*PSFamilyIsLove
Bianca's Point Of View
Nang sumunod na araw ay nagpunta ka nga kami kay Princess. Sobra siyang nag-alala sa sa nangyari sa mukha ko. Sinabi ko naman na okay na ako. Noong araw rin na yun ay nag-vlog siya kasama kami. Mukbang challenge. May mga nagpadala kasi ng mga pagkain. Ang sasarap ng mga iyon pero mas masarap pa rin ako. Hahahaha joke lang. May fried chicken,spaghetti,ibat ibang flavors ng cakes,at kung ano ano pang meryenda. Sobrang nabusog kami. Yun pala ang magandang vlog ukbang challenge. Siyempre habang kumakain nagkukwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at kung ano anong shibare sa viewers.
Si Gardo naman ay todo lamon ng hotdog. Hahaha ang daldal pa rin niya walang pagbabago. Sobrang saya ko.
"Sige thank you so much guys ha. Lalo na ikaw Gardo. May ganyan ka pala sa mukha. Dapat kasi hindi ka na pumunta. Okay lang naman maiintindihan ko yun."
"Para sa'yo gagawin ko lahat kahit na mahirapan pa ako."
"Uyyy tama na ang landian haha.!" Sangat ni Gardo sa paguusap namin.
Nakauwi kami ng matiwasay ng araw na yun. Pagkauwi ko ay pinanood ko ang mga vlogs ni Princess. Andami na pala niyang nagawang videos. Pinakamaraming views ay yung kasama niya si Eldon. Umaabot ng 5 million. Ganun ba kagaling manloko ng viewers si Eldon. Tsk. Hindi ko na pinanood yung vlog na kasama niya si Eldon. Masisira lang ang araw ko. Hayyss sana forever na ito. Sana matanggap ako ni Princess ng buong puso.
A Few Months Later
Ang bilis ng panahon ibang klase. Parang kahapon lang malungkot na dumaan ang pasko ko. Hindi kasi nakauwi si Papa noon. Si Marites lang ang kasama ko. Pero pakiramdam ko magihing masaya ang pasko ko dahil umuwi si Nanay. Kumpleto kami. Ang sarap makumpleto ang pamilya. Kahit hindi sila ang totoong magulang ko masaya pa rin ako na naexperience ko yung pakiramdam na buo ang pamilya. Na hindi masama ang ina at magkasundo ang magulang.
"Oh nak nagluto pa ako ng pang media noche natin."
Si Nanay na nakaharap sa lutuan. Hanggang bagong taon na siya dito kaya sobrang saya ko lalo.
"Sigurado akong masarap yan Nay."
"Nambola ka pa."
"Hindi nay ano ba yan?"
"Kaldereta nak."
"Wow"
Nagpunta muna ako sa higaan. Musta kaya si Gardo? Masaya rin kaya siya ngayon. Si Princess kaya ano kayang ginagawa? Hayysss.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko. May load pa naman akong pang-youtube. Agad kung pinuntahan ang channel niya. At nanood ng mga video niyang luma. Ang ganda ganda talaga niya.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako sinasagot ni Princess. Mas okay na siguro yun para mas makilala pq namin ang isa't isa. Pero paano niya ako makikilala kung ibang katauhan ang palagi niyang nakakasama.
Naalala ko tuloy yung mga panahong narealize ko na inlove na ako. Grade seven ako noon ng makilala ko ang isang magandang babae. Tomboy na ako noon siyempre pero hindi ko inaasahang maiinlove talaga ako sa kapwa ko babae. Nakakamiss lang yung mga panahon na yun.
Maya maya pa ay kumain na kami ng aming handa. Nagulat ako ng may biglang iabot na paperbag si nanay. Agad ko yung tinanggap at pagbukas ko ay may kahon iyon. Binuklay ko ang kahon at nakita ko ang isang magandang rubber shoes.
"Wow ma kabibigay niyo lang po sa akin ng rubber shoes nung isang buwan ah." Oo andami na niyang nabiling sapatos sa akin. Naalala ko tuloy yung sapatos na galing kay Mang Tasyo. Bigla na lang kasi yung nawala nung magpalitan kami ni Gardo. Sabi ni Gardo pati yung cellphone niya nasira at bigla na lamang din nawala. Kagagawa siguro yun ni Mang Tasyo.
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!