CHAPTER 9

0 1 0
                                    

Sofia's POV

Bakit ba kasi nila iniwan mag-isa sa kwarto si Kath? Ako ang mananagot kay Kuya Peter kapag may nangyaring masama sa kanya. Huhuhu. Patakbo akong tinatahak ang daan papunta sa room namin. Pagpasok ko ay diretso agad ako sa kwarto na pinag-iwanan namin sa kanya at lintik na! May dalawang lalaking nakaitim ang biglang tumalon sa bintana. Nakasunod lang si Joshua at Timothy sa'kin kaya nakita din nila yung dalawang lalaki. Sinilip ni Joshua ang bintana at pagkatapos ay tumakbo palabas. Hahabulin yata yung pumasok na dalawang lalaki. Kami naman ni Timothy ay nagmadaling icheck si Kath kung may ginawa ba silang masama dito.

"Sorry Kath. Huhuhu. I'm so sorry. Hindi ko inexpect na mangyayari kaagad ang sinabi ni kuya Peter. Huhuhu" nakakaiyak. Huhuhu.

"Anong nangyari Tim? Sofia? Anong nangyari?" Alalang tanong ni Ivan. Nandito na pala silang tatlo.

"Hinahabol na ng mga tauhan ko ang pumasok sa kwarto ni Kath. Kamusta siya? May masama ba silang ginawa?" Si Joshua. Nakabalik na siya.

Sinuri naman namin si Kath ng mabuti. Mukha, mga kamay, at nga paa. Okay naman.

"Shit!" Nagtaka kaming lahat sa napamurang si Timothy. Bakit kaya? Wala naman sugat si Kath ah?

Pinaikot niya si Kath at may mantsa na ng dugo sa damit niya. Oh my God! I'm sorry. Huhuhu. Kung alam ko lang na mangyayari 'to. Hindi ko na sana siya iniwan. Huhuhu. Itinaas ni Timothy ang damit ni Kath at may sugat ang likod niya. Huhuhu.

"These are letters." Seryosong sabi ni Timothy saka niya inabot ang tissue sa side table ng kama. Pinahid niya ang nagkalat na dugo malapit sa sugat at nagmarka ang sugat na may nakasulat na 'DIE' .

Timothy Miguel's POV

Shit! Bakit ko ba siya iniwan? Kasalanan ko 'to. For sure kasalanan ko.

"Sofia tell us the truth. I heard you a while ago mentioning about something." Tapos nang gamutin ang sugat ni Kath. At bago ito takpan ng bandage ay sabi ni Sofia na kailangan daw itong makunan ng litrato. Yun daw ang bilin sa kanya ng Kuya Peter na 'yon.

"Huhuhu. I'm sorry. I'm sorry, Kath" kanina pa siya iyak ng iyak.

"Shh. Stop crying Sofia. Look at me." Niyakap ni Joshua si Sofia at hinawakan sa magkabilang pisngi para iharap sa kanya. "Tell us what really happened. Para naman alam namin ang ginagawa namin. Baka kapag gumawa pa kami ng move, mas ikasasama pa pala ni Kath. Trust us, okay? We're allies." Tumango-tango naman si Sofia at kumalma na.

"Kanina nung sinundo kami ni Kuya Peter. May sinabi siya sa'kin sa loob ng kotse. Hindi alam 'to ni Kath kaya sinigurado muna niya na tulog ito." Nagpapahid pa rin ng luhang kwento ni Sofia.

"Who's Peter? Is that the man with her at the mall?" Tanong ni Cedie.

"Yung palagi niyang kasama. Kagaya ng sabi ni Kath, ako ang pinakauna niyang naging kaibigan. Dahil yun sa aksidente one year ago. Nawala ang memorya niya. Simula ng magising siya ay ako ang pinakauna niyang kaibigan. Ang nakakausap niya lang sa buong taon na nasa recovery siya ay ang Daddy niya, at si Kuya Peter. Silang dalawa lang ang kakilala ni Kath sa buong taon.

"Accident one year ago? Anong aksidente?" Nagtanong na ako. Gusto ko malaman lahat ng nalalaman niya.

"Kahit daw si Kath ay pinagkaitan nila ng katotohanan. Akala ni Kath ay isang simpleng car accident lang 'yon pero ang totoo, sinadya daw 'yon ng kung sino. Yun lang ang alam ko."

"Paano yung mga bilin ng Peter na yon? Ano-ano ang mga bilin niya?" Si Ivan na ang nagtanong. Lahat kami ay nakatutok lang kay Sofia at naghihintay ng sagot niya.

It was herWhere stories live. Discover now