Dear Diary,
Recess na nang muling maungkat ang topic tungkol sa birthday ni Coco, na mukhang hindi ko mapupuntahan. Nasa last subject ako ngayon at nagsusulat muna sayo, pano ba naman kasi ay boring ang topic namin sa Social Studies.
So yun na nga, nagdadalawang isip pa rin ako kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Pero kanina ay nagpromise sa akin sila Fhelissa na sumama na lang daw ako, dahil bago mag alauna ay ipapahatid niya ako kay Marco sa school para hindi ko mamissed ang quiz. Pumayag na lang ako sa ganung set up para kahit papaano ay nakapunta ako sa birthday ni Coco, kahit saglit lang.
Tungkol nga pala kay Marco, mukhang masaya siya diary kasi hindi ako makakapagtagal sa birthday ni Coco. Naiinis nga ako eh. Para kasing ayaw niya ako isama sa mga gawain ng gang. Nakakainis talaga siya diary. Ngiting tagumpay siya kanina ng malaman niya na saglit lang ako. Pistiii. Oh siya sige na diary, sakto at nagring na ang bell. Pupunta na kami para makabalik ako kaagad. Wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba?
BINABASA MO ANG
High School Days [COMPLETED]
Teen Fiction[AN EPISTOLARY: Diary] High School Days: Ang diary ng stupidyanteng si Gabby Asuncion. Samahan siya sa kaniyang adventure, este, sa mga kadramahan niya sa buhay sa loob ng kaniyang high school life. #WATTPAD_HSD WRITTEN BY: @happywriter18 D...