17

21 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga linggo. Sobrang naging busy kami sa rehearsals. Practice dito, practice doon. Nung una nga eh madalas ako mapagalitan ni Mam Cabral, sobrang tigas daw nang acting ko. Pag nagsasalita daw ako walang emotion, syempre nung una sobrang naiiyak ako. Pero as time goes by, pasalamat na rin ako sa gabi gabi kong practice sa harap nang salamin, nakukuha ko ang tamang emotion sa bawat eksena. Nakakasabay na ako sa galing nang acting ng mga kasama ko sa play.

Sobrang galing ni Neo umakting. Very natural. Hindi nga sya halos napapagalitan dahil magaling sya. Pulidong pulido ang pagdeliver ng lines, naibibigay nya ang tamang emotion sa bawat bitaw nang linya.

Ellaine ang pangalan ng role ko sa play. Misteryosang bistro bar singer. Lagi akong nakacape dahil may mga taong humahanap daw sa akin para patayin ako. Ulila ako dito. Kumakanta ako sa bistro bar para mabuhay. Ang role naman ni Neo dito ay Hubert, mayamang negosyante. Lagi syang nasa bistro bar dahil nahuhumaling sya sa boses ni Ellaine. Gustong gusto nyang malaman ang pagkatao nang 'Singer in Red Cape'. May mga eksenang magduduet kami ni Neo, may eksenang mag-aaway kami, at may eksenang..... hahalikan nya ako sa labi..

Ng hindi itutuloy. Sabi ng production pag ilalapit na ni Neo ang mukha nya sa akin, ibaba na ang kurtina, pabitin effect daw. Hindi namin ginagawa yun sa rehearsals, dahil sabi nang production, mas maganda kung sa mismong performance na namin gagawin, para mas 'ramdam' daw. Hindi naman na kami umangal, wala na rin naman kaming magagawa.

Sobrang naging busy ng mga nagdaang linggo, at sa mga linggong iyon madalas si Neo ang makasama ko. Busy si Jade sa pagtuturo sa elementary students at pagpeprepare nang dance numbers para sa foundation day. Si Chloe naman ay busy sa pag-oorganize ng mga contests na gagawin ng English Club, aside pa don ay head sya ng props team sa play. Malamang magkasama nga kami ni Neo sa iisang project which is yung play. Sa mga araw na yun ay mas naging close kaming dalawa, sabay kami naglalunch. Madalas ay nagpapractice kami ng kaming dalawa lang.

Hindi naman maiwasang lumala ang nararamdaman kong pagkagusto kay Neo. Para iyong halaman na unti unting tumutubo at lumalago. Sa bawat araw na dumaan ay sobrang saya ko dahil laging kong nakakasama ang taong gusto ko, at hindi ko namang maiwasang umasa na sana magkagusto rin sya sa akin.

Sya lagi nasa isip ko pag matutulog ako sa gabi. Nakangiti sya lagi sa isip ko, ang ngiti nyang makalaglag panty, ang tawa nyang ang sarap sa ears. Grabe tamang tama na ata talaga ako sa kanya. Malala na yan Sab, kaloka ka.

1st day of December. 1st day din ng foundation day ngayon. Kahit tinatamad ako pumunta ng school dahil wala naman akong ganap, bumangon pa rin ako para pumasok. Sinabayan ko pa muna kumain sila mama ng agahan bago lumarga.

Daanan ko muna kaya si Neo bago pumasok?

Isang deretso lang naman ang bahay nya dito samin. Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kanila. Di pa man ako nakakalapit ay nakita kong bukas ang gate nila. Bigla akong kinabahan, parang nilooban ata sila? Pagkarating sa gate nila ay may narinig akong nagsisigawan.

"Tanginang bata yan! Wala ng galang sa magulang! Marunong ng sumagot!" boses ng isang lalaking halatang nakainom base sa tono ng boses. Agad naman akong pumasok sa loob ng bahay at nagulat sa nakita ko.

Nasa sahig si Neo, nakaupo habang sapo ang labi. Naka-uniform na ito papasok. Napatingin naman ako kay tita na pilit pinipigilan ang isa namang lalaking galit na galit na dinuduro si Neo.

Eto ang tatay niya.

"Walang kwentang anak! Sumasagot sa magulang! Ganyan ba ang pagpapalaki namin sayo ha?! Ha?! Sumagot ka!" dinaklot pa nito si Neo sa kwelyo at tinulak dahilan para tumalsik si Neo at mapahiga sa sahig! Agad naman akong lumapit at tinulungan sya. Nagulat pa sya nang makita ako, halos maiyak ako sa itsura nya. Putok at duguan na ang labi at nangingilid na ang luha sa mga mata.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon