mabuti pa wa'g na na--,"

"Mandy! Tignan mo to!" Pagputol ni Vivien sa sasabihin ko dahil sa sigaw niya habang nakaturo sa mga students na nagkakagulo

Campus Hearthrob Likes Poor Girl(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon