[F] Chapter 1 : Andrea

105 9 41
                                    

F O R E V E R  I N  L O V E  W I T H  Y O U
C H A P T E R  O N E : A n d r e a

Maaliwalas ang simoy ng hangin ngayong umaga at hindi rin gaanong kainit ang araw. Tamang inom lang ng kape ang mga tatay at lolo, mayro'n ding nagwawalis sa harapan ng kanikanilang bahay, at makikita mo rin ang iba na nagjojogging sa gilid ng kalsada.

Napakakalmado ng umagang ito kaya kitang-kita ang mga ngiti na nakaukit sa mga mukha ng mga naninirahang residente dito. Ang sarap pakingan ang mga malumanay na "magandang umaga" na bati ng bawat isa tuwing nasasalubong nila ang isat-isa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang sariwang hangin. Huminga ako ng malalim. Ang sarap talaga manirahan sa mapayapang bayan na ito. Sana nga hindi ito magba---

"AAAHHK!"

Agad kong binuksan ang aking mga mata at napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko ang aking tingin sa pinanggalingan ng ingay. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang tumatakbo ang isang babaeng nakasuot ng hanggang tuhod na pink na palda, kulay puti na blouse na sinamahan pa ng pink na necktie, at may naka tahi na logo ng paaralang pinapasukan ko din. Kumunot naman ang noo ko nang makilala ko ang mukha ng babae.

"Tsk! Akala ko naman kung ano na, ikaw lang pala."

Andrea's POV

"Oh my, oh my, OH MY! MALALATE NA AKOO! AAAHHK!" Hinihinggal kong sigaw nang maramdaman kong nanghihina na ang aking mga binti. Tinitigan naman ako ng iba pang residente na naninirahan din dito sa Saoa bayan.

"HOY ANDREA! Kailan ka ba matututong tumahimik?! Kay aga-aga!"

"Nako naman ang ganda-ganda na ng umaga oh!"

"Hay Jusko! matututo pa ba 'yang batang yan?"

Nakakunot ang noo ng mga matatanda habang pilit akong sinasaway. Gustong-gusto ko na sana magpatawad sa kanila kaso kailangan ko na ring bilisan. Hindi ko na rin kase mapigilan ang kabang nadarama ko ngayon, iniisip ko palang kung ano ang p'wedeng mangyare pag nalate ako ng dating sa school. Siguradong chachapchapin ako ng babaeng iyon.

Napatingin ako sa dinadaanan ko nang makarinig ako ng kring kring na tunog ng bell, "O-Oy! Andrea!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. "TUMABI KA!" Sigaw ng mamang naglalako ng mga tinapay.

"UWAAH!" Agad akong umusod ng kaunti sa gilid pa ng daan para iwasan ang papasalubong na bisikleta. Nagtagumpay naman ako ngunit nagsimulang mag gewang-gewang ang bisikleta ni manong.

Nako po...

Pinikit ko ang aking mga mata bago mangyare ang inaasahan kong mangyare. Nagpatuloy lang ako sa pag tatakbo hanggang sa maya-maya, nakarinig ako ng malakas na kalampag ng metal.

Shit.

"ANDREAAAAAA!"

"SORRY POOOO!" Mas binilisan ko pa ang pag tatakbo para na rin makalayo sa kahihiyan.

Ano ba yan! Kung sana 'di ba, narinig ko man lang sana ang alarm ko kanina! Paano ba naman kase! Ang dami-dami ding assignment at project ang iniwan saamin, sabay-sabay pa ang deadline. Saka ano... ang ganda rin kase ng binabasa ko na libro kagabi kaya alam niyo na. Hehe.

Anyways... Ayan na! Hala siya! Ang dami pang natitirang oras HAHAHAHA! Kita ko na ang school! My Goodness ayan na!

Isang hakbang...

Ikalawang hakbang...

At...

Wow, parang bumagal ang oras. Ang sarap ng simoy ng hangin. Lumiliwanag ang school namin. Nasa heaven na ba ako?

Forever in Love with you [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon