My Childhood Friend (One Shot)
Written by: prxncesstofuNaaalala ko pa noon lagi tayong naglalaro at pareho tayong nangako sa isa't-isa na sabay nating aabutin ang mga pangarap natin, na magiging flight attendant ako at pilot ka naman. Naging magkaibigan tayo dahil kaibigan mo ang kuya ko, lagi mo 'ko inaasar kasi iyakin ako pero sinabihan mo 'ko na wag maging iyakin kasi sabi mo papanget ako 'pag umiyak ako. Kapag may nangaaway sa'kin pinagtatanggol mo 'ko kasi alam mong madali akong umiyak kaya gumagawa ka ng paraan para mapatawa ako para huwag lang akong umiyak. Isang araw umalis kayo ng pamilya mo para magbakasyon, masaya ka pang nagpaalam sa'kin hindi ko akalaing ang 'Goodbye' na 'yun ang makakasakit sa'kin ng sobra. Makalipas ang mahigit dalawang buwan ay bumalik ka, masayang masaya akong naghintay sa labas ng bahay niyo, pero anong nangyari? Hindi mo man lang ako pinansin o kaya nag 'hi' sa'kin at tuluyan ka lang pumasok sa bahay niyo. Simula ng araw na 'yun nagbago na ang lahat 'di na tayo magkaibigan para na lang tayong strangers pero umaasa pa rin ako na babalik tayo sa dati. Noong highschool na tayo naging heartthrob ka sa school natin para tuloy mas lalo kang lumayo sa'kin. Bakit ka ganyan? Lahat ng makasalubong mo pinapansin mo pero kapag ako umiiwas ka. Hanggang sa isang araw pagkapasok ko sa school natin nagkakagulo ang mga tao at may ambulansya sa labas kaya tinignan ko kung anong nangyayari, nagulat ako ng makita kang nakasakay sa stretcher at putlang putla ang kulay ng balat mo halos umiyak na nga ako. Hindi na 'ko pumasok sa klase at pumunta na ko sa Hospital pero huli na ang lahat, pagdating ko umiiyak ang mommy at daddy mo at sinabi sa'king wala ka na daw. Sobrang sakit ng mga pangyayari, bakit mo 'ko iniwan? Ang daya mo sabi mo sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Iyak lang ako ng iyak hanggang may inabot sa 'king letter ang mommy mo.
Dear Jenny/Jelly,
Hello Jelly! Alam ko galit ka sa'kin dahil hindi ko natupad ang promise ko sayo. Noong umalis kami hindi naman talaga kami nagbakasyon eh na confine ako sa hospital ng dalawang buwan at nalaman kong may leukemia ako. Kaya pagbalik namin hindi kita pinansin ayoko kasing mas mapalapit pa sayo baka mas masaktan ka pag nawala na ko. Noong highschool tayo gustong gusto na kita kausapin, namimiss na kita pero parang ang layo na natin sa isa't isa. Isang araw pumunta kami sa doctor sabi niya malala na daw ang sakit ko kaya 'di na talaga kita nilapitan kahit masakit para sa'kin. Sa oras na binabasa mo 'tong sulat ko wala na ko. Alam ko masakit pero, Oh! Wag kang iiyak sige ka papanget ka, biro lang. Pero sana maging masaya ka kasi masaya na 'ko sa pupuntahan ko. Ikaw lang ang nagiisang matalik kong kaibigan. Ikaw si Jelly ko at ako si Ace mo salamat at nakilala kita.
Your childhood friend,
Ian/AceNung mabasa ko ang sulat mo lalo akong naiyak. Kaya mo pala ako iniiwasan sana sinabi mo na lang dahil mas nasaktan ako na di mo sinabi sa'kin noon. Sana nga masaya ka na kung nasaan ka man hindi kita makakalimutan, namimiss na kita Ace... ikaw lang ang nagiisang childhood friend ko.
The End
[A/N]
Hello! 5th story ko na po ito, salamat sa pagbabasa. ♥
Vote. Comment. Be a Fan :')